7

362 13 0
                                    


...

I wasn't expecting na magiging ganito ka jolly iyong first reunion na dadaluhan ko. Nakakatuwa dahil kahit di kami kompleto ay marami-rami din naman ang umattend. Ng maggagabi na ay nauna nang umuwi iyong may mga chikitings at may trabaho pa bukas. Nagpaalaman kami habang iyong iba ay naghanda na at humirit pa ng overnight! Wala namang kaso sakin iyon kaya game lang ako.




"Insan, mauuna kami hah?" Paalam ni Nill.


"Ang aga nyo namang umuwi." At lumapit na din si Matet. "Ikaw, minsan ka na lang magpakita sakin tas uuwi ka pa ng maaga."



Natawa lang ang huli at yumakap sakin kaya niyakap ko din ito ng mahigpit. Namiss ko din naman kasi sila. Lalo na itong isa dahil nga sa ibang bansa ito nakabase.




"Bawi na lang sa susunod. May aasikasohin pa kasi sa bahay eh." Paliwanag ni Matet.



"Kelan ba alis mo?" Lumayo ito ng konti.

"5 days from now."

"Dyahe! Ambilis naman!"


"Itinuon ko lang kasi talaga sa reunion iyong uwi ko eh."


Natatawa ako ng konti kasi halatang lasing na ito. Mukhang tinamaan na!


"Yay! Lasing na!" Nakaduro iyong hintuturo ko sa noo ni Matet na ikinatawa pa nya.


"No worry, ako naman magdadrive." I was relieved ng sinabi ni Nill iyon kaya hinayaan ko na silang makaalis.



Nagtungo akong cottage only to see Mildred na tumayo kaya napataas iyong kilay ko sa kanya.



"What's wrong?"

"Cr." Yun lang sinambit nya. 

Napatango ako at sinamahan siya papuntang cr.


Habang nag aantay sa kanya ay napapahithit na lang ako sa dala kong vape. Napasilip din ako saglit sa phone ko at nagreply na rin sa mga message nong mga nakauwi na ng safe.


"I didn't know you smoke."


Nagitla ako ng asa tabi ko na pala sya kaya agad kong ibinulsa iyong hawak kong vape at humarap sa kanya. Kaso nakasalubong na yung kilay nya sakin.

"Di na po." Nagtaas iyong isang kilay nya. "Lumipat na ako ng vape."


"Pareho lang naman kalalabasan, diba?"



"No, not really..." pero yung mukha nya tila tsinachallenge iyong explanation ko. "Pag umiinom lang po ako gumagamit."



Hindi ito nagsalita pang muli at nauna nang maglakad.



"Em?" Hindi ito sumagot kaya pinigilan ko ito. Salubong parin iyong kilay nya. "Em, galit ka ba? Did i do something wrong?"




Napahinga lang ito ng malalim at napailing. Pero hindi ako kumbinsido.


Pagdating namin sa cottage ay wala na yung iba.


"Guys, dun tayo sa buhanginan. Andun na sila kaya sunod kayo ah?" Bilin ni Lee na nauna nang umalis.





"Jan..." hm?


"Hoy!" Sabay hila sa neckline ni Eva.

"Ay shet! Sorry! Hahaha"

Lasing na ata 'to eh!


"Ayan tayo eh! Lasheng lasheng tas shuray shuray..."


"Raulo!" At hinampas pa iyong tyan ko kaya natawa na lang ako bago siya nagtungo sa kinaroroonan ng iba.



A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon