23

345 12 3
                                    

Langya!

Nanginginig ako sa kabobohan ni Janelle kaya lipat tayo.

________________________________

Mildred Guzman

Hindi ako makatulog.

Kanina pa ako nakabaluktot dito sa sofa ng kwarto ni Janelle pilit iwinawaglit iyong mga alaalang pumapasok sa isip ko.

Mahigpit akong napayakap saking tuhod habang napapalinga sa paligid ng kanyang silid.

Ang lungkot ng pakiramdam ko. Lalo na at naaamoy kong muli iyong pabango nya sa buong lugar.

Hanggang ngayon...

Hindi ko parin magawang patawarin ang sarili ko matapos ng ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko rin lang matanggap yung fact na wala man lang syang ginawa para hindi ako tuloyang lumayo.

Alam kong ang drama ko masyado pero, ano bang magagawa ko? Masyado akong naapektuhan nong una ko silang matagpuan dito mismo sa unit nya.

Hindi ko ipagkakaila na ni kailan man hindi pumasok sa utak ko na baka may nangyari sa kanila that day- or even before then.

May tiwala ako sa kanya pero, sino ba naman ako para sabihing hindi ako nakakaramdam ng takot dahil alam ko mismo kung gano kalalim ang naging samahan nila ng kanyang ex.

I was just scared!

That fear of losing her made me think irrationally.

Aware ako na sobrang selfish ng ginawa ko kaya naman hanggang ngayon, lihim ko iyong pinagsisisihan.

I got too cautious for myself at nakalimutan ko na partner ko siya.

We were supposed to do things together pero pinili kong sarilinin ang nararamdan ko.

I wanted to talk to her...

Bigla ko na naman naalala iyong pagsigaw ko sa kanya kanina kaya lalo akong napapasubsub saking tuhod.

I didn't want to do that.

Pero nadala ako ng emosyon.

Kanina ko pa kasi silang dalawa kinocontact pero hindi nila sinasagot iyong mga cellphone kaya kontodo iyong pag-aalala ko. Halos isang oras rin akong nakikipag debate sa sarili ko kung pupuntahan ko sila dito dahil sa pag-aalala kung napano na ang dalawa.

Magmula kasi ng ipaalam ko ke tatay iyong sitwasyon namin ni Janelle ay hindi ito nagpahayag ni minsan ng kahit ano tungkol sa huli. Kaya worried ako nong tumawag si ate na nagpunta umano si tatay dito.

Alam kong close yung dalawa pero kilala ko si tatay... tsaka palagi kong naririnig noon ang pambabanta nya noong kami ay magjowa pa.

Kaya, sino ba naman ang hindi kakabahan?

Napainat ako ng magisnang umaga na pala. Napalingon ako sa bed pero pansin kong wala na din dun si tatay.

Mukhang asa banyo ito. Kaya minabuti ko na munang mag-ayos bago lumabas ng kwarto.

I was expecting na andito si Janelle pero, ni anino nya ay wala kaya dismayado akong napasilip sa cellphone ko.

Kaso natigilan ako ng bumukas iyong pinto kaya medyo may tuwang umusbong sa dibdib ko ngunit agad din napalitan ng pagkadismaya.

"Good morning, ate!"

May siglang bati ni Liz sakin kaya masaya ko itong niyakap.

"Good morning din."

"Te, kung hinahanap mo yung isa naku! Ayun, lasing na pumunta sa unit namin kagabi. Kaya pala bumaba kasi andito ka." May inis na sumbong niya kaya napa pat ako sa ulo nya.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon