8

447 17 0
                                        

...

Pambihira talaga. Ang saklap naman masyado. Ni wala pa ngang kalahating taon iyong panliligaw ko ay eto at mukhang mapupurnada pa nga yata.

Kinabukasan ay maaga ako nagpaalam kay mama at nagpahatid sa pinsan ko sa kung san ko dati inihatid si Mildred. Alam ko dito siya dumadaan galing sa kanila kaya matyaga akong tumayo doon. Hindi naman kasi sya nagsabi kung anong oras nya balak bumyahe kagabi kaya sinadya kong agahan. Mag-aalas singko pa lang pero andito na ako, i keep wondering kung nakaalis na ba sya or what. Di ko naman kasi sya magawang kontakin dahil nga sa nangyari kagabi tsaka di ko rin sure kung magrereply ba yun. Kaya heto tayo, tiis tiis na lang sa pag-aantay. Buti na lang konti lang laman ng backpack ko dahil kung hindi ay baka nakuba na ako kakatayo dito.

Pumatak ang alas syete pero wala paring Mildred na niluwa ng masukal na daan na kanina ko pa pinag-iinitan. Pano kasi, di ko naman makita-kita iyong asa unahan dahil mahahaba iyong damo tsaka kahoy na andun. Letche!

Hindi ko na tuloy alam kung patuloy ba akong mag-aantay dito o aalis na lang. Andami nang motor ang humihinto sa kinaroroonan ko akala ata nila ay sasakay ako. May mga natatanggap pa akong weirdong tingin mula sa mga taga rito tas pag may lalapit ay tinatanong pa ako kaya sinasabi ko na lang na may inaantay lang ako.

Baka mapagkamalan pa nila akong kawatan o kriminal dito.

Kanina pa ako titingin-tingin sa phone ko pero ilang oras na ay wala parin iyong inaantay ko. Nakapagsend na nga ako ng text sa kanya eh dahil di ko na mapigilan magtanong kung nakaalis na ba sya or baka bukas pa byahe nya. Pero wala din naman ako natatanggap na reply!

May inis tuloy akong napabaling dun sa daan at tila ba gusto ko iyon pagbabatohin. Wala din naman ako magawa. With a last glance ay bigo akong naglakad paalis dun. Dismayado at mabigat ang loob ko. Alas nuwebe na kasi, ni hindi man lang niya naisip mag text sakin na nakaalis na pala sya or ano para hindi ako umasa at mag mukhang tanga kakaantay sa kanya ng ilang oras.

Ito ba yung way nya para maparqting sakin na binabasted na nga nya ako?! Bwesit! Ba't di nya ako magawang diretsahin?! Maayos naman akong nagtanong sa kanya ah!

Halos maluha ako sa inis at hinanakit sa ginawa nya habang nilalakbay ko iyong daan papuntang bus station. Pucha! Gutom na gutom pa ako. Pero wala rin gana. Pano ba naman ako makakalunok kung ganto iyong iniinda ng puso ko?!

Parang dinaganan iyong pakiramdam ko habang nakaupo dito sa bench at nag-aantay. May ticket na ako pero mamayang 10 pa alis ng bus tsaka di pa nila kami pinapasakay. May napansin akong vendor na nagtitinda ng tempura at fishball kaya yun na lang pinag-initan ko. Nakailang balik din ako dahil na rin siguro sa inis kaya halos kainin ko pati iyong stick. Bumili na lang ako ng softdrink bago bumalik sa kinauupoan ko kanina. Asa ganung ayos ako ng biglang tumunog iyong cellphone ko.

Ng makita ko kung sino ay nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero namatay din iyon ng akma ko na e tap. Di katagalan ay nakatanggap din ako ng message from the same recipient.

...

Fr: My Love

"Answer your phone!"

...

At tumunog nga ulit iyon. Nakaapat na ring na iyon ng pumasok na naman iyong bagong message.

...

"Answer the damn phone, Garcia!"

...

Parang mas nainis pa ata ako sa text kesa dun sa kanyang tawag.

"Hello? Asan ka?"

Her voice sounded rush kaya kunot iyong noo ko.

"Bakit?"

"San ka nga?" Kagat ang labi akong nanahimik. "Sa bus station ka na?" Bahala sya. Nagtatampo ako kaya bahala syang umalam! "Tsk! Dyan ka lang, I'll be right over. Wag kang aalis!" Sabay patay nya ng tawag.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon