24

351 10 0
                                    






Magmula noong inaya nya ako mag-usap ay unti-unti naging madalas iyong pagpunta nya.





Halos dalawa o tatlong beses ko na siyang makita sa isang araw.





Nong una ay sumasabay ito ng lunch samin tas sa hapon naman, minsan ay hinahatid nya ako papuntang apartment.



Hanggang pati pag pasok ko sa trabaho ay nadadatnan ko na syang nag-aantay sa labas ng aking tinitirhan.




Ewan ko lang kung anong milagro nangyari at naggaganito sya ah.



Natatanong ko na lang tuloy ang sarili ko kung nanliligaw ba sya sakin?



Wala naman kasi siyang sinasabi!


Ni wala nga syang binabanggit kung bakit umaaligid sya ulit sakin eh!



"Oy Dred!" Si ate Trish na kapitbahay ko lang dito.



Nakangiti ko itong binati. Magtatapon ata ng basura.



"Manliligaw mo pala yun?"

"Po?"

"Yung pogi na naghahatid sundo sayo."

"Ahh... si Janelle."

Mapanudyo iyong ngiti nito kaya nahiya tuloy ako.

Di ko kasi alam pano sasabihing ex ko ang taong yun.

"Alam mo bang naalarma ako sa kanya nong una ko sya nakita?"

"Huh? Bakit naman te?" Ano naman kaya ginawa ng mokong na yun?

"Eh kasi, nadatnan ko sya nong nakaraan dito. Akala ko kung sino." Huh? "Nag-alala ako kalaunan kasi basang-basa siya ng ulan habang nakaupo dito sa labas ng pinto mo."

Ano??! Teka,

Pano nangyaring mapapadpad dito yun?!

"Alala mo pa ba kung kelan?"

Napaisip ito saglit habang ako ay kunot ang noo.

Bakit magpupunta ang taong yun dito? Tsaka, basang basa daw sya sa ulan?

"Hindi ko sure anong araw ah, pero parang last last week ata yun. Wala ka yata kasi nadaanan ko pa sya dito na tulog nong papasok ako sa trabaho kinabukasan."

Nakahiga na ako dito saking kama pero hindi naman ako dalawin ng antok dahil palaging sumasagi sa isip ko iyong sinabi ni ate sakin.

Totoo nga?!

Nagpunta sya dito?

Pero, bakit basang basa sya ng ulan?

Para tuloy nilalamukos itong dibdib ko sa isiping nakatulog ito sa labas ng aking pinto buong magdamag.

Ni hindi ko na napansin na tumulo bigla iyong luha ko. Di ko kasi maiwasang umasa.

Did she really wait for me that night?

May part tuloy sa loob ko na nagsisisi kung bakit pa ako sumama sa out of town namin that time.

Yun kaya dahilan bakit nagkasakit siya nong bisitahin sya ni tatay?

Waaahhh!

Para akong kiti-kiti na naiinis saking sarili habang inaalala iyong binungad ko sa kanya nong magpunta ako sa kanyang unit.

Maldita ka talaga, Mildred!

Halos abutin ako ng madaling araw kakaisip sa katangahan ko.

Pero alam kong nakatulog ako ng may ngiti sa labi dahil sa posibilidad na baka maayos pa namin ito.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon