19

310 12 0
                                    

From the past few months ay umpisa nang naging busy si Mildred sa trabaho kaya di na kami ganun kadalas nagkakasabay kumain ng lunch although nasusundo ko parin naman sya pag out. Kaso nagiging madalas na iyong pag out of town nya dahil sa trabaho tas pag may outing sila ay di na rin ako nakakasama. Actually, sinasadya ko na madalas dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa ginawa nilang pag tsismis sakin nong huli. Minsan na rin sya nakipagtalo sakin dahil sa pag iwas ko but wala din syang magawa kaya may time na din na di siya sumasama sa mga lakad ng workmates nya.


Ewan ko sa kanya, basta magpapaiwan na lang sya then if i were to ask why ay lagi na lang nya ako pinagmamalditahan.

E choice naman nya ang magpaiwan.






Pauwi ako ngayon ng unit.

Kakagaling ko lang sa probinsya. May pinuntahan sila Mildred na out of town work kaya i took the opportunity to go home.

But i was surprised ng may kung sinong nakatayo sa labas ng pinto ng unit ko. Alangan pa ako dahil sa malayo pa lang ay alam ko nang di si Mildred iyon at di rin mga kapatid o kaibigan namin.

Papalapit na ako ng lumingon din ito kaya i was stunned to see who it was.











Di ako mapakali habang hawak ko iyong baso ng tubig. Nakaupo ito sa harap ko at may malungkot na ngiti na nakatitig lang sakin.

"Uhh..." nilapag ko iyong baso at napamulsa.

"Pano mo nga pala nalaman san ako nakatira?"


"Ah, nagkasalubong kami ng mga kapatid mo kanina and i kind of asked them about you."

Medyo alangan pa itong ngumiti kaya napatango na lang ako.



"So..."

"Matagal na kita gustong makausap, Jan."




Kinabahan ako saglit sa naging turan nya. Joy and i have been together for quite a long time bago ako nag decide na tapusin na lang ang lahat.

Sa totoo nyan ay umayaw siya sa naging desisyon ko noon pero wala din sya nagawa nun dahil desidido na ako and we had a big fight that time. Though i genuinely loved her.



Andami kong natutunan while in a relationship with her before. She's one of the reason why i am who i am today.


Kaya naman, kahit papano ay nagpapasalamat ako sa taong ito.




"Looking at you, i guess you're doing fine."

Kagat ko ang labi kong tumango. Tipid siyang ngumiti.












"Jan, i– i want you back."


Napaayos ako ng tumayo siya sa kinauupoan.




"Alam kong malaki ang pagkakamali ko. I was insensitive and took you for granted. Pero please, give me a chance to make it up to you." Naiiyak itong lumapit sakin. "This time, i wanted to make things right. Pinapangako ko na di ko na uulitin iyong mga pagkakamali ko. And I'll listen to anything you say."





"Joy, I'm sorry–"


"Janelle, we've been together for three long years. Hindi tayo tatagal ng ganun kung di natin mahal ang isa't isa, right? Alam ko na naasiwa ka sa mga pagkakamali ko and i gave you the space that you needed because i know you deserved that."

"Hindi ka ba nanghihinayang sa ora—"



"Joy, I'm already with someone." Putol ko sa kanya na ikinatigil niya agad.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon