Kakagising ko lang ng mapansin kong wala na sa tabi ko si Janelle.Maaga kasi syang nagpunta dito sa apartment ko kanina, nagdala siya ng makakain. Matapos naman namin iyon pagsalohan ay nag-aya ako na umidlip muna dahil pagod na pagod talaga ako the past week.
Mag aalas dose na pala.
Napangiti ako ng madatnan ko siya sa kusina.
Mukhang busyng-busy siya sa niluluto.
Buti naman at kahit papano ay may alam na sya sa kusina. Nakakatuwa pag naaalala ko siya nong bago pa lang kami. Panay reklamo ito pag pinapaluto ko sya ng makakain.
Tahimik ko lang syang pinagmamasdan.
Mas maikli na ngayon iyong buhok nya kumpara dati. Nakasuot ito ng loose classic shirt at pinarisan ng beige na short. Ang casual lang ng datingan nya pero kahit ganun ay parang ang ganda nya sa paningin. Ang bango at ang linis nya tignan.
Siguro dahil maputi din sya. Mas maputi pa nga sya sakin eh.
Lumapad iyong ngiti ko ng mapansin ang relo na nakalapag sa mesa.
"Holy cow!" Patago akong napangiti dahil halatang manghang-mangha siya sa laman ng box.
Kakarating lang kasi ng parcel na para sa kanya kaya inutusan ko syang buksan ito. Actually, excited ako sa reaksyon nya.
Kunwari ay namamangha din akong napasilip dun sa relo.
Antagal ko rin binalik-balikan ang relong ito. Tsaka nag-isip ako ng mabuti kung okay ba, babagay ba sa temperament ng taong ito. Basta! Andami kong niresearch until nagdecide ako na bilhin.
Kamahalan talaga iyong relo kaya antagal ko itong binili kasi iniisip ko pa kung worth it ba syang bigyan. Hahaha!
Sa totoo lang, pansin ko kasi iyong mga gamit nya. Hindi ako makahanap ng mumurahin lang. Pansin kong puro mamahalin kaso di mo agad masasabi dahil ang plain at simple lang tignan. Magugulat ka na lang na hindi pala basta-basta iyong mga gamit nya.
Kaya naman ito na lang binili ko para sa kanya.
"Bioceramic Moonswatch?? Ano yun?"
Nagtataka itong napalingon sakin kaya inirapan ko.
"Aba malay ko! Ba't di mo itanong sa nagbigay sayo nyan?!" Pagsusungit ko pa bago tumalikod.
Di ko kasi mapigilan ang mapangiti. Ang engot ko talaga!
Babalibagin ko ulo nya pag di nya nagustohan!
"Babe? Bagay ba sakin?"
Poker face lang akong humarap at tinignan iyong kamay nya. Bagay na bagay sa kanya iyong kulay. Tsaka match sa kulay ng kanyang mata kaya lalo siyang nagkakaappeal.
Parang nagsisisi ako. Dadami na naman ba karibal ko nito sa kanya?!
Ayoko!
Sakin lang dapat ang unggoy na ito!
Natatawa kong niyakap siya mula sa kanyang likod at nanatili muna doon.
Miss ko na sya agad.
"Amoy ulam ako babe."
"Mhhm. Medyo, but you still smell good." Totoo naman.
Hanggang sa matapos itong magluto ay nakayakap lang ako sa kanya. Para akong tuko na nakakapit.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.