"Em."
"Oh?"
Andito kami sa resto ng brother in law niya, kami lang dalawa ngayon.
"Bat nga pala di natin kasama mga kaibigan mo kumain?" Nagtaka kasi ako ng puntahan ko sya kanina, mag isa lang ito at sabi niya ay nauna na daw yung iba.
"Bakit? Mas gusto mo bang makasama sila kumain kesa sakin?" Ugh! Bat ansungit bigla?!
"Hindi naman! Nagtatanong lang po." Tsk! Ano na naman ba kasi ginawa ng mga yun dito?!
Tahimik na naman.
"Uh Em" tawag ko ulit sa kanya.
"What?" Tsk!
"May lakad pala ako bukas, di kita masasabayan ng lunch. Pero susundoin kita after work." Hay naku! Nag pang abot na naman yung kilay nya.
"San ang lakad mo?"
"May opening kasi ng store yung kaibigan ko. Malapit lang naman."
"Which friend?"
"Si Cielo."
"Okay."
Binayaran ko lang yung kinain namin. Paglabas ay nagdadalawang isip pa ako kung hahawakan ko kamay nya.
Pano kasi, baka bumuga na naman ng apoy!
Pero kapagkuway inabot ko na rin ito at nginitian siya ng matamis paglingon nya sakin.
"Bati na tayo oh." Tumaas pa yung kilay nya.
"At kelan naman tayo nag away?" Parang gusto ko sya toktokan ng konti.
"Eh kasi, ansungit-sungit mo na naman sakin kanina. Parang nagtatanong lang naman." Inirapan lang nya ako kaya hinila ko sya palapit sakin at hinapit sya sa beywang upang magdikit kami na dalawa.
"Anong ginagawa mo?" Akma sana syang kumawala pero hinapit ko sya lalo kaya nagdikit pa ang mga katawan namin.
"Nilalambing ka." Napalinga-linga siya bago ako sinamaan ng tingin.
"Garcia, ano ba. Asa gitna tayo ng daan!" Nanggigigil yarn?
"Ansungit mo kasi sakin! Wala naman akong ginawa, kaya naisip ko baka gusto mo lang lambingin kita." Para akong tanga.
Actually, namimiss ko lang talaga sya. Tas bukas hindi ko pa sya makakasabay mag lunch. Nasasanay na kasi akong andyan sya lagi sa tabi ko.
"Lambing to para sayo? Sa lantarang pangmamanyak to eh!" Magpupumiglas pa sana sya ng yakapin ko siya.
"I really like you, Em." Hindi ko sure kung bakit pero feel ko lang talagang ipaalala iyon sa kanya.
This time ay hindi na ito nagpumiglas kaya napangiti ako at lumayo ng konti. Namumula yung kanyang pisngi kaya dahan-dahan kong hinalikan ang noo nya, mga ilang segundo din bago ako kumalas sa yakap ko sa kanya.
"Tara na?" Sabay hawak sa kanyang kamay.
Tahimik lang sya kaya di ko na lang kinulit pa. Pagdating naman namin sa labas ng building nya ay humarap ito sakin pero di makatingin sa mata ko.
"Pasok na ako." Yun lang iyong sabi nya bago napababa ng tingin sa magkasugpong na kamay namin.
Marahan kong pinisil iyon kaya nagtama ang mata namin. Nginitian ko siya at di naman nya ako binigo ng ngumiti din sya sakin. Tipid iyon pero ikinagalak na agad ng puso ko.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.