Pagdating ko sa resort na sinabi ni ate Rox ay nag check in ako agad isang floor sa baba mula sa reservation nila.
Excited ako kaya naman kahit pagod sa byahe ay diretso ako agad sa plano at hinanda na yung ibang materials na dala-dala ko. Actually most of the things kailangan ko ay nakaready na nong isang araw pa. Credits to Maya at Lyka na all nighters para lang makompleto iyong mga props na kakailanganin.
Mag aalas kwatro na nong matapos ako kaya habang may time pa ay itinulog ko agad.
Naririndi na ako sa ingay nong cellphone ko halos itapon ko dahil kanina pa ring ng ring. Napasilip ako sa oras. Alas otso na pala, at least nakatulog ako ng limang oras.
"Hello?" Garalgal pa boses ko ng sagotin ko iyong tawag.
"Hoy!!" Dyahe naman!
"Lyka, ang laki masyado ng boses mo!" Dahan-dahan akong bumangon at pipikitpikit.
"Anak ng! Kanina pa nabubweset tong isa dito panay tingin sa cellphone nya! Kanina ka pa ata tinatawagan, sira ulo ka!"
"Kakagising ko pa nga lang eh! Letse naman oh"
Ang gaga tinawanan lang ako bago pinatay yung tawag.
Napahinga ako ng malalim bago binasa mga text ni Mildred at napangiwi. Tinawagan ko na lang.
"Hello?"
"Kakagising mo pa lang?" Di makapaniwalang bulalas niya.
"Napuyat kasi ako-" ay muntik na! "Ang ingay kasi ng kapitbahay kanina madaling araw." Letse talaga!
"Tsk! Wag mo nga ako niloloko!" Hays! Iniba ko na lang ang usapan.
"Kanina pa ba kayo nakarating?"
Nagtaray lang siya sa kabuoan ng tawag.
"Miss na kita, Em. Ako ba di mo namiss?"
"Wag mo ako dinadamay dyan sa ka artehan mo Garcia."
"Edi wag. Sige na, mag enjoy ka sa bakasyon mo. Tsaka, pwede wag ka na din sumimangot?"
"Tse!" Pinatayan pa'ko!
Nag ayos lang ako ng sarili at pumunta sa malapit na mall. Maingat pa'ko pumuslit, iwas na iwas akong makasalubong sila.
Mag aala sais na ng matapos ako sa paghahanda. Panay sipat ko pa sa sarili dito sa harap ng salamin. Tinawagan ko na rin sina Lyka kaya naman nakatayo lang ako sa may bintana habang namamangha sa kulay ng araw na papalubog.
Panay kabog ng dibdib ko habang inaalala ang halos isang taong muli kaming nagkasama ni Mildred.
It wasn't easy.
Dahil alala ko pa kung mangilang beses din akong muntik nang sumuko. But somehow, imagining myself without her was just not right.
Naputol iyong pagre reminisce ko ng marinig ko yung pagbukas ng pinto. Hinarap ko iyon and finally met her after so many hours of waiting.
She looked dumbstruck habang nakatingin parin sakin. Huminga ako ng malalim at nilakad ang espasyong namamagitan samin.
"Wh-what are you doing here?" Natawa ako sa pagtataka sa kanyang mukha.
"Pwede bang payakap muna? Namiss kita buong araw eh. Kanina pa ako kating-kating makita ka."
"Tse! Di mo pa sinasagot yung tanong ko kaya umayos ka! Ano ngang ginagawa mo dito? Tsaka pano yung shop? Akala ko ba busy ka?" Ayan kunot na ang noo nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/315873401-288-k341616.jpg)
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
De TodoIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.