6

408 7 0
                                    


....

Maaga akong nagising para makapaghanda. Reunion namin ngayon with grade school batch kaya excited tayo.

Alas sais daw iyong oras ng meet up namin.

Natatawa pa ako habang nagbibihis ng mabasa iyong mga chat nila sa GC. Karamihan sa kanila ay wala pa umanong tulog dahil nga sa nag pledge sila ng foods para mamaya.

Kung tulog iyong pag uusapan ay ako din naman kulang. Namatay kasi iyong malayong kamag-anak namin kaya naman i had to pay my respect, mga ala una na din nong makauwi and around 2 am na ako nakatulog. At ngayon ay nagising ako quarter to 5.

Man...

Quarter to 6 ay nagpahatid na ako sa gym ng school kung san kami grumaduate ng elementary. Pagdaan sa main building ng school ay napapatawa pa ako remembering most of the memories i shared with my batch mates. Mahigit sampung taon na din iyong lumipas pero halos konti lang pinag-iba. Well, i can say the school looked way better back then. Mas marami kasing tanim at kung anu-ano pa nun kaya masasabi kong mas presko at maaliwalas iyong dating state ng school. Oh well!

"Salamat brad ah!" Tango lang naging sagot ng pinsan ko bago umalis.

Iniadjust ko iyong backpack ko sa likod habang hinahagilap kung iilan na ang naandito. Pero natawa na lang ako ng makitang pito pa lang iyong andito! Langya talaga mga yun! Napansin ko yung ibang girls na tatawa-tawa din habang kumakaway sa gawi ko. Naglakad ako papasok ng gym at medyo nabigla.

Shet! Nakikilala ko pa naman mga mukha at pangalan nila pero shemay! Dala-dala nila mga anak nila!

"Janelle!" Tatawa-tawang tawag pansin ni Princess sakin.

"Nukz!" Sabay hampas pa ni Judelyn sa braso ng makalapit ako sa kanila.

"Dyahe!" Isa-isa ko silang niyakap. "Ambibilis nyo naman!" Tukoy ko sa bitbit nilang mga chikiting.

"Hahaha! Di naman masyado, sakto lang!" Nanggigigil pang hampas ni Rose sakin.

"Aray naman!"

"San na yung sayo?" Si Princess. Napangiwi ako at napairap.

"Ni wala nga akong jowa, anak pa kaya!"

"Baka naman kasi nasobraan standards!" -Judy

"Oy hindi ah! Langya!"

Nagkamustahan lang kami. Binati ko din iyong boys na busy sa paglalaro ng basketball. Panay tawa namin lalo na at nagkakalaitan na. Ilang sandali pa ay nagdatingan na din naman yung iba.

"Ano ba yan! Di parin nagbabago ang mga tao, filipino time parin!" Napapapilantik na reklamo ni Rose at niratrat yung iba sa gc.

Hahaha! Wala ngang pinagbago.

"Hanep din talaga itong mga to, mas nauna pa yung galing sa syudad!" Si Princess na inaalo iyong anak na karga-karga.

Karamihan ba naman kasi sa hindi pa dumadating ay dito lang sa malapit nakatira. Kaya feel ko din talaga mga reklamo nila.

"Jan, pahawak nga saglit." Inabot ko iyong baby ni Princess at nakangiting binuhat iyong baby nya.

"Hello..." nagtawanan pa sila ng makitang tutok na tutok sakin yung bata. "Buti pa itong bata, nastar struck sa kagwapohan ko."

Hahaha! Andaming basher na nagreak!

Habang inaantay yung iba ay nilaro ko na lang itong anak nya.

"Hm?" Gulat ako ng may biskwet na binigay si Cess sa bata. "Shocks! May gantong biskwet pa pala ngayon?"

Langya! Nagtawanan pa sila sa gulat ko. Bakit ba! Eh sa hindi ko naman na talaga nakita pa iyong ganung biskwet!

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon