22 BRIEL POV

241 3 0
                                        

Flashback

"Zey what's wrong? A-Are you okay?" Untag nito ngunit hindi ko magawang iangat ang aking mukha upang tingnan ito, hindi dahil nahihiya ako rito kundi dahil pakiramdam ko'y hinang-hina ako.

Wala na rin akong pakealam sa kung anong iisipin nito.

Ang gusto ko lamang ay mailabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.Gusto kong masagot ang lahat ng aking tanong. Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman sa dami no'n ay mas naguguluhan ako.

"W-What should I do?" Mahinang sambit ko na halos bulong na lamang sa hangin.

"Bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat, ginawa ko ang mga bagay na naisip kong tama pero bakit pakiramdam ko'y may mali sa ginawa ko? Bakit pinaparamdam nila sa akin na tila may mali ako?" Napatingin ako sa nag-iisang tao na nasa harap ko. Thinking that he can give me some answers ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa akin. Na para bang sinasabi nito sa akin na sige lang ilabas mo lang lahat dahil makikinig ako at hindi kita huhusgahan.

And I did, pinalaya ko ang nararamdaman ko at wala na akong pakealam kung sino ang taong nasa harap ko.

Ang gusto ko lamang ay isang tao na handa akong pakinggan. Kahit hindi na niya ako unawin basta ba magawa ko lang ilabas ang mga emosyong naipon ng matagal sa loob ko.

"Alam mo ba kung gaano kabigat 'yung katotohanan na sa ilang taon ay wala akong ibang inisip kundi ang protektahan ang mga taong mahal ko?"

Nakakatawa, pero iyon ang totoo. Tiniis ko ang lahat ng iyon. Tiniis ko ang sarili ko!

'Yung gusto ko sanang makuha ang hustisya para sa aking ina pero hindi ko magawa sapagkat ang hina ko. Andon 'yung takot at panghihina sapagkat duwag ako. Duwag na baka hindi ko rin makuha ang hinahangad ko.

Duwag sa takot na baka lalo lang lumala ang lahatAt duwag ako sapagkat takot akong masaktan ang mga taong malapit sa akin.

"Halos hindi ko na makilala ang sarili ko pero anong nakuha ko pabalik? Galit? Panunumbat? At panghuhusga. Ginawa ko lang naman ang sa tingin kong nararapat batay sa responsibilidad ko at para kapakanan niya, pero bakit ganoon? Bakit ako pa ang naging masama?" Ilang taon ay tiniis ko ang galit na nararamdaman ko kasabay ng lungkot. Pero sa kagustuhan kong maitago ang lihim na natuklasan ko ay pati ang sarili ko ay unti-unti ko na ring naibabaon sa limot.

Ang isang Briel ay isang anino na lamang na nakatago. Hindi ko ito magawang ilabas sapagkat dala nito'y kaguluhan at matinding sakit na nakakabit sa lihim na bumubuo sa pagkatao ko na matagal nang nasira.

Ni hindi ko na nga magawang titigan ang sarili ko sa salamin sapagkat natatakot ako sa maaari kong makita roon.

Takot ako na baka magising ang pagnanais kong makalaya.

"Baka hindi ka lang nila maunawaan sapagkat hindi mo pinapaunawa sa kanila kung ano ba talaga ang na riyan sa loob mo. Humans tend to judge you from the outside pero kung hindi mo ibababa ang bintana ay hinding-hindi nila masisilip o mauunawaan kung ano ba talaga ang nakatago riyan sa dibdib mo at kung sino ka ba talaga. Gaya ng isang likhang sining, puno ng kahulugan. Pero kapag ihaharap mo ito sa iba't ibang tao ay tiyak may kaniya-kaniyang kahulugan silang ibibigay para sa sining na iyon. Pero ang kahulugan ng isang sining ay nababase sa taong tumitingin rito. At bilang isang tagalikha ikaw lamang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan nito. At kapag hindi mo ipapaunawa sa kanila, hinding-hindi nila malalaman ang gusto mong ipahiwatig."

Talaga bang ganoon? Am I wrong all along?Gumawa ako ng sarili kong obra na siyang ginamit kong pader upang itago ang tunay na ako.

At itong obra na ito ay kailanman hindi nila mauunawaan. Sapagkat hindi ako iyon. Sapagkat hindi pa ako nagsasalita.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon