Briel's POV
"I have an appointment with attorney Gliz Ocampo, nandiyan ba siya sa opisina niya?" Malumanay na taong ko sa isang babaeng nakaupo lamang sa desk nito at waring may kinakalikot ito sa computer nito.
Sa pagkakaalam ko kasi ay nasa fourth floor ang opisina ni Ms. Ocampo, 'yun kasi ang turo ng security guard sa akin kanina kaya nga dumiretso ako rito.
Ngunit nang makarating ako ay nakita ko namang napakalawak ng isang floor na ito pero iisang opisina lamang ang nakikita ko kaya tiyak ito na ang sinasabi ng guard.
At baka nga itong babaeng nakaupo sa labas ng opisina ay ang sekretarya ng tanyag na abogado.
"Yes, sir but may I know your name?" Ngumiti naman ako bago ko sinabi ang pangalan ko, ngunit pansin kong tinitingnan ako mula ulo hanggang paa ng babae na para bang may kakaiba sa mga mata nito.
Nandidiri ako sa aking nakikita. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang ganito ang nakukuha kong tingin mula sa mga ganitong klaseng babae.
"I am Briel Miller, and Ms. Ocampo send me an email last month about something important that we need to discuss." Tumango ang sekretarya at agad-agad na kinuha nito ang malapit na telepono at nagdial ito ng numero.
Hindi nagtagal ay bigla na lamang itong nagsalita.
"Yes ma'am, may naghahanap po sa inyo." Tumingin sa akin ang babae at nakita kong namumula ang mga mata nito at nahihiyang nginitian ako.
"Briel Miller daw po ma'am—ayy sige po papapasukin ko na po siya." Binaba na nito ang telepono at saka iginiya ako sa harap ng puting pintuan at saka dahan-dahan iyong binuksan.
"Pasok po kayo sir, naghihintay si Ms. Ocampo sa loob." Tumango ako at saka sinuklian ito ng ngiti bago pumasok at hinarap ang dapat kong harapin.
Oo noong una nagdadalawang isip ako kung pupunta b ako o hindi pero sa huli ay napapayag ko rin ang sarili ko na pumunta.
Ewan ko ba pero may gusto rin akong malaman. Siguro ay gusto ko lang din malaman kung ano nga ba talaga ang nais sabihin sa akin ng abogado.
Baka kasi ay importante iyon at baka tungkol iyon sa aking kapatid.
Alin man ang dahilan sa mga roon ang mahalaga ay maayos ko muna ang lahat bago ako aalis at babalik sa ibang bansa.
Pagkapasok ko sa opisina ay mas nakita kong malawak nga talaga ang sa loob no'n at sa gitnang bahagi ay nakita ko ang isang babae na sa wari ko ay nasa mid-forty ang tanda na nakatingin sa aking habang nakaupo ito sa swivel chair nito.
Nakapatong rin ang panga nito sa dalawang kamay nito na tila ba inoobserbahan ako nito at hindi nagtagal ay lumarawan ang malawak na ngiti sa labi nito bago ito nagsalita.
"Umupo ka, Briel" sinuklian ko rin ito ng tango at ngiti bago ako naglakad muli at saka umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap ng mesa nito.
"Bakit niyo pala ako pinapunta rito? May problema po ba?" Nagtatakang tanong ko pero umiling lamang ito bilang sagot.
"Walang problema, Briel may gusto lang sana akong sabihin sa'yo tungkol sa iyong lolo." Kumunot ang noo ko at kumuyom rin ang aking palad na nakapatong sa dalawa kong hita.
"Ano naman ang tungkol sa aking lolo?" May inis na sambit ko at umakto akong wala akong pakealam. Pero sa loob-loob ko ay andoon ang kagustuhan kong malaman ang tungkol sa aking lolo.
Dahil ang totoo niyan wala na akong makapang galit para rito. Ang totoo niyan ay nagsisisi ako sa mga ginawa ko noon. Na ni hindi ko man lang nagawang magsorry at ipakita rito na mahalaga rin siya para sa akin.
Masyado akong nabalutan ng matinding galit kung kaya't nasayang ko tuloy ang posibleng mga araw na makakasama ko pa sana ito.
Ang dami rin kasing ipinaunawa sa akin ang aking kakambal, nalaman ko na masyado na akong nagiging selfish para sa aking lolo.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Любовные романы"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
