75

168 2 0
                                        

Rohws POV

"Fuck you! Wala nang rason para hilingin ko pang makita ka muli Rohws! Isa pa tandaan mong ito na ang magiging huling pagkikita natin! Dahil oras na makita kitang muli ay ituturing na kitang estranghero. Kung kaya't siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan dahil hindi kita mapapatawad oras na baliin mo iyon. So please find a new girl to play with. Huwag mo na ako idamay dahil wala akong panahon sa'yo. Get lost!" Iyon ang huling binitawang salita ni Briel sa akin na hanggang ngayon ay nagpapangiti sa akin. Hindi kasi maalis sa isip ko ang nanliliksik nitong mga mata nito na imbes takutin ako ay mas nagagandahan pa ako lalo dito.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at ang tinding ng atraksyon na nararamdaman ko para sa dalaga.

F*cking shit. Akala ko sapat na ang isang gabi para mabura ko na ito sa sistema ko pero mukhang kabaliktaran ang nangyari. Dahil mukhang mas nababaliw ako para sa kaniya.

Mas hinahanap ng katawan ko ang init ng katawan niya.

And I can't f*cking stop myself from smiling like an idiot remembering how I spent my night with her.

Hindi ko akalain na kahit hindi ako ang nakauna sa kaniya ay mararamdaman ko ang ganitong emosyon na tila ba nagsasabi na respinsibilidad ko ang nangyari sa amin.

Tila sa kauna-unahang pagkakataon ay ako na ngayon ang gustong maghabol.

At para bang hindi na sapat sa akin ang isang gabi kung si Briel ang babaeng makakaniig ko.

There's something about her that makes me crazy for her.

Kahit pilit kong pigilan ang sarili ko ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng dalaga na nakapikit at umuungol sa sarap.

Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang kaniyang mga ungol, pati na ang mga indayog ng aming katawan at kung gaano kasarap at nakakabaliw ang naging pagtatagpo at pagsasanib ng aming mga katawan.

Para bang lumulutang pa rin ang pakiramdam ko ngayon na sa oras na naiisip ko ang kurba ng katawan ng dalaga, ang nakaawang na mapupulang labi nito. At pati na ang malulusog nitong dibdib na kay sarap angkinin gamit ang aking bibig ay nababaliw ako muli sa pagnanasang nararamdaman ko.

Kahit ngayon ay iniisip ko pa lang ay tinitigasan na ako.

Hindi maalis sa isip ko ang lasa ng dalaga at kung gaano kasikip ang p*gkababae nito na siyang nagsasabi sa akin na ako lamang ang nakaniig nito bago ang taong una nitong pinag-alayan ng sarili.

Muntik ko pa ngang isipin na birhen ito dahil halos hirap akong pasukin ang lagusan nito.

And I don't know why but I can't help but smile.  

"Mukhang masaya ka ngayon, anong nangyari sa'yo? May maganda bang balita riyan?" Tanong ni Neon na kakapasok pa lamang ng opisina ko. Kaya ngumisi ako at sumandal ako sa aking swivel chair upang maipahinga ang aking likuran.

Hindi maitatanggi na halata ng lahat na maganda ang mood ko ngayon. At alam ko naman na hindi ko masupil ang aking madalas na pagngiti dahil talaga ngang wala akong rason para mainis sa araw na ito

"Do I need to tell you the details? Alam mo namang hindi na kailangan gawin iyon hindi ba?" Ngumuso ito saka umupo sa isang upuan.

"Ayaw mo lang talaga sabihin pero its your choice nga pala may darating bukas na tao upang kausapin ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito kaya napaupo ako ng matuwid at hinarap ko ito.

"Sino naman?" Ngumisi ito na para bang may maganda itong sasabihin na hindi nito mahintay sabihin.

"I tried investigating Briel Cab pero may humaharang sa akin upang malaman ang kaniyang totoong pagkatao pero sakto naman gaya ko ay may nakilala akong hinahanap rin ang dalaga. And she wanted to offer you something. At baka lang naman na papayag ka." Lalong lumalim ang gitla sa aking noo at saka ko sinamaan ng tingin si Neon.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon