Rohws
I watched Faye leave then turned to Briel. Kanina lang ay kausap ko pa ang kakambal ko pero ngayon ay kaharap ko na ang babaeng pinag-uusapan namin.
Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong maramdaman. Andoon 'yung galit at matinding kagustuhan ko na buhatin na lamang ito at dalhin sa kwarto kung saan doon ko ito ikukulong. O hindi kaya ay itatakas o itakbo ko na lamang ito ngayon at dalhin sa lugar kung saan hindi siya makikita ni Kenneth.
But damn!
This deceiving witch! Ni hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang katotohanan na paulit ulit niya akong niloloko at ilang beses niya akong pinaikot o pinaglalaruan gamit ang kaniyang mga kasinungalingan.
Kaya kapag tinitigan ko siya ngayon ay halos gusto ko na lamang magwala dahil all along, mali ang taong kinamuhian ko.
Kaya pala ganoon na lamang ipagtanggol ni Briel ang kapatid niya. Iyon pala siya naman pala dapat ang magbayad ng mga kasalanan na siya mismo rin ang gumawa.
Pero bakit? Ano ba ang rason kaya nagagawa niya sa akin ang ganito? Kung hindi niya ako gusto o mahal eh bakit pakiramdam ko may puwang ako sa puso niya? Bakit ba pakiramdam ng puso ko ay kailangan kong sumugal para sa kaniya?
Hindi ba dapat ituloy ko na lamang ang paghihiganti lalo na't kaharap ko na ang babaeng dapat kong pinaparusahan?
Pero bakit hindi ko magawa? Bakit tuluyan nang nanghina ang aking sistema.
Hindi ko siya pwedeng saktan. My heart won't let me do that. At kahit nalaman kong nagsisinungaling ito at pinaglalaruan niya lamang ako ay hindi pa rin maalis sa puso ko ang kagustuhan na mahalin siya. Mas lamang ang kagustuhan ko na angkinin at huwag itong hayaang makaalis.
Nababaliw na ba talaga ako?
Ganito ko na ba siya kamahal? Una pa lang pala tanging siya lamang ang minahal ko ng buo tanging siya lamang ang babaeng nakakapagbigay sa akin ng ganitong nakakabaliw na epekto.
Kilalang kilala siya ng puso ko kung kaya't kahit anong gawin ko ay sa kaniya at sa kaniya lamang ako mahuhulog. Kusang nahahanap ng puso ang babaeng tunay nitong mahal.
And I am blind not to see na mahal na mahal ko siya kung kaya't handa kong bitiwan ang galit at paghihiganti kung ang kapalit no'n ay ang makasama siya.
Pero ang hirap lang isipin at ang sakit lang dahil kahit sabihin na gusto ko siyang makasama ay siya naman itong patuloy na lumalayo.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan but I am willing to accept it all.
Hindi ko akam kung ano pagkukulang ko but I am willing to change for her.
At hindi ko alam kung paano ko ba dapat siya mahalin but I am willing to do everything maipakita lang sa kaniya na mahal ko siya.
But if she wants to escape ay hahayaan ko siya. Ngunit kung hihilingin niya na tuluyan ko siyang bitiwan ay iyon ang hindi ko magagawa.
I can't live without her.
Hindi man niya ako matanggap ngayon but I will do everything, kahit isuko ko ang lahat ng perang meron ako ay gagawin ko. Maipakita lang sa kaniya na seryoso ako.
Napatingin ako sa dalaga na ngayon ay nakayuko lamang. Inayos ko ang lahat para sa huling gabi namin rito sa isla. Pero I am just hoping she'll change her mind, na sana magstay siya. But I doubt that.
I saw her hands were curled into fists. She was obviously nervous. At alam ko hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa sistema nito ang pagkailang sa akin dahil sa nangyari sa amin kanina. Or maybe takot ito na baka mahalata ko ang plano nitong pag-alis. I smile bitterly.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
عاطفية"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
