Rohws passed the file to Erron who began looking through it. He knew the instant he got to the photographs as he began cursing under his breath. The moment Erron finished he passed it to the other men which is Neon. He waited until all of them had seen the file before commenting.
Rohws closed the file then put it down on the desk. Rohws had cleaned away the mess in his office during the week. This was the only place he knew to be safe and secure.
Sa ngayon, sa tingin ni Rohws ay kailangan niyang mas maging maingat lalo na't kailangan niya rin maging mapanuri pagdating sa mga gawain sa loob ng kompaniya.
“I don’t like the look of those pictures,” Erron said first. Kahit si Rohws ay ayaw rin sa kaniyang nakikita kaya nga pinatawag niya ang mga kaibigan niya pati na rin ang kakambal niyang si Erron upang mapag-usapan ang tungkol dito.
“Everything else can be put down to hearsay, but those pictures can damage our reputation. Paano natin maaayos ang tungkol sa gulo sa pagitan ninyo ni Vivianne? Pinapalabas nilang we are both sharing the same woman. Paanong kasal si Vivianne sa'yo at kinasal rin sa akin? Naayos na ang gulo na iyan hindi ba e' bakit inilabas?” Kaninang umaga kasi ay agad niya na lamang nabunggaran ang tungkol sa balitang kasal daw sa kaniya si Vivianne habang ikinasal rin ito kay Erron. Na pareho daw ang babaeng kinalolokohan nilang magkambal.
Which is wrong!
Isa pa, hindi niya alam kung sino ang maaaring naglabas ng ganoong balita.
Sila lang ng pamilya niya at kaibigan niya ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon kaya paanong nalaman ng media ang tungkol roon?
“Siguro ay karma ni Erron iyan, he hates working. Parating laro lang ang iniisip niya, nakakuha na nga ng chance na magkaasawa pero ang gago pinakawalan pa.” Sean said na siyang kinanganga nilang lahat. Ito kasi ang pinakatahimik sa lahat pero oras na magsalita ay walang preno.
“Sa ngayon ang kailangan mo na lang gawin Erron ay humarap ka sa media at aminin mo na ikaw talaga ang asawa ni Vivianne, in that way hindi ka na maglalasing o manggugulo at mamomoblema sa divorce na hinihingi ni Vivianne. Because for sure mahihirapan itong lakarin ang dapat lakarin. Knowing na pagkakaguluhan kayo ng media and syempre hindi na papayag sila tito na maghiwalay pa kayo dahil reputasyon ng kompaniya at dalawang angkan ang nakasalalay.” Sa pagpapatuloy ni Sean sa pagsasalita ay walang nagawa ang tatlo kundi ang manahimik at makinig.
“So sinasabi mo ngayon sa amin ay dapat gawing advantage ni Erron itong balita to trap his wife?” Rohws asked. He clearly looked concerned. And everyone understood the concern. Dahil kambal niya at siya mismo ang agrabyado sa sitwasyon na ito.
Pero hindi alam ni Rohws kung, pabor ba talaga ang sitwasyon para kay Erron. Ni hindi niya magawang basahin ang iniisip nito base sa reaksyon ng kambal niya dahil kanina pa walang emosyon ang mukha nito.
"Yes, ganoon lang ka simple—"
"Pero inaayos na namin ang divorce namin so bakit ko pa kailangan aminin sa media kung ano talaga ang estado namin? Mawawala rin naman siguro iyang balita dahil wala namang patunay." Erron answered with his cold voice.
Rohws sat back and thought about everything that had happened in the last few months.
“I think, meron nga silang hawak na ebidensya. Hindi sila basta-bastang maglalabas ng ganitong balita kung hindi sila matapang at handa. Kilala nila ang pamilyang binabangga nila kaya hindi sila basta lang susuong na walang dalang malakas na bala. Ni hindi natin alam kung paano nila nalaman at kung sino kasabwat nila. Kaya hindi natin ito pwedeng maliitin lang Erron," malamig na pahayag ni Rohws na siyang kinabuntong hininga ni Erron.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romantizm"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
