62

167 2 0
                                        

Briel's POV

Napahiga ako sa aking kama at pinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagod na nararamdaman ko. Pero hindi iyon physical kundi mental at emotional. 


Para bang nawawalan ako ng lakas at nawawalan ako ng rason para lumaban pa. 

Madaming tumatakbo sa isip ko na hindi ko mawari at para bang nablangko ang lahat sa isipan ko.

Kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay ang hayaan ang aking sarili na namnamin ang dilim ng kwartong kinalalagyan ko. Hindi ko kasi binuksan ang ilaw sapagkat kahit ang bagay na iyon ay nakakatamad na ring gawin. Dagdag pa ang pakiramdam na namamanhid ang buo kong sistema.

I want to scream but I have no strength to do that.

I want to hurt myself pero kahit ang itaas ang mga kamay ko ay tila napakahirap na rin gawin.

And I want to f*cking cry pero wala man lang kahit isang patak ng luha ang dumadaloy mula sa aking mga mata. 

I felt so empty. 

At alam kong hindi ako dapat makaramdam ng ganito. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na siyang may koneksyon sa nakaraan ko. 

Hindi ba't may panibagong buhay na ako? Hindi ba't dapat ay maging masaya ako? 

Pero wala e'.

Tama si Kenneth. 

Mananatili akong nakagapos sa nakaraan ko dahil ako mismo ang kumukulong sa sarili ko. Ako mismo ang gumagawa ng bagay na ikakaramdam ko ng sakit.

"Now, you're here makakapag-usap na tayo ng masinsinan." Malamig na saad ng isang boses na siyang tila bumuhos ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Agad-agad na napamulat ako ng mga mata at napabalikwas ako ng bangon.

Umupo ako ng matuwid at pilit na inanigan ang buong sulok ng aking kwarto. At hindi nga ako nagkamali may isang bultong nakasandal sa kanang bahagi ng aking kwarto. 

At hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ang taong iyon.

Napakapamilyar ng epekto nang boses nito na siyang gumising sa buo kong sistema. Kasabay rin no'n ay ang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib na para bang may mga dagang naghahabulan sa loob no'n.

Pero teka paanong nakapasok ito sa loob ng kwarto ko? Hindi ba't nakasarado ito nang umalis ako?

At teka bakit ang tanga ko para hindi ko man lang napansin na hindi pala ako nag-iisa sa loob ng madilim na kwartong ito?

Sana pala binuksan ko na lang ang ilaw! Siguro ay mas napaghandaan ko ang presensiya nito kung ginawa ko iyon. Pero ngayon pa ba? Kung kailan hindi ko na mababawi ang ginawa ko?

Now how can I escape from this room?

Tanging ang liwanag ng buwan na nagmumula mula sa nakabukas na bintana ang siyang nagbibigay ilaw sa loob ng kwarto. At alam kong nasa madilim na gilid si Rohws at tila isang mabangis na hayop na kahit ano mang oras ay pwedeng-pwede niya akong sunggaban. 

Pero bakit nga ba siya nandito? 

Ni hindi man lang ba ako pwedeng magpahinga? Sunod-sunod na problema ba ang dapat kong harapin sa araw na ito?

Kasi sa totoo lang ay nakakapagod na! Ang hirap-hirap na para sa part ko ang harapin sila at paulit-ulit na magsalita para sa sarili ko.

Hindi ba pwedeng tantanan naman din nila ako?

"Leave, Rohws." Maikling sambit ko at saka bumuga ng hangin mula sa aking bibig. 

Hindi ko pa rin magawang makatayo mula sa aking pagkakaupo dahil ang totoo niyan ay gusto ko na lamang humiga at magpahinga.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon