BRIEL'S POV
"Open your eyes..." Mahinang bulong nito sa tapat ng mukha ko pero hindi ko magawang sundin ang pinag-uutos nito kahit pa ilang ulit nitong sabihin iyon dahil natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa amin.
Pero bakit ganoon?
Bakit napapagod na akong lumaban?
Hindi ko akalain na dadating din pala ako sa point kung saan masasabi ko na sa sarili ko na hindi ko na kaya.
"G-gawin mo na lang ang mga bagay na gusto mong gawin, Rohws. If you want to destroy me then do it. Siguraduhin mo lang na mababayaran ko na ang lahat ng interest kasama na ang mga utang ko sa'yo.
After all, hindi ba't sinaktan kita? Sinira ko ang kasiyahan mo at ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito ka. Now I'm facing you as Zey. Now please ibigay mo ang lahat ng parusang kaya mong ibigay sa akin and I am willing to accept mapatawad mo lang ang ate ko."
Ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang iyon. Pero alam ko sa sarili ko na nananabik ako sa kaisipan na baka may pagkakataon pang bumalik ang lahat sa dati.
At kung game over na para sa amin ang lahat ay siguro naman ay panahon na rin para pagbayaran ko na lamang ang lahat ng kasalanang ginawa ko rito.
Ngayon pa na alam na nito ang kasarian ko siguro naman ay pwede ko nang gawin na lamang ang gusto nito at nang matapos na.
"Zey..." Mahinang bigkas nito sa pangalan ng ate ko na tila ba punong-puno iyon ng emosyon at ang tono ng pananalita nito ay tila ba binabalik ako sa nakaraan kung saan kaharap ko pa ang isang masayahing Rohws.
Agad na umusbong ang pag-asa sa aking dibdib pero mas lalong niyakap ako ng pghangad at pag-asa dahil bigla na lamang ay nakaramdam ako ng maingat na haplos sa aking pisnge, na para bang takot itong masaktan ako.
Ngunit ang akala kong pagbabago nito ay hindi pala totoo sapagkat nakarinig na lamang ako ng isang malakas na tawa na siyang naging dahilan upang mapadiin ang aking pagpikit sa aking mga mata.
Ang tanga-tanga ko para manila sa sandaling kabutihan na pinapakita nito.
Hindi ka pa rin ba nasasanay Briel? Hindi mo pa rin ba nakikita na ibang tao na ang nasa harap mo? Na ibang tao ang minahal mo kumpara sa taong nasa harapan mo ngayon?
Nakakabaliw pero kailangan ko nga ba talagang tanggapin na huli na ang lahat?
Dahil ang Rohws na kasama ko ngayon ay ang Rohws na sinaktan ko ng sobra-sobra. At kahit anong gawin ko ay hindi niya ako mauunawaan o mapapatawad hangga't hindi niya ako nagagantihan. Siya ang taong minahal ko ng sobra-sobra na huli'y kusa kong binitiwan para sa ikakatahimik ng lahat.
Pero naging worth it ba iyon?
"Nakakatawa ka, Zey. Dito ka lang pala itinatago ni Briel—but where the hell is he? Saan mo itinago ang kapatid mo? Damn him! Hindi pa kami tapos mag-usap!" Napatanga ako sa sinabi nito at hindi ako makapaniwala na sa sobrang kalasingan nito ay hindi na niya ako nakilala.
Ang isa pang kinagulat ko ay kung bakit hindi niya pa ako ginagantihan? Kung iniisip nitong ako si Zey e' bakit mas inuuna nitong hanapin ang tunay kong katauhan kaysa sa kakambal ko?
Ano ba ang problema ng lalaking ito?
Tila doon ko lang naunawaan na ang lahat ng nangyari kanina ay nagawa lamang nito dahil sa labis na kalasingan. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nito makontrol ang sarili sapagkat nakita ko na lamang na binitiwan ako nito at napahawak ito sa ulo nito na tila ba may naramdaman itong pagkirot roon.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
