Zey POV
Napaluha ako nang hawakan nito ang aking panga 'di ko na mapigilan ang sarili ko na 'di manghina. Ni minsan hindi ko naisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, pero sandaling napatingin ako sa mga mata nito at doon mas naramdaman ko ang awa hindi lamang para sa aking sarili kundi para rito, dahil alam kong pinipilit nito ang sarili nito na maging ibang tao. Hindi ito ganito noon dahil sa pagkakaalam ko ay mabait itong tao pero ngayon? Tila ba inihip ng hangin ang dating Rohws.
Parang nakita nito ang emosyon na iyon sa mga mata ko at napaatras ito saka napasabunot sa sarili nitong buhok.
I hate seeing him like this. I really hate it. Pinagdadasal ko pa noon na sana hindi magkrus muli ang aming landas pero nauwi pa rin sa wala ang lahat dahil ngayon andito na ako sa harap nito pinagmamasdan ang galit na nagliliyab sa mga mata nito.
"Fuck!" Napangiti ako ng matipid saka tumayo, siguro mas mabuting tapusin ko na ang larong ito, I need to end this.
Kung patuloy siyang nasa malapit ay mahihirapan ako, at isa pa kailangan ko na ring makatakas, hindi na lang ang sarili ko ang mapapahamak kapag inuna ko ang nais ng aking damdamin.
Gaya noon kailangan ko muling magsakripisyo para lang sa ikakatahimik ng lahat.
Tumayo ako at wala na akong pakealam kung halos hubad ako at may ibang tao sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko, saka mula roon ay kinuha ko ang folder na naglalaman ng dokumentong kailangan kong maisakatuparan.
"You want me? Then pay me." Ang higpit ng hawak ko sa folder na alam ko kung hindi ako umayos ay tiyak mabibisto ako.
Humarap ako rito habang pinipilit kong patatagin ang aking sarili, dahil handa na ako sa ano mang aking haharapin.
Kita ko ang gulat sa mga mata nito pero agad rin iyon nawala at napalitan ng galit.
"Ito ang gusto mo? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? This will just prove how—"
"Yes I am, so call me bitch? Slut? Whore I don't care as long as you pay me. Wala naman na ako magagawa you got it right, I don't need to explain." Kuyom ang mga kamay nito saka napatingin sa folder na hawak ko. All I need now is his signature and then make him believe that he will just buy a property but the truth is, he is signing something he would regret. Hindi ko alam kung magsisisi ito pero mali man ay wala akong magagawa. After this he would be a married man at tiyak makakalimutan niya rin ang araw na ito.
Makakabuo ito ng sarili nitong pamilya. Isang pamilya na masasabi nitong sa kaniya.
"Para saan naman iyan?" Walang ganang tukoy nito sa hawak ko na inilahad ko rito.
"Sign this all, I just need a new property that's why." Napatawa ito saka kinuha ang papel saka binigyan ko rin ito ng ballpen at tiningnan muli ako nito na tila ba tinatanong kung nagbibiro ba ako pero pinatili kong seryoso ang aking mukha na siyang nagpatango rito
Bago napatawa ng malutong at malakas.
"Really? Hindi ko akalain na mapapayag kita? But how come a woman like you deserves like this? Isang property talaga para sa isang gabi? How can I be sure that I will enjoy your body ni hindi ko nga alam kung ilang lalaki na ba ang dumaan diyan." That's a slap masakit pero, ayaw kong makita nito na ang katulad kong babae ay napakahina.
Ayaw ko na bigyan pa ito ng rason upang kaawaan ang tulad ko.
"Rohws you'll never know what I can do, kung ayaw mo I can find other man who is willing to pay me, someone who can double the price." Kumuyom ang mga kamao nito saka ngumisi.
Isang ngisi na may kasamang pait, galit at pandidiri.
"Then let me see how you can pleasure me and if you can make me scream I'll pay you triple the price." Natameme ako at walang ano-ano ay nakita ko ang sandaling pagbasa nito sa nasa harap na papel kaya mabuti na lang ay tinago ko sa gitna ng mga papeles na dapat o kailangan kong ipapirma rito.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
