Briel's POV
I felt the kind of thrill of exhilaration I hadn’t experienced since I’d been a child riding a horse with my mother as I followed Rohws and tito.
Oo sinabi ko noong una na hindi ako marunong mangabayo pero ang totoo niyan ayaw ko lang talaga sumakay lalo na't naaalala ko pa rin ang aking ina.
Parang hindi ko kayang alalahanin ang nakaraan pati na 'yung pait at sakit pero 'yung kaalaman na kailangan kong makisakay kay Rohws ay mas hindi ko ata kakayanin.
So I told them the truth, na marunong talaga ako.
Noong una, hindi sila naniwala. At hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang hindi makapaniwalang mukha ni Rohws pati na ang kalamigan ng mata nito.
Siguro dahil pumayag na ako noong una na sa kaniya ako makikisakay tapos agad naman ako tatanggi kung kailan kailangan na namin pumunta.
Bumuntong hininga ako.
"Bakit ako lang ang kailangan matuto mama?"
Malungkot na saad ko habang ramdam ko ang pagyakap ng takot sa aking katawan habang pinagmamasdan ang malaking hayop sa harap ko.
"Ikaw ang kailangan matuto dahil ikaw ang lalaki, Briel. Pagdating ng araw this will help you. Isa pa, ito ang gusto ng lolo mo ang matuto ka sa lahat ng bagay."
Siguro nga dapat kong magpasalamat sa aking ina. Dahil tinuruan niya ako sa lahat ng bagay na pwede kong pakinabangan.
'Yun nga lang, noong oras na makasakay ako sa kabayo ay agad na naramdaman ko ang tila pagyakap ng aking ina mula sa aking likod.
Tila ba bumalik ako sa pagkabata kung saan kailangan niya akong alalayan sa lahat ng bagay.
It felt wonderful to be on a horse again, the forest flashing by in a blur of rocks and trees. Matagal na kong hindi nakasakay dahil ni minsan hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon simula ng namatay ang aking ina.
I hadn’t ridden like this in years.
The only sound was my horse’s hooves galloping across the ground. I spurred the horse on, eager to catch up with Rohws—or even pass him.
Para akong niyakap ng excitement lalo na't pinipilit kong habulin ang mabilis na pagpapatakbo ng kabayo ni Rohws.
Although he hadn’t said, I knew it had become a race. At gusto ko itong laro namin.
Glancing behind him, Rohws pointed to a towering, trees in the distance that I knew must be the finish line. Mukhang mas kailangan ko nang bilisan dahil papalapit na si Rohws sa finish line na ito mismo ang pumili.
Tumango ako sa gawi nito na siyang kinangisi nito dahil sumang-ayon ako sa finish line na gusto nito.
I crouched low over the horse as the wind whistled past by me halos yakapin ko na ang kabayo sa mabilis kong pagpapatakbo rito. I was only a length behind him, konting-konti na lang ay malalampasan ko na si Rohws pero nilingon lamang ako nito at nginishan bago mas pinatakbo ang kabayo nito. In the last dash to the finish line I made up half a length, but Rohws' horse still crossed a beat before me.
Mas nauna pa rin ito kaya napangiti ako dahil sadyang pinahanga ako nito.
Tumatawang dahan-dahan akong bumaba mula sa pagkakasakay ko sa kabayo then I patted the horse's sweat-soaked neck.
"That was close. Akala ko mahahabol kita." Humarap ito sa akin pagkatapos rin bumaba sa kabayo nito at sandaling itinali ang kabayo sa punong nasa harap namin.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
