Rohws' POV
"Ano na naman 'yan? Bakit ganiyan na naman iyang timpla ng pagmumukha mo? May problema ka ba?" Umismid lamang ako at inisang lagok ang alak na nakapaloob sa shot glass na hawak ko.
"Aba't may regla ka ba ngayon? Grabe kasi ang pagiging suplado mo, kahit man lang sagutin ang tanong ko ay napakahirap bang gawin?" Sinamaan ko ito ng tingin na siyang naging dahilan upang tumaas ang dalawa nitong kamay na para bang nagsasabing sumusuko na ito.
"Wala akong panahon na makipaglokohan sa'yo Neon." Malamig na saad ko at itinuon na lamang ang aking mga mata sa mga taong patuloy na sumasayaw at nagkakasiyahan habang sumasabay sa malakas na saliw ng musika.
Ngayon ay nakikita ko kung paano naging masaya ang mga tao na yakapin ang kalayaan na natatamasa nila.
"Tindi mo rin noh ikaw na nga itong nagyaya na pumunta ako rito, ikaw pa itong ganiyan kung umasta. Sana pala nagloving loving na lamang kami ng asawa ko." Napailing ako at muling sinalinan ng alak ang aking shot glass pati na rin ang kay Neon na ngayon ay nakangiwing nakatingin sa alak na nasa shot glass nito.
Kaya napangisi ako sapagkat alam kong ipinagbabawal ng asawa nito na uminom ito ng alak kaya mukhang natatakot itong uminom.
Tsk, sana pala si Erron na lamang ang inimbitahan ko sa bar kaysa ang lalaking ito. Pero mukha kasing busy ang kakambal ko dahil hindi man lang masagot ang tawag ko.
Kaya no choice rin ako kundi imbitahan na lamang si Neon dahil siguro ay kailangan ko rin ng makakausap.
"Ngayon lang ako nagyaya ng inuman Neon kaya huwag mo nang balaking humindi at umatras." Lumunok ito bago umiling at ngumuso na parang bata.
"Aba! Ang daling sabihin iyan. Pero kung ikaw ang nasa posisyon ko ay tiyak hindi ka rin mapapainom. Ikaw ba naman na pagbawalan na makapasok sa kwarto at pagbawalan na tabihan ang napakasexy mong asawa naku Rohws 'di bale na lang. Hindi ko pa rin kayang ipagpalit ang loving loving namin ng asawa ko at ang masarap na pakiramdam na paggising ko ay makikita ko ang maganda nitong mukha para lamang sa isang gabing inuman. Kaya sige na ikaw na lang iinom total mukhang ikaw itong may malaking problemang hinaharap." Umiling ako sapagkat hindi ako makapaniwala na talagang tatanggihan nito ang alak. E' noon nga ay ito p ang isa sa amin na nangongolekta ng iba't ibang mga mamahaling alak dahil talagang ang hilig nito sa mga ganoon bagay pero mukhang nag- iba ang ihip ng hangin nang tuluyang natagpuan nito ang kasiyahan sa piling ng asawa nito dahil ngayon ay mas nakatuon na lamang ito sa mga bagay na makakapagsaya sa asawa nito.
"E' ano pa ang ginagawa mo rito kung hindi ka rin naman pala iinom?" Inis na sambit ko bago inisang lagok muli ang pangalawang shot ng alak sa shot glass ko.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Neon na nakatingin sa akin na para bang may nakita itong bagay na hindi nito akalain na makikita.
"Aba't ikaw itong nagyaya sa akin at syempre sinasabi ng instinct ko na kailangan mo ng makakausap pero ekis ako kapag pinilit mong makipag-inuman. Dahil wala sa plano ko ang mag-away kami ng asawa ko. Kaya tanggapin mo na lamang na tanging presesiya ko lamang ang maibibigay ko sa'yo." Muli ay umismid ako at ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa nagkakagulo at naghihiyawan na kumpol ng mga tao.
Some are even making out na para bang wala silang pakealam sa paligid at sa totoo lang ay hindi talaga ako sanay sa mga ganitong tanawin lalo na noong una pero simula nang iwan ako ni Zey ay natuto akong makisabayan sa mga ganitong bagay.
Ang lugar na ito ay napupuno ng mga taong may iba't ibang rason kung bakit sila pumunta rito.
May mga nakakaramdam ng kadesperaduhan, galit, saya, inis, takot at lungkot. At dito nila binubuhos ang lahat ng iyon pero ewan ko ba hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
