44

196 3 0
                                        

 Briel POV

"Sorry po mommy, hindi ko lang mapigilan ang sarap kasi ng wine niyo rito." 'Yun na lamang ang nagawa kong sabihin dahil parang nagmumukha akong tanga sa mga ginagawa ko.

Kahihiyan talaga! Ano ba itong ginagawa ko?

"Alam mo siguro ay stress ka lang, paano kaya kung sumama ka na lang bukas kila Rohws? Isa pa, bukas ay aalis rito si Kenneth kaya kila Rohws ka na lang sumama. Para naman mas malibot mo ang lugar." Napalunok ako at hindi sinasadya ay napatingin ako kay Rohws na matamang tinititigan ako.

"Ahm pwede naman sumama na lang sa akin si Briel mommy, kaya—"

"Ano bang problema? Ayaw mo bang maglibot iyang jowa mo? At nang mag-enjoy naman? Isa pa, minsan ka na nga lang umuwi at unang beses mo na nga lang dinala rito si Briel ay ganiyan ka pa kung umasta! Hayaan mo naman na makita niya ang lugar natin dito." Hinawakan ko ang kamay ni Ken na nakapatong sa kandungan nito.

Pinisil ko iyon para sabihin na okay lang ako. Pansin ko na kasi ang lalong pagbakas ng pagdududa sa mga mata ni Rohws.

Mukhang mas lalo lamang itong magdududa kung patuloy ko itong iiwasan.

"Huwag niyo na lang pakinggang itong si Ken mommy, napakapraning lang kasi nitong jowa ko pero payag po ako mommy, 'yun nga lang hindi po ako marunong sumakay ng kabayo." Kung pwede nga lang tumanggi ay gagawin ko. Pero alam ko kasing mas lalala lang ang sitwasyon kung gagawin ko iyon.

"Meron naman si mang Gido pwede ka naman niya isakay." Tumango na lang ako at hindi na nagreklamo habang nakanguso si Ken dahil sa inis.

"Hindi ba't CEO ka ng isang clothing line? I can recommend you to my aunt. Madami rin itong mga kilalang tanyag at magagaling na model and designer baka pwede rin siyang mag-invest sa kompaniya mo." Rohws said with a genuine smile pero ayaw ko namang magkaroon ng utang na loob rito.

"Salamat sa offer mo pero nakakahiya naman kung irerecommend mo pa ako. Isa pa masyadong maliit lang ang kompaniya ko kumpara sa mga karaniwang kompaniya na binibigyan ng partnership ng tita mo. Napaka abusodo ko naman kung dahil lang sa'yo ay susugal siya sa kompaniya ko. Kung magkakaroon man kami ng partnership ng tita mo sisiguraduhin kong pinaghirapan kong abutin iyon." Natigilan ito bago ngumisi na para bang may napansin itong lubhang nakakataas ng interes.

"Nakakahanga ka naman Briel, Akala ko ay katulad mo rin ang iba na takaw sa pera. Pero mukhang iba ka nga sa inaasahan ko. Sa ganiyang pag-uugali ay tiyak magtatagumpay ka." Kuyom ang kamao ko sa narinig ko mula rito.

Akala ko ay katulad mo rin ang iba na takaw sa pera.

Mukhang ang tinutukoy nito ay 'yung ginawa ko rito noon. 'Yung pagtanggap ko ng pera mula sa tatay niya at 'yung iba pang panghuhusgang maisip nito tungkol sa akin.

Pero hindi nito kilala kung sino talaga ako. Hindi nito alam kung ano talaga ang pinagdaanan ko. Hindi nito alam kung anong tiniis ko para lang hindi masaktan ang mga taong mahal ko. At higit sa lahat wala itong karapatang husgahan ako nang hindi man lang nito nararanasan ang kahit kalahati ng sakit na naranasan ko.

"Hindi kasi lahat ng tao ay pera ang habol, oo malaking bagay para sa akin ang makakuha ang ganoong klaseng partnership pero hindi ko ata maihaharap ang mukha ko sa tita mo sa kaalamang nakuha ko lang ang tagumpay ng hindi pinaghirapan." Napatango ito at pinagmasdan ko kung paano bumuka ng kaonti ang namumula nitong labi para sumimsim ng wine sa wine glass nito.

"Good to hear that. Nga pala restroom lang ako. Saan po ba ang restroom tita?" Malumanay sambit nito habang pangiti-ngiti si tita.

"Ahm Briel samahan mo siya at ituro mo kung saan ang restroom." Napanganga ako at tila bumalik ulit ang panlalambot ng aking tuhod.

"Po? Tita—"

"Ako na lang mommy! Total naman—"

"Ikaw na malanding bakla! Hindi ka na nahiya! Andiyan pa nga 'yang jowa mo tapos gugustuhin mo pang ikaw ang sasama kay Rohws!" Natameme si Ken at agad na sinamaan ng tingin ang nanay nito.

"Hindi ako malandi! Isa pa hindi naman ako mamboboso mommy! Loyal ako sa jowa ko kaya huwag mo naman ipamukha na lalandiin ko pa si Rohws." Nakita kong bigla sumimangot si tita at tila ba kinurot nito ang ama ni Ken na kanina pa nanahimik at tila may tinitingnan lamang sa cellphone nito.

Pero nang makuha ni tita ang atensyon nito ay agad na hinarap nito si Ken.

"Huwag mong sigawan ang mommy mo Ken! Hayaan mong si Briel na ang sasama kay Rohws. Dumito ka na lang at nang masabihan kita sa mga dapat mong gawin bukas." Napasulyap ako kay Rohws ngunit nagulat ako nang makitang nakatingin rin ito sa akin gamit ang malamig nitong mga mata.

Shit!

Mukhang hindi maganda ang mangyayari.

"Ano na Briel tumayo ka na riyan, at baka ihing-ihi na si Rohws." Sabi ni tita at mukhang balak ko na rin itong sakalin.

Wala talaga akong choice kundi ang tumayo at harapin si Rohws. Pero naramdaman ko na lamang ang kamay ni Ken sa aking braso kaya sinulyapan ko ito at nginitian bago dahan-dahan na yumuko upang halikan ang noo nito.

"Don't worry babe babalik ako agad." Sambit ko at agad na nauna na akong lumakad.

Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko pati na rin ang pakiramdam na tila ba matutunaw ako ngayon.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko'y may nakatingin sa pwet ko. Shit!

Nababaliw na ba ako?

Alam komg nakasunod lang sa akin si Rohws at sa bawat hakbang ko alam kong nakamasid ito.

Ni hindi nga ako sigurado kung maayos ba ang paglakad ko o hindi dahil na rin sa panghihina ng tuhod ko.

Binilisan ko na ang paghakbang ko nang sa wakas makita ko na ang pinto ng restroom.

"Andito na tayo." Masayang sambit ko at binuksan ang pito pero nagulat ako nang may tumulak sa akin papasok at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa gitna habang pinagmamasdan kung paano nito. I-lock ang pinto.

Shit!

Double shit!

Umawang ang labi ko at nakita ko kung paano bumaba ang mga mata nito roon. At hindi pa man ako nakakabawi sa gulat na nararamdaman ko ay bigla na lamang naging mabilis ang galaw nito.

Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili ko na naikulong na nito sa pagitan ng katawan nito at pader ng restroom.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" Napanganga ako at doon lamang ako tila nagising.

"R-Rohws..."

Mahinang bulong ko sa pangalan nito pero mas nilapit lamang nito ang mukha nito sa aking mukha.

Damn!

Parang mahihimatay na ako sa tensyon na nararamdaman ko.

I can feel his warm breath on my skin. At ang mabango nitong hininga ay para bang dinuduyan ako.

"Finally, tinawag mo rin ako sa pangalan ko. Bakit tila takot na takot ka Briel? Are you afraid of me f*cking you here o baka naman mas prefer mong si Ken ang kasama mo rito?" 

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon