76

172 3 0
                                        

ROHWS' POV

"Dumating ka rin sa wakas Mr. Taylor, ikinagagalak ko na makita ka." Masayang pagbunggad ni attorney Gliz Ocampo na kanina ay prenteng nakaupo sa swivel chair nito at nang makita niya ako ay agad na tumayo ito at iginiya ako papalapit sa couch kung saan ay may mesa sa harap no'n na kung saan inilapag ng abogado ang isang folder.

"Masaya rin ako na makilala ka Ms. Ocampo." Nakangiting usal ko na siyang ikinatango nito. At sinenyasan akong umupo sa tabi nito.

Sa nakikita ko ay nasa mid-forty na ang edad nito ngunit halata sa mukha nito na ito ay mabait at mapagkakatiwalaan.

"Salamat kung ganoon pero siguro naman e' alam mo kung bakit kita pinatawag rito. Napag-alaman ko kasi na kilala mo si Briel na apo ng aking kliyente. Sa totoo niyan hindi sana ako magtitiwala ng impormasyon sa kahit sino tungkol sa aking kliyente pero napag-alaman ko na alam mo ang katauhan ng apo nito. Alam mo rin na hindi ito lalaki kaya hindi na ako mapaligoy-ligoy pa at sasabihin ko na agad na kailangan ko ng iyong tulong." Ngumiti ako at tumango. Hindi ko inaasahan na ganito pala kung magsalita ang abogado. 

Direkta nitong sinasabi ang mga dapat sabihin nang may kaseryosohan. Na tila ba sinasabi na hindi ako dapat tumanggi sa mga gusto nito o hindi ako dapat magsinungaling dito.

Talaga ngang maituturing na napakagaling nitong abogado.

"Sa totoo niyan ang sinabi lang sa akin ni Neon ay hinahanap mo si Briel ngunit hindi niya pa nasasabi sa akin ang dahil kung bakit kailangan mo ng tulong ko." Tumango ang abogado at saka kinuha nito ang folder na nilapag nito kanina sa lamesang nasa harap namin.

"Oo, gusto ko kasing makausap ka ng masinsinan dahil sabi ni Neon minsan mo na daw naging girlfriend si Briel. At ngayon ay balak mo uli siyang bawiin. Kung kaya't naisip ko na mas mapagkakatiwalaan kita lalo na't si Neon na mismo na isa sa mga pamangkin ko ang nagsabi na mapagkakatiwalaan kita. Gumawa rin ako ng research at nakita kong maayos naman ang background mo Kaya isa lang ang tanong ko sa'yo bago tayo magsimula. Handa ka ba sa lahat ng kondisyon na ibibigay ko? At handa ka rin bang itago ang mga mapag-uusapan natin ngayon?" Tumaas ang sulok ng aking labi dahil mukhang maganda itong pag-uusapan namin ngayon.

"Walang problema sa akin attorney. Handang-handa ako sa lahat ng bagay lalo na kung si Briel ang pinag-uusapan." Direkta ko ring sagot na siyang kinatango nito at mukhang nagustuhan din nito ang sagot ko dahil ngumiti ulit ito.

"Sa totoo niyan laman ng folder na ito ang iba pang iniwan ng lolo ni Briel bago ito mawala. Sinigurado nitong hindi makukuha ng anak nitong lalaki ang lahat ng mana kundi itinago niya ang iba pang pera para sa mga apo niya na ngayon ay hinahanap ko sapagkat nahati sa dalawa ang mana ng matanda." Kumunot ang noo ko bakit naman kailangan na itago ng matanda ang pera mula sa kaniya mismong anak? 

Saka bakit hindi ko alam na may tito pa pala si Briel at Zey? Ni hindi nga nasabi ni Zey sa akin na may tito siya noon bagkus kapag tinatanong ko ito ay sinasabi lang nito na wala siyang kapamilya.

"Alam kong nagtataka ka pero ang totoo niyan ang anak ng matanda ay dalawa ngunit huli na nito nalaman na anak niya pala ang ina ng kambal. Kung kaya't nauwi iyon sa malagim na pangyayari. Pinatay ng sarili niyang anak na lalaki ang bunso nitong kapatid nang hindi man lang nalalaman na kapatid niyang tunay iyon. Naging sakim ang tito ng kambal na siyang naging rason upang magawa ng matanda ang ganitong desisyon. Ipinagkatiwala niya sa akin ang iba pang ari-arian at pera na hindi alam ng kaniyang panganay na anak." Umawang ang labi ko sa aking narinig dahil hindi ko akalain na mangyari ang ganoong pangyayari sa buhay ng magkapatid. 

Kaya ba noong araw na pangalawang pagkikita namin ay umiiyak ito? Kaya ba sinabi nito na galit na galit ito sa isang tao pero halata namang mahal nito at nag-aalala ito?

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon