43

201 4 0
                                        

Briel's POV

  "Huwag mo naman masyadong palakihin ang tenga ko mahal," nakangiting sambit ko kay Ken kasabay ng pag-upo ko sa bakanteng upuan na katabi nito.

  Pero kahit na nakaupo na ako ay pakiramdam ko'y nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod sa kaalamang nasa harap ko lamang si Rohws.

  "You deserve it babe," may ngising sambit ni Ken bago nito hinarap ang mga magulang nito.

  "Nga pala hindi pa ba tayo kakain ma? Nakakagutom kasi 'yung exercise na tinuro sa akin ni babe ko." Napasinghap ako at kinurot ko si Ken mula sa ibaba ng lamesa pero ang gago hindi man lang dumaing.

  Pero natigilan na lang ako sa aking ginagawa nang maramdaman ko ang pagkailang dahil para akong tinutunaw ng mga nagbabagang tingin na tinatapon sa akin ng lalaking ilang pulgada lang ang layo sa akin at lamesa lamang ang pagitan namin.

   Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Pero hindi ko rin maialis sa sarili ko ang maging praning at andoon 'yung kaba ko kasama na ang mga tanong na hindi ako pinapatahimik.



  Napaniwala ko ba ito?

  Wala ba itong napansin na mali?

  May galaw ba akong naging rason upang magduda ito?

  Putek! Ni hindi ko nga alam kung naging maayos ba ang pagpapanggap kong estranghero o talaga bang hindi ako nito nakilala.

  Kasi kung kanina ay nababakasan ng gulat ang mukha nito, ngayon ay napakablangko no'n kaya wala akong ideya kung nagtagumpay ba ako.

  Kung pwede lang sana na umalis ay gagawin ko. Kung pwede lang na mawala ako bigla sa kinauupuan ko ay hihilingin ko.

  At kung pwede lang ibalik ang oras na sana'y hindi na lang ako tumuloy sa dinner na ito ay gagawin ko.

  "Ikaw na bata ka! Patay gutom hindi ka na nahiya sa bisita natin." Sambit ni tita ngunit ngumuso lamang si Ken at agad na hinarap si Rohws.

  "Do you mind Mr. Taylor?" Ako lang ba ang praning o talagang may kakaiba sa boses ni Ken? Para kasing nanghahamon ito sa hindi ko malamang dahilan.

  "No, of course. Sa katunayan ay natatakam rin ako sa mga nakahain na pagkain." Muli ay sumilay ang ngiti nito sa labi pero ang hindi ko maunawaan ay 'yung kaalaman na ako ang tinititigan nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.

  "Tama ka pero wala pa ring mas isasarap sa babe ko—" agad na tinakpan ko ang bibig ni Ken dahil para bang sasabog na ang dibdib ko sa kahihiyan. At alam kong namumula na rin ang pisnge at tenga ko.

  Ano bang nakain nitong baklang ito at kung ano-ano ang pinagsasabi?

  Pero sila tito at tita ay tulala lamang nakatingin kay Ken at sa akin na para bang pati sila ay hindi rin maunawaan ang mga nangyayari.

  "Kain na po tayo mommy mukha ngang gutom na gutom 'tong baby damulag ko at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig." Natatawang sambit ko na kinatawa na rin nila tito at tita. Pero agad na binawi ko ang kamay ko mula sa tapat ng labi ni Ken dahil bigla kong naramdaman ang basang dila nito na lumandas sa palad ko.

  Shit!

  Nakangiting peke na ginalaw ko ang paa ko sa ibaba ng lamesa at madiin kong inapakan ang paa ni bakla.

  Lintik talaga!

  Sabi niya tutulungan niya ako? Pero bakit mas binibigyan niya ako ng problema?

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon