39

186 3 0
                                        

Briel POV

"Mommy nasaan po si Ken?" Nagtatakang tanong ko pagkapasok ko ng kusina kasi ang alam ko'y nandito lang 'yon kanina pero bigla na lang nawala si bakla na parang bula.

"Ah! Pumunta siya roon kila Manong Gido. Humingi ng tulong sa paghahanda dahil may dumating kasi na bisita kanina." Sagot nito at hindi makatingin sa akin dahil masyadong seryoso ito sa pag-aayos at paghahanda ng mga bagay-bagay sa lamesa.

Napatingin naman ako sa mga aligagang kasambahay na nag-aayos, naglilinis at ang iba pa sa kanila ay nagluluto rin ng mga pagkain na mukhang ang sasarap.

Ganito pala kapag may bisita sa hacienda, grabe kung paghandaan nila tita e'.

"Sayang at hindi mo nakilala ang bisita ng hacienda dahil hindi ka nakababa kaninang umaga pero mamaya sa dinner ipapakilala ka namin. Nga pala nagmeryenda ka na ba?" Sa wakas lumingon na sa akin si tita at nandoon sa mga mata nito ang pag-aalala.

Napatingin naman ako sa madaming pagkain na hinahanda nila at kumunot ang noo ko.

Sinong bisita naman kaya ang pinaghahandaan nila? Mukha kasing importanteng-importante ito sa pamilyang Madrigal

"Okay lang po mommy, mamaya na lang po at busog pa kasi ako." Humarap ito sa akin at sandaling tinitigan ako na para bang binabasa ako.

"Nga pala gusto mo ba pumasyal sa labas? Ipapasama ko sa'yo si Leila para naman maenjoy mo ang stay mo rito." Mukhang magandang ideya 'yun. Hindi kasi ako nakapasyal kahapon dahil sa pagod sa biyahe pero mukhang magandang magliwaliw ngayon dahil maaliwalas rin ang panahon.

Kanina kasing umaga busy ako sa mga virtual meeting na naganap. Kaya hindi rin ako nakapasyal pero ngayong hapon mukhang maswerte ako at magagawa kong tanggalin ang stress na nararamdaman ko.

"Halatang gusto mong mamasyal. Kitang-kita sa mukha mo e'. Hala Leila samahan mo muna si sir Briel mo." Dumako ang mata ko sa kasambahay na sinasabi ni mommy at nakita ko kung paano ako nito pasadahan ng malaswang tingin kaya napalunok ako.

Putek!

Not again!

Mukhang bibiktimahin na naman ako ng babaeng tulad nito. Ayaw ko pa naman ng panibagong problema.

"Hindi na po mommy kaya ko na pong mamasyal ng mag-isa hindi naman po siguro ako maliligaw." Nag-aalangan na sambit ko at mukhang magrereklamo pa sana ang kasambahay sa aking sinambit pero wala rin itong nagawa nang magsalita si tita.

"Okay ikaw bahala pero huwag ka masyadong magtatagal roon sa labas a'? At dito ka na sa likod dumaan para hindi ka na mahirapan." Tinuro nito ang pinto na nasa gilid kaya malapad na ngitian ito saka tumango.

"Sige po mommy salamat po, hala sige po pupunta na po ako." Pagkasabi ko no'n ay agad na sinunod ko ang payo nito na sa pintong tinuturo nito ako lalabas.

"Mag-ingat ka a'!" Pasigaw na habol nito na kinatawa ko ng mahina.

"Opo mommy!"

Nang humarap na ako sa tanawin na bumunggad sa akin ay namangha ako sapagkat napakaganda pala talaga ng hacienda nila bakla.

Napakaaliwalas at sobrang daming mga puno ng mangga. At nang magsimula na akong humakbang ay mas nagawa ko pang makita ng maigi ang tanawin. Ang daming mga halaman at mga puno na hitik sa bunga.

At sadyang kay sarap ng simoy ng hangin pati na rin ang pagdampi no'n sa aking balat.

Isa pa ang tahimik ng lugar na sadyang nakakawala ng pagod.

Hindi ko alam pero napapangiti na lamang ako.

Patuloy akong humakbang at namamangha pa rin ako sa lawak ng lupain at halatang nagawang alagaan ito ng pamilyang Madrigal.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon