Flashback
Isang linggo na ang lumipas nang mailibing si lolo. Walang masyadong nakakaalam sa pagkamatay nito, ni walang bumisita kundi ang mga investors lang ng kompaniya na sinadyang pinatawag ni tito para malaman ng lahat na wala nang hahawak sa kompaniya kundi siya lamang na nag-iisang anak.
Dahil sa ginawa nito ay mas nadagdagan lamang ang galit ko para rito. Kung titingnan ay para bang hindi talaga ito tinatablan ng karma o konsensya.
Ni hindi nga nito inisip na baka gusto pa namin magluksa ni ate, sapagkat basta na lamang minadali ang libing ni lolo na para bang isang basura na kailangan nang kalimutan.
At siguro nga'y kating-kati na itong mahawakan ang pera at kompaniya na hindi naman ito ang nagpakahirap magpalago. Pagkatapos kasi ng libing hindi man lang nagtagal ay inanunsyo agad sa lahat na ang ang bagong may-ari ng CB CORPORATION ay walang iba kundi ang nag-iisang tagapagmana ng mag-asawang Cab.
At nagawa nga nito ang gusto nito kaya sa ngayon masasabi namin ni ate na malaya kaming gawin ang nais namin nang hindi inaalala na baka may gagawin na naman ito sa amin.
Ngunit kahit tahimik ngayon ang magulo kong mundo ay andoon pa rin ang epekto ng pag-uusap namin ni ate.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magkakaganito at kung hanggang kailan ako magpapanggap ngunit sisiguraduhin kong hindi ako gagawa ng isang pagkakamali na makakaapekto sa kaniya.
Iyon na lamang ang magagawa ko para sa ate ko na siyang umako ng lahat ng sakit at paghihirap. At kung siya ngayon ang nagsakripisyo para sa amin ay hindi ko hahayaan na hindi ko rin magawa ang dapat kong gawin para makatulong.
"Zey!" Muntik na akong mapalundag nang may pumalo sa lamesang nasa harapan ko.
Naiinis na inangat ko ang aking tingin mula sa binabasa kong libro at hinarap ko may-ari ng boses na kilalang-kilala ko.
Walang iba kundi ang nag-iisang damuho.
Bakit pa ba ako umasa at inakalang matatakasan ko ang isang tulad nito? Mali atang isipin na ganoon kadali lamang gawin ang bagay na iyon. Dagdag pa roon, Paano ko naman ito matatakasan? E' iisang school lang ang pinapasukan nila ni Zey.
Alam kong umaakto akong masama at
Oo alam kong hindi ko maitatangging malaking tulong ang ginawa nito para sa akin sapagkat dahil sa kaniya may napagtanto ako at nagawa kong pagsisihan ang katangahan na ginawa ko, pero hindi ko rin maiaalis ang katotohanan na hindi ako pwedeng mapalapit sa katulad ni Rohws.
"Andito ka na pala? Pagkatapos ng isang linggo na hindi mo pagpasok sa eskwelahan ay dito lang pala kita makikita muli. At bakit wala ka man pasabi na hindi ka na magpapalipas ng oras doon sa dating tagpuan? Kung hindi pa ako nagtanong sa mga kaklase mo ay hindi ko pa malalaman na pumasok ka na at andito ka sa library. Nakakatampo tuloy, ngayon ka na nga lang papasok, ni hindi ka man lang nagpasabi." Kumunot ang noo ko bago pasimpleng pinasadahan ng tingin ang taong kakarating pa lang.
As usual gwapo pa rin ito kahit na hinihingal at basang-basa ng pawis. Isa pa, sa tingin ko walang kahit isang angulo si Rohws na masasabing pangit. He looks so handsome kahit na pagbali-baliktarin ko pa ito.
"Mr. Taylor hindi ito ang lugar para sa'yo kung mag-iingay ka!" Nanlaki ang mga mata ni Rohws at agad na napaupo sa bakanteng silya na nasa harap ko. Habang ang mga mata nito'y nagsusumamo kaya wala akong nagawa kundi ang bigyan ito ng isang libro na kinuha ko mula sa malapit lang na shelf.
Dali-daling tinanggap nito iyon at nagkunwaring nagbabasa. Ewan ko ba pero nakakatawa ang mga ginagawa nito.
Akala ko ba pamilya nito ang may-ari ng school, so bakit takot ito sa librarian? Para kasing mawawalan na ng kulay ang mukha nito kanina.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
