83

172 2 0
                                        

Briel's POV

Kina-umagahan ay napa-ungol ako ng mahina nang maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bwisit bakit pakiramdam ko ay mahapdi ang mga mata ko. Siguro nga ay dahil ito sa kakaiyak ko kagabi.

Sinubukan kong mag-inat o gumalaw pero parang hindi ako komportable sa pwesto ko kaya kumunot ang noo ko at dinahan-dahan ko ang pagmulat ng aking mga mata.  

"Good morning Briel." Nanindig ang balahibo ko sa narinig kong baritonong boses na tila nangingiliti sa bawat himaymay ng aking katawan, ramdam ko rin ang mainit na hininga nito na tumatama sa may punong tenga ko kaya agad na nagmulat ako ng mga mata dahil hindi ko na mapigilan ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ko kung kaya't gusto ko na lamang manapak ng damuhong walang ginawa kundi inisin ako ngayon.

Pero mukhang mali ata ang ginawa kong pagmulat dahil napatili na lamang ako sapagkat halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Rohws sa mukha ko.

W-wait! Paanong nandito ito? Akala ko ba umalis ito kagabi?

Nakatulugan ko na nga ang pag-iyak pero ni hindi ko man lang napansin na tumabi ito sa akin.

At ang malala bakit ganito ito kung ngumiti? At bakit ganito ito kung makipag-usap. 

Para bang walang nangyaring sagutan kagabi sa pagitan namin.

Tila normal lamang ang gising nito at nakatingin ito sa akin gamit ang malapad nitong ngiti na hindi ko magawang tagalan titigan.

"Umalis ka sa harap ko Rohws! Please lang lumayo ka sa akin! Napakagago mo! Damn you!" Sinipa ko ito ng malakas kaya nahulog ito sa sahig. Gago e'!

Nakakapang-init ng ulo ang pagiging pasaway nito, ni hindi ko na alam kung paano ito nakapuslit. Sinarado ko naman ang pinto, pero mukhang hindi ito nangingilala ng salitang personal privacy kasi halos ikulong niya ako sa kaniyang presensiya na sobrang nakakainis.

Akala ko nga magiging awkward sa pagitan namin pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi pero mukhang wala man lang itong pakealam sa mga naganap kagabi at para bang bumalik lang ito sa dati. 

"Ahw! S-shit" Daing nito at tila naramdaman ko naman sa boses nito na sobra itong nasaktan kaya sinilip ko ito at doon nakita ko kung paano bumalatay ang sakit sa mukha nito at halos mamilipit ito sa sakit, kaya na-guilty naman ako sa aking nakita.

Napalakas ba ang ginawa ko? 

Gusto ko man isipin na deserve niya ang nangyari ay hindi ko magawa sapagkat nakokonsensya talaga ako.

"Ahm.. okay ka lang?" Don't get me wrong, nag-aalala lang naman ako kasi baka mapaano ito at sampahan ako ng kaso dahil namatay ito sa kadahilanang nabagok ang ulo nito. Sarap kutusan ang sarili kong ulo dahil aking naiisip. At bakit naman ako mag-alala sa kaniya? Hindi ba't bagay lang sa kaniya 'yan.

Sino ba kasi nagsabi na ilapit niya ang mukha niya sa akin? Isa pa sino ba nagsabi sa kaniya na kailangan niyang tumabi sa akin at gulatin ako sa pamamagitan ng pagbulong?

Kung hindi niya iyon ginawa pwes hindi ko sana siya sinipa.

Isa pa sa dami ng kasalanan nito ay kulang pa 'yung isang sipa na 'yun para pagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.

Pero hindi mapigilan na mapasilip ako ulit dito at nagulat na lamang ako nang sa pagsilip ko ulit ay nakita ko na lamang na naghihintay ito sa akin at ngayon ay nakangiti ito nang makitang sumilip ako ulit.

"Nag-aalala ka?" Nakangising sabi nito para siyang aso! GWA-AYY MALI PANGIT NA ASO PALA ano ba 'tong iniisip ko nababaliw na ata ako. Kulang lamang ako ng sapak at siguro kulang lang sa tulog.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon