Flashback
"Bunso I need your help." Kumunot ang noo ko habang hawak ko ang tray sa kabila kong kamay habang ang isa naman ay hawak ang cellphone na kung saan ay rinig na rinig ko ang parang aligagang boses ng aking kapatid.
"What is it Zey? Alam mo namang nagtratrabo ako sa mga ganitong oras hindi ba?" Isang buntong hininga ang namutawi sa akin, dahil kung hindi lamang ito tumawag ng paulit-ulit ay hindi ko sana ito sasagutin sa kaalamang strikto ang amo namin sa trabaho.
Nag-aalala lang kasi ako na baka kung ano na ang nangyari sa aking kakambal lalo na't hindi naman kasi ito ganito kung tumawag.
Pero langya!
Ito na nga ang resulta kinakabahan na palinga-lingang binabantayan ko ang bawat sulok ng coffee shop sa takot na baka bigla na lamang sumulpot ang amo ko.
Samantalang para namang hindi pa rin mapakali ang kakambal ko mula sa kabilang linya dahil kung ano-anong ingay ang naririnig ko.
"Zey? May problema ba?" Mukhang hindi ko ata magugustuhan ang sasabihin nito.
At mukhang may problema ito na hindi man lang nito masabi sa akin ng maayos.
Ramdam ko kasi ang tila pagdadalawang isip nitong magsalita.
"Bumagsak ako sa exam Briel..." Tumaas ang kilay ko at napabuga ng hangin.
'Yun lang pala e'. Akala ko kung ano na.
"Bumawi ka na lang sa sunod ate—"
"Hindi iyon gano'n kadali bunso, nahulihan kasi akong may kopya ng sagot ng exam—"
"What?" Sigaw ko ng malakas bago ko tinakpan muli ang aking bibig at napalinga-linga.
Hindi ko lubos maisip na magagawa nito ang ganoong bagay. Napapikit ako at napahawak sa aking batok. Malaking problema iyon tiyak makakarating ang balitang iyon sa—No! Hindi ko hahayaaan na mangyari iyon. Kilala ko ang likaw ng bituka ng pamilyang kinalakihan ko.
Tiyak masasaktan ang kapatid ko sa maririnig nito mula sa aming tiyuhin.
"Bakit mo naman kasi ginawa iyon ate? Sa lahat ng pwede mong gawin bakit iyon pa? Paano na lang kung patawagin sa school ang demonyo? Edi mas malaking problema—"
"Bakit kasi kinailangan mo pang umalis ng bahay? Bakit kasi ikaw lang ang umalis! Dapat sinama mo na lang ako bunso! Ayaw ko na roon sa bahay. Wala rin naman kaming kalayaan ni lolo! Isinama mo na lamang sana kami!"
Rinig ko ang panunumbat sa boses nito kaya nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pero ano ba magagawa ko? Para sa akin kasi ay tama ang ginawa ko.
Tama na lumayo muna ako para makapag-isip at para hindi makagawa ng maling desisyon.
"Riyan ay makakapag-aral ka! Magkakaroon ka ng magandang buhay at isa pa nag-iipon lang naman ako e' pagkatapos no'n ay kukunin kita riyan—"
"Anong ako lang? Syempre kailangan natin isama si lolo bunso! Hindi pwedeng iwan natin siya, hindi ako papayag doon! Nanghihina na siya kaya kailangan niya tayo. Isa pa, bakit ba kasi kinailangan mo pang iwan kami ng gano'n lang!" Muli ay napalunok ako at napamulat ng aking mga mata.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot rito. Hindi ko pwedeng sabihin dito na kaya ko iyon ginawa ay dahil hindi ko na kayang harapin ang parehong mga taong sumira sa aming buhay. Na hindi ko na kaya pang harapin ang mga lihim habang pinipilit na huwag magsalita.
Gusto kong umamin rito, pero hindi ko magawang ibahagi rito ang kahit kaonting sakit na nararamdaman ko mula sa inipon kong lihim.
Hindi ko kayang makita ang nag-iisang importateng tao sa buhay ko na masaktan.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
