61

152 2 0
                                        

Rohws' POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa kong sundan ang dalawang tao na pumasok sa isang bakanteng kwarto ng mansion upang mag-usap.

Pero bago iyon ay nagpaalam muna ako kila tita na may kukunin lang ako sa kwarto ko pero imbes na gawin iyon ay may tila umuudyok sa akin na sundan sila Kenneth at Briel.

Ni hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito ako. Kung bakit sa lahat ng pwede kong gawin ay mas pinili ko pang magmukha tanga para lang sa kakambal ni Zey.

Gusto kong isipin na namamangha lang ako at naeexcite sa kaisipan na pwede na akong maghiganti sa taong nang-iwan at nanloko sa akin gamit ang kaisa-isa nitong pamilya.

Pero shit lang! Ang alam ko kasi ay hindi pasok sa plano ko ang paulit-ulit na magpaakit sa malaanghel na mukha ng isang lalaki na ni minsan ay hindi ko inisip na magagawa kong patulan.

Nakakagago lang itong pakiramdam na hindi ko man lang magawang mandiri at makaramdam ng pagsisisi pagkatapos ng mainit na tagpo at hagod ng mga labi namin.

I even mark him, wanting to kiss his pouty red lips and punish him more with my tongue.

Gustong-gusto ko ang tagpong kung saan ni hindi man lang niya magawang manlaban bagkus ay patuloy lamang nitong tinatanggaap ang mga bagay na nagagawa ng labi ko.

Everything about him makes me crazy and dumb. Pero parang handa ang katawan at isip ko na magmukhang tanga magawa ko lang ang nais ko.

Bakit nga ba nagkakaganito ako?

Nababakla na ba ako?

Karma ko ba ito sa mga pinanggagawa ko sa mga babaeng na napagbubuntunan ko ng aking sama ng loob?

Kung karma ko nga ito, bakit parang mas gusto ko pang parusahan ako lalo?

Napabuntong-hininga ako dahil sa kagaguhang iniisip ko.

Pero paano kung nagkakaganito lamang ako dahil matagal ng nawala sa tabi ko si Zey? And seeing someone who perfectly looks like her, awakens the desire inside me. At dahil sa sobrang kabaliwan ko kay Zey ay kaya kong pumatol ng lalaki basta ba kamukha niya.

It doesn't make sense pero itong tangang isip ko ay naniniwala sa rason na iyon.

Tiyaka bakit naman hindi?

Kung wala akong maisip na iba pang dahilan na siyang makakapagbigay ng tamang paliwanag sa nararamdaman ko ngayon. Isa pa, ayaw kong mag-isip na baka may iba pang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko para sa lalaking iyon.

Hindi pwedeng nababakla na ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoong tao.

Hindi sa binababa ko ang mga ganoong tao dahil frankly speaking, alam kong may mga kontribusyon silang nagagawa sa komunidad pati na rin sa kanilang mga pamilya pero dammit! I've tasted different women and I enjoyed my night with them kaya paanong nababakla ako?

Pero hindi kaya isa akong bisexual? Pero bakit iisang mukha lamang ang nakakaapekto sa akin. Bakit ang mukha lamang ni Zey at Briel ang siyang nagpapabaliw sa akin?

Kung tutuusin ay hindi pa ako naakit sa kapwa kong lalaki. But Briel came into my life and he's driving me insane.

Napasandal ako sa pader na nasa gilid ng pintuan ng kwartong kinalalagyan ng dalawang taong nanatiling tahimik simula pa kanina para bang wala silang balak na makipag-usap.

And f*ckingshit! Bakit nakakaramdam ako ng inis?

Sa tagal nila Briel at Kenneth sa loob ay ni hindi man lang ba sila magsasalita?

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon