56

166 2 0
                                        

Briel's POV

"Are you okay? Akala namin kung saan na kayo napunta at kung ano na ang nangyari sa inyo." Nag-aalalang sambit at pangbungad ni Kenneth nang marating namin ni Rohws ang sala kung saan nakatayo ito at hindi mapakali. At mukha ring kulang ito sa tulog lalo na't halatang-halata iyon sa mga mata nito.

Kasama rin nito sila tita at tito na halata ring nag-alala sa pagkawala namin ngunit nanatili silang tahimik at nagmamasid lang hindi gaya ni Ken na grabe kung makareact na halos baliktarin na ang katawan ko para tingnan lang kung talagang maayos lang ba ako.

"Huwag ka mag-alala sa syota mo Ken, maayos naman kami dahil nakasilong kami sa isang malapit na kubo. Tiyaka hindi ko naman pababayaan iyang syota mo e'."

Agad na napatingin si Ken kay Rohws at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nakita ko ang pag-igting ng mga panga nito at naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa aking balikat.

Samantalang ang gagong Rohws naman ay pangiti-ngiti lang na tila ba may nakikita itong bagay na sobrang nakakaaliw.

"Why are looking at me in that way? Are you doubting my capacity to protect?" Malamig na saad ni Rohws na siyang kinangisi ni Ken.

"No, of course not. Hindi lang ako sanay na marinig mula sa'yo ang mga salitang iyan." Muntik na akong mapasinghap sa sinabi ni Ken at hindi ko akalain na magagawa nitong magsalita ng ganoon ng hindi man lang ginagamit ang pambabae nitong boses.

I almost thought he's a real man in front of me.

Kahit sila tita at tito ay nagulat rin kaya napalunok ako at agad na hinawakan ko sa braso si Ken na patuloy pa ring tinatapunan ng masamang tingin si Rohws.

"Ken..." Pagtawag ko rito na siyang nakaagaw ng pansin nito.

"Talagang okay lang ako. Hindi ako iniwan ni Rohws at siya ang nakahanap ng masisilungan namin kaya ayusin mo nga 'yang ugali mo." Kumunot ang noo nito bago bumuga ng hangin at muling hinarap si Rohws.

"Salamat at maayos mong inuwi ang syota ko. Pero wala nang susunod dahil hindi na ako papayag na sasama pa siya sa inyo sa mga ganitong bagay. Ayaw kong mapahamak ang taong mahal ko." Para akong naestatwa sa narinig ko habang matamang tinitigan lamang ni Ken si Rohws na ngayon ay burado na ang ngiti sa labi.

"Nagkakaintindihan ba tayo mommy? Sa susunod na pinasama mo pa si, Briel sa mga delikadong bagay na tulad nito ay sisiguraduhin kong hindi na ako uuwi rito." Biglang tumahimik ang lahat at kahit si tita ay napatingin sa akin na tila ba nagtatanong ang mga mata nito.

Pero wala akong maisagot dito dahil hindi ko rin maunawaan ang kinikilos ni Ken.

"So you think inilalagay ko lang sa pahamak ang syota mo?" Untag ni Rohws gamit ang kaniyang malamig na boses at kulang na lang ay ipagdasal ko na lamunin na lamang sana ako ng lupa.

"Hindi ko sinabi iyon Rohws, but I am just making sure na kung anong akin ay mananatiling akin. At kung anong akin ay ako lamang ang proprotekta no'n. I know you can protect her but I don't trust you." Biglang nanlalaki ang aking mga mata at pasimple kong kinurot si bakla pero hindi ito nagpapatinag.

"You don't trust me? Bakit sa tingin mo ba'y kaya kong agawin ang syota mo? And you know what? Para kayong hindi magsyota kung umasta dahil kulang kayo sa tiwala." Ngumisi si Ken at saka ko naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa aking beywang at sa isang iglap ay hinila niya ako papalapit sa katawan niya.

Habang si Rohws naman ay sinundan lamang ng tingin ang bawat galaw ni Ken at para bang aliw na aliw ito sa pinapakita ni bakla.

"Hindi sa wala akong tiwala sa syota ko kaya nagkakaganito ako. Ang totoo niyan ayaw ko lang na lumalapit-lapit ka sa kaniya knowing that you are a sex starve man. Akala mo ba hindi ko alam na hinalikan mo ang syota ko sa banyo thinking that he's the woman who left you like a trash?" Napasinghap ako kasama si tita at sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak ni Ken ngunit nagmatigas lamang ito.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon