Rohws POV
FLASBACK
.
.
.
.
“Of course not. Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gugustuhin na magkaganito ka?"
'Bakit nga ba?'
Iyun ang agad na naisip ni Rohws.
Dahil hindi ba't naging madali lamang dito ang saktan siya? Kaya bakit niya pa iisipin na may pake pa ang dalaga sa kaniya?
"Kung ako nga lang ang papipiliin mas gugustuhin ko pang pakisamahan ang dating Rohws kaysa ang ganitong pag-uugali na pinapakita mo! Kaya please lang itigil mo na ito Rohws!”
Talaga lang ba?
Kung talagang gusto nito ang dati niyang pinapakita rito, e' bakit kinailangan pa siya nitong iwan at layuan?
Sa tingin ba nito ay mauuto pa ulit siya nito gamit lamang ang mga salita?
“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito Zey. Kaya bakit hindi mo na lang ibigay sa akin ang gusto ko? Dahil ba iniisip mong mahina ako? Dahil ba hindi ako karapatdapat gaya ng lagi mong sinasabi? Damn! Ano ba ang dapat kong gawin para maging karapatdapat?"
'Kailangan ba ako magiging karapatdapat? Kailan mo ba ako mamahalin Zey?'
"Hindi na ako tulad ng dati Zey! Because the more you resist, the harder I’ll get.”
Iisa lang naman ang hinihingi niya rito e'.
Pero bakit ganoon? Bakit kung umakto ito ay para bang kay hirap ibigay no'n sa kaniya?
“Go fuck yourself, Rohws.” she stare at him straight in the eyes. “I won’t let you break me.”
Iyon ba ang iniisip nitong gagawin niya rito? Ang sirain ito? Ang basagin ito?
E' paano naman siya?
Binasag rin siya nito at hirap na hirap na siyang bumangon. Gusto lang naman niya ay 'yung iabot rin nito ang mga kamay nito upang akayin siyang muli paitaas. Pero bakit ang hirap nitong gawin iyon?
Minahal niya ito pero anong binigay nitong sukli?
Bigla na lamang siya nitong sinabihan na ayaw na nitong umaaligid siya rito and then what? Ikakasal na lamang ito bigla ng walang pasabi?
Samantalang ilang linggo pa nga lang lumilipas pero kalat na kalat na ang balitang ibenenta na nito ang buong pagkatao para lamang sa malaking pera.
“Don’t put ideas in my head Zey.” Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa tuktok ng útong nito na may kasamang diin.
“My head is already crowded with so many fantasies about you Zey. Hinihibang mo ako lalo.”
Madami siyang mga ideyang pwedeng gawin sa dalaga pero unang-una sa lahat no'n ay mahalin ito lalo pero sinayang lamang iyon ng dalaga.
Kaya ngayon ay dapat lang na tanggapin nito ang galit niya.
Sinayang nito ang binigay niyang puso at binalewala nito ang sinseridad na pinaramdam niya rito. Kaya bakit hindi na lang tali ang ibigay niya rito? Isang tali na siyang tatali rito ng tuluyan papunta sa kaniya.
“Alam mo ba kung ano ang kinakatakutan ko ngayon Zey? Takot na takot ako na mawala ka sa akin. Ikaw ba matanong kita... may kinakatakutan ka ba? Kasi sa totoo lang ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga kita kilala—”
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
عاطفية"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
