Rohws POV
"Alam kong madaming ginagawa ang pinsan mo kaya nauunawaan ko rin kung bakit ikaw ang pinapunta niya. Isa pa mas gusto ko ring ikaw ang pumunta rito. Alam mo namang mas nagkakaunawaan tayo kumpara sa pinsan mo," Natatawang pahayag ni Mr. Madrigal at naiintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin sa mga salitang mas nagkakaunawaan sila. E' paano kasi mas malalang kausap ang pinsan niya. Puro negosyo lang kasi ang lumalabas sa bibig no'n at para ka na ring nakikipag-usap sa taong yelo.
"Kahit naman po ako ay nagpapasalamat din at nabigyan ako ng pagkakataon na pumasyal rito. Sakto kasing may pinuntahan na charity ball si Zerrah at ako ang napili niyang pumunta rito—pero nga pala tito talaga bang kakain na tayo ng dinner e' paano naman si Kenneth, hindi ba't nandito lang iyon kanina?"
Ang alam niya'y si Kenneth ang nag-iisang anak ng mga Madrigal pero kakauwi pa lamang nito galing sa ibang bansa at mukhang mas pinili nitong umuwi sapagkat napagdesisyon na nitong tanggapin ang responsibilidad sa paghawak ng kompaniya.
Wala rin naman kasi itong choice kundi gawin iyon. Lalo na't ito lamang ang inaasahan ng pamilyang Madrigal.
“Bababa rin iyon maya-maya, baka nagpaganda pa alam mo naman ang anak kong iyon napakahilig magdramatic entrace. ” Tito stated at sinenyasan siya upang umupo na sa nakahanda silya para sa kanila, mga upuang nakaharap sa hapag kainan
Kung saan nakalapag roon ang mga masasarap na pagkain na mismong hinanda ni tita para sa kanila.
"Sana magustuhan mo ijo ang mga pagkain na hinanda namin, talagang pinaghirapan ng asawa ko na ayusin ang lahat ng iyan." Nakangiting sambit tito nang makita inilapag na ni tita ang huling putahe ng ulam sa hapag kainan.
"Napakabolero mo, oo na huwag kayong mag-alala hindi ako ang nagluto ng mga iyan. Inayos ko lang," nakangusong usal nito na kinatawa lamang niya at ni tito.
"Oh andiyan na pala ang magaling mong anak!" Dadag ni tita, bago umupo sa isang silya na katabi ng kay tito.
Napalingon naman kami sa tinutukoy ni tita na kakarating pa lang na si Kenneth at kumunot ang noo ko nang makita kong tila ba may hawak itong palad.
Isang tao na nakasunod lamang sa likod nito.
Hindi ko pa gaanong nakikita ang itsura ng taong kasama nito pero nang tuluyan na silang nasa harap namin ay ngumiti si Kenneth sa akin.
Isang ngiti na sinuklian ko rin.
"Nice to meet you again Mr. Taylor, nga pala hindi ko naipakilala sa'yo kanina ang boyfriend ko." Mahiyaing sambit nito na kinangiti ko. Wala naman kasing problema sa akin ang mga tulad ni Kenneth.
Isa pa, wala ako sa lugar upang manghusga ng mga taong tulad nito dahil lang sa may kaonting pagkakaiba kami lalo na sa mga tipo naming makarelasyon
"Oh that's great! I would be glad to meet him," sagot ko na siyang kinangiti nito lalo.
Pero sana pala hindi na lang ako pumayag.
Dahil nakita ko na lamang ang dahan-dahan na pag-alis mula sa pagkakatago sa likod nito ang tinutukoy nitong nobyo nito.
Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko na nang tuluyan ang taong tinutukoy nito.
Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang nakita.
Zai...
Mahinang naibulong ko sa aking isip.
Ang mga mata nito, ay parehong-pareho pa rin ng dati. Nangungusap pa rin iyon at nilulunod pa rin ako sa iba't ibang emosyon.
Ang mga labi nito ay ganoon pa rin kapula, at mas lalo lamang nang-aakit. Na tila ba niyaya siyang halikan niya ito.
At ang mukha nito, ay para bang mas gumanda lamang sa kaniyang paningin, pero may kaonting kakaiba rito.
Hindi niya masabi kung ano iyon. Pero anong pakealam niya roon?
Nandito na si Zai. He can have her now!
He want to grabbed her right now. Gusto na niyang takbuhin ang pagitan nila ng dalaga at basta na lamang ikulong ito sa bisig niya.
Pero tila napako ang kaniyang mga binti at hindi man lang niya magawang gumalaw.
"Mr. Taylor, This is Briel Miller. CEO of Del Rio clothing line, and his mine."
Parang nawala ang lahat ng lakas niya sa narinig. Hindi niya akalain na may gugulat pa sa kaniya sa oras na magkita sila ni Zai.
At hindi niya rin inisip na ganito sila magkikita.
Pero si Zai nga ba ito?
He called her Briel Miller. At pinakilala ni Kenneth si Zai bilang nobyo nito so ibig sabihin ang alam nito ay lalaki si Zai.
Pero teka paanong naging si Zai si Briel? Tiyaka Cab ang apelyido ni Zai hindi Miller kaya paanong napalitan iyon?
Kaya pala may kakaiba rito. Hindi ko man lang ba napansin na nakabihis ito ng panlalaking damit? Kahit ang buhok at tindig nito ay hindi pang babae.
Kahit ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay may kalamigan na malayong-malayo sa Zai na kaniyang nakilala.
Oo pwede niyang sabihin na magkamukha si Zai at ang Briel na ito pero bakit naman ganoon?
Paano nangyari 'yon?
"Mr. Taylor may problema ba?" Nagtatakang sambit ni Kenneth at doon lang siya tila nagising mula sa kaniyang pagkatulala.
Saka lang niya napansin na kanina pa pala nakalahad ang kamay ni Briel sa harap niya.
Ang palad na iyon na hindi ko alam kung pareho ba ng palad na matagal kong pinanabikan.
Nang akmang babawiin na nito ang palad nito ay agad na hinuli niya iyon at nakita niya kung paano umawang ang labi nito.
Habang siya ay napatingin sa palad nilang magkahawak. Bakit gano'n? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?
Talaga bang hindi ito si Zai? Kung ibang tao ang kaharap ko e' bakit ganito ang nararamdaman ko para rito?
"Nice meeting you Mr. Taylor." Muntik na akong mapasinghap sa naiibang boses nito. Hindi na tulad ng mahinhin at malamyos na boses ng Zai na nakilala ko noon.
Humigpit ang hawak ko sa palad nito at bumakas ang pagkailang sa mukha nito kaya tumango na lamang ako at binitiwan ang palad nito.
"Mukhang maswerte ka sa nahanap mong nobyo Ken," kalmadong saad ko at umigting ang panga ko nang umakbang si Ken kay Briel bago hinalikan nito ang pisnge ng nobyo.
Nababaliw na ba ako?
Guni-guni ko lang ba ito? Pero sigurado ako sa nakikita ko.
Itong lalaking pinapakilalang nobyo ni Kenneth Madrigal ay kamukhang-kamukha ng babaeng kinababaliwan ko.
Nagkataon lang ba ang lahat o may hindi lang ako nalalaman?
Sinundan niya ng tingin si Briel nang ipaghila nito ng upuan si Kenneth.
"Sa katunayan tama ka sa sinabi mo Mr. Taylor, malas ng taong binitiwan ang katulad ni Briel. Pero ngayon na nasa akin na siya hindi ko hahayaan na mangyari sa kaniya ulit ang nangyari sa kaniya noon. Syempre sisiguraduhin ko rin na swerte siya sa akin." Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lamang kumuyom ang aking palad.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
