60

179 2 0
                                        

Briel's POV

Tahimik na napatingin ako kay Kenneth na hindi man lang ako pinapansin bagkus ay nakatuon lamang ang atensyon nito sa pagkain na nasa harap nito.


Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sapagkat hindi ako sanay na ganito ito katahimik. 

Pero tanggap ko naman dahil simula pa kanina nang makababa ako galing sa aking kwarto ay nakatingin ito sa akin na tila ba nang-aakusa. 

Siguro ay dahil sa tagal ni Rohws sa kwarto ko at ang mahirap sa parte ko ay ang katotohanan na hindi ko alam kung ano ang iniisip nito tungkol sa akin.

Samantalang hindi ko rin magawang ilibot ang mga mata ko sa paligid ko dahil alam kong nakatingin lamang sa akin si Rohws at ayaw akong tigilan. Isa pa hindi ko gustong makita ang ngiting tagumpay nito.

Hindi ko matanggap na nagagawa kong hayaan ang lahat ng ito na maganap  nang hindi ko man lang naipaglalaban ang sarili ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain, Briel?" Tanong ni tita na siyang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Muntik pa nga akong mapatalon mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Pero patagong bumuga na lamang ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko bago ko inangat ang mukha ko at napatingin kay tita. 

Ngunit muntik na naman akong mapangiwi nang maramdam ko na pati si Kenneth ay nakatingin na rin sa akin na may kunot sa noo.

Lahat sila ay napako ang atensyon sa akin na tila ba isa akong mikrobyo na kailangan suriin habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Shit! Ni hindi ko man lang napansin na kanina ko pa pala nilalaro ang pagkain ko gamit ang tinidor na hawak ko.

Am I so distracted to the point na lutang ako buong oras na nasa hapagkainan kami? Masyado bang halata na nag-aalala ako sa tinatakbo ng pangyayari? 

Damn it!

Ang gusto ko lang naman ay ang makapag-isip ng mga paraan kung paano makaalis sa lugar na ito! Pero saan ba ako dinadala ng katangahan ko?

"Hindi naman po mommy sa katunayan masarap po ang pagkain. Sadyang busog na po kasi ako at hindi ko napansin na kanina ay naparami na pala ang lagay ko ng pagkain." Nakangiting sambit ko at pinilit ko talagang palabasin na totoo ang ngiting iyon kahit na sa loob-loob ko'y gusto ko nang umalis at magwalk-out

Isa pa hindi ko naman kasalanan na napadami ang pagkain na nailagay sa plato ko kasi kanina nakikipag-unahan sila Rohws at Kenneth sa paglabay at hindi ko alam kung anong sumapi sa dalawa at pagkatapos no'n ay bigla na lamang tumahimik ang mundo.

"E' ang liit pa nga lang ng nakain mo, isa pa pansin ko rin na ang tahimik mo simula pa kanina. Pati na rin itong anak kong si Kenneth ay himalang hindi umiimik. May problema ba kayo? Nag-aaway pa rin ba kayo?" Umatras ang dila ko sa naging tanong nito at agad na nablangko ang utak ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Hindi madali sa akin ang magsalita lalo na't wala akong maisip na dahilan.

Alangan naman ipaliwanag ko kay tita na ang anak na inaakala niyang bakla ay umamin sa akin na mahal ako nito.

Maniniwala kaya ito?

At isa pa paano ko rin ipapaliwanag rito na hindi talaga ako lalaki kundi babae ako. Sheness lang!

Sa totoo lang hanggang ngayon ay isa rin iyon sa mga pinoproblema ko. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon namin ni Kenneth.

I am trap between two rocks. At ang sakit-sakit na sa part ko. Sobrang nakakasakal na.

I am trap between Rohws and Kenneth at ni hindi ko pa naaayos ang gusot na nagawa ko sa kanila.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon