Flashback
"W-What?" Hawak ako nito sa magkabilaang braso at sandaling itinulak ako ng mahina para magawa ako nitong titigan ng deretso sa mga mata.
Para bang hinahanap nito ang kompirmasyon mula roon. Sapagkat
hindi pa rin ito makapaniwala at tila ba pigil nito ang hininga habang hinihintay ang sasabihin ko.
"P-Please sabihin mo sa akin Briel, totoo ba ang mga sinasabi mo sa akin? S-Siya ba talaga ang pumatay kay mama?" Gusto kong magsalita pero tanging tango na lamang ang nagawa sapagkat hindi ko alam kung paano bibigkasin ang mga salitang nais nitong marinig.
Samantalang tila nawalan ito ng lakas at tuluyan nang bumitaw sa braso ko. Nang-iangat ko ang mukha ko para tingnan ito ay nakita kung paano nito sabunutan ang sarili dahil sa tindi ng galit na nararamdaman nito.
"How could he! Sa lahat ng pwede niyang kunin mula sa atin bakit si mama pa? Damn him! Demonyo siya! Napakawalang hiya niya! Ang sama-sama niya! Paano niya nagawa ito sa atin? Paano niya nagawang saktan ang pamilya natin? Parte naman tayo ng pamilya hindi ba? Kaya bakit? Bakit niya kailangan patayin si mama? B-Bakit niya kailangan sirain ang pamilya natin?" Nanlalatang napaupo ito sa sahig habang hawak-hawak pa rin nito ang ulo nito na tila ba may matinding sakit itong nararamdaman mula roon.
"Ano ba ang makukuha niya sa ginawa niya sa atin? Ano ba ang saysay ng lahat ng kademonyohan niya!" Bumuntong hininga ako at saka napatingin sa aking palad.
Sa lahat ng kinakatakutan ko, ito ang pinakaayaw kong mangyari ang makitang nasasaktan ang ate ko. Ang makitang nagkakaganito ito sa harap ko mismo.
Pero bakit ang sarap sa pakiramdam na nailabas ko ang bigat sa loob ko? Ganoon ba talaga ang epekto no'n? Kahit may nasaktan ka basta ba nailabas mo ay sobrang gaan at tila ba nawala na ang bigat.
Kaya lang, hindi ko magawang maging masaya sapagkat ang bigat na iyon ay pinasa ko sa nag-iisang tao na dapat ay pinoprotektahan ko.
Hindi ko kayang maging malaya dahil alam kong nakakapit pa rin sa akin ang sakit na dulot no'n.
"K-Kailan mo pa nalaman?" Mahinang bulong nito na para bang may kasamang panunumbat.
Oo alam ko na may mali rin ako. Sana hindi ko nilihim at sana mas naging totoo ako sa ate ko. Pero masisisi niya ba ako kung 'yun lang ang naisip kong paraan para mailigtas siya mula sa sakit na dulot ng katotohanan na iyon?
'Yun lang ang nakaya kong gawin e'.
'Yun lang...
"Tell me when Briel!" Napalunok ako at muling napayuko hindi ko ata kayang harapin ang mga mata nitong nang-aakusa at nanunumbat.
"P-Pagkatapos ng libing ni mama, aksienteng narinig ko si tito na pinipilit si lolo na ilipat na sa kaniyang pangalan ang lahat ng ari-arian pati na ang pangangalaga sa kompaniya. Pero nagalit si lolo at sinabing kakalibing pa lang ni mama at dahil roon mas nagalit si tito at sinabing bakit pa raw patatagalin kung ginawa na niya ang nararapat. Nagawa na niyang patayin si mama, ang isang bagay na hindi magawa ni lolo noon pa. Akala kasi ni lolo may nagawang mali si lola at baka hindi niya anak si mama pero sa huli nalaman nito na mali ang paratang niya. At ngayon huli na ang lahat sapagkat pinatay na ni tito ang sarili niyang kapatid. Pero hindi ko magawang magsabi sapagkat binalaan niya ako."
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay agad na umalis si tito na may matagumpay na ngiti sa labi. Samantalang naiwan ako sa isang tabi na tulala habang pinipilit akong kausapin ni lolo.
Pinipilit niyang lapitan ako pero natatakot ako at basta na lamang akong nagsumiksik lalo sa isang gilid.
"Briel mangako ka kay lolo, huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang narinig mo kanina." Napuno ng galit ang aking dibdib dahil bakit hindi ko pwedeng sabihin? Hindi ba dapat Kailangan pagbayaran ni tito ang ginawa niya? Kailangan ni mama ng hustisya!
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
