Briel POV
"Mommy siya po si Briel, siya po ang boyfriend ko na sinasabi ko sa inyo." Napalunok ako nang makita ko ang kakaibang titig na binibigay sa akin ng ina ni Briel. Ito kasi ang unang humarap sa amin at mukhang hindi maganda ang nabunggaran nito.
Sino ba namang hindi?
Ikaw ba naman na ina na haharap sa inaakala mong boyfriend ng anak mo na inaasahan mo pang magbago.
Tiyak natural lang ang reaksyon nito.
At nauunawaan ko naman ito kahit na kulang na lang ay bumulagta ako sa sobrang talim ng mga titig nito.
"Mommy naman! Huwag mong takutin jowa ko! At isa pa hindi mo ba kami papapasukin?" Pabebeng sambit ni bakla na kinabuntong hininga ng nanay nito. At syempre nakaramdam din ako ng relief dahil sa wakas nawala na 'yung masama at matalim na pagtitig ng nanay nito sa akin.
"Kenneth Madrigal! Bakit wala kang pasabi na dadating kayo? Edi sana nakapaghanda ako ng makakain niyo—"
"Mommy 'yun din ang ayaw ko mangyari baka ma food poison jowa ko sa'yo. E' balita ko ilang ulit nang tinakbo si daddy sa hospital dahil diyan sa pag-aaral mong magluto." Ngumuso ang mommy nito at muli'y napatingin sa akin habang may nakapaskil na ngiti sa labi. Kaya muntik na akong mapaatras dahil ang bilis magbago ng emosyon sa mukha nito.
Parang hindi lang ako sanay, at natatakot lang ako na bigla na lamang ako nitong sunggaban at sabunutan.
"Ako nga pala ang mommy ng baklang ito. Buti at pinakilala ka na niya sa amin e' matagal na niyang ikinukwento na may jowa na siya sa ibang bansa pero ni minsan wala namang pinapakita. At mukha ka namang desente at gwapo kaya nakakataka kung bakit mo nagustuhan itong anak ko na ang chaka!" Nanlalaki ang mga mata ko dahil, wala naman akong makapang galit sa boses ng nanay ni Ken. Mukha namang tanggap na tanggap nito ang sitwasyon ng anak.
Teka may mali ata?
"Mommy!" Malakas na sigaw ni Kenneth na kinataas lamang ng kilay ng nanay nito.
"Oh hindi ba totoo? Kung maka-mommy ka riyan e' parang may nasabi akong mali. E' kung titingnan naman e' nagsasabi lang ako ng totoo." Napanganga na lamang ako dahil mukhang ako lang ata itong out of place.
Akala ko ba ito ang babaeng kinakatakutan ni bakla pero bakit iba naman ata?
Napakaayos nitong magsalita at walang bahid ng galit.
"Ang ganda ko kaya tapos ikaw nga itong ang chaka e'." Napaismid na sambit ni bakla pero hindi na ito pinansin ng nanay nito at basta na lamang akong nilapitan at hinawakan ang aking mga kamay.
"Ijo—"
"Briel po tita, tawagin niyo na lang po akong Briel." Lumapad ang ngiti nito at agad na niyakap ako ng mahigpit. Kaya medyo nakaramdam ako ng init at kakaibang pakiramdam.
Ganito pala ang pakiramdam na may yumayakap sa'yo na ina. Sa tagal kasi ng panahon na hindi ako nakatikim ng ganitong yakap ay nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam na may yayakap sa akin upang sabihin at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
Nang lumayo ito sa akin ay tiningnan ako sa mga mata nito.
"Mommy na lang din itawag mo sa akin Briel." Napalunok ako sa kaba at saka tumango.
"O-Opo mommy."
"Oh nakita mo na! Aba't ang galang galang nitong jowa mo! Tapos ang kapal ng mukha mong ipakita 'yang ugali mo. Nakakahiya tuloy. Parang pinapakita lang na may mali ako sa pagpapalaki ko sa'yong bata ka!" Biglang gusto ko na lang ngayon ay sapakin si Kenneth.
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...
