Chapter 28

3.5K 61 0
                                    

Hell week. Noong college ako ay palagi kong nararanasan yun. Sa opisina ay minsan lang ako nararanasan yun, pero ngayong Linggo ay marami kaming trinatrabaho. Ang pinagkaiba lang noong college ako ay may lima o anim na professors na hindi nakakaintindi. Yung head department at ang CEO namin ay hindi naman brutal samin. May bagong release na jewelry si Ox at may next din ay may ganun din, marami din kaming gagawin.

Pag-uuwi ko sa apartment ay may nakahanda ng pagkain. Minsan nalang umuuwi si Phoebian sa penthouse niya. Kulang nalang ay maging legal na kami na asawa. Nagdala siya ng isang maleta na puno ng damit niya. Isang maleta para sa mga sapatos niya. Yung closet ko ay hindi na nagkasya ang mga damit namin kaya bumili siya ng bago. Kunti nalang ang space sa kwarto ko dahil sa mga gamit niya.

Araw-araw sa sampung buwan na pagsasama namin ay walang naging problema. Hindi naman sa hinihintay ko ang problema. Ayokong maranasan yun. Ayokong may pumagitna sa relasyon namin ni Phoebian. Wala kaming problema sa pamilya niya at sa pamilya ko. Si itay ay suportado sa amin. Sana lang ay walang asungot ang magtangka na siraan kami. Nanahimik kami at wala kaming nakikitang problema ni Phoebian.

Isang buwan ang lumipas. Maganda ang takbo ng trabaho ko sa Oxford company. Napapadalhan ko sina itay ng pera para matulungan ko sila mapaayos ang bahay nila sa probinsya. Gusto kasing magbakasyon ni Phoebian at gustong sa bahay ni itay tumuloy. Gusto ko ring pumunta sa probinsya lalo pa't hindi ko pa nakikita ang lugar nila.

Nitong nagdaang buwan ako nagsimulang magpadala sa kanila para mapaayos ang bahay nila. Yung sementong bahay at hindi kahoy lang. Gusto kong makatulong sa kanila kahit sa ganung paraan lang. Sila naman ang bahala sa anak nila na nag-aaral ng highschool. Malayo pa naman bago yun magkolehiyo. At walang problema ang sabi ni itay dahil pinag-iipunan nila ang pag-aaral ng nakakabatang kapatid ko.

Nandito lang naman ako at handa akong tumulong. Hindi naman malaking problema yun dahil naging mabait ang pamilya ni itay sakin. Mas nanay ang turing ko kay tiyang dahil nagmalasakit yun sakin. Hindi siya naging madamot sakin noong nag-aaral pa ako. Siya rin ang tumulong kay itay na palakihin ako.

Pagkarating ko sa apartment, nagbihis muna ako bago ako pumasok sa kusina. May binili akong ice cream. Kapag stress ako ay ito ang kinakain ko. Hindi ako kumakain ng kanin, burger lang at itong mango flavored ice cream. Nanunuod ako ng Stranger's Things sa Netflix. Syempre kay Phoebian ang account na'to dahil siya kasi ang mahilig sa Netflix. Mayroon naman ako pero sayang ang pera.

May ipon naman ako pero napunta yun sa investment ko sa kompanya ni Leigh. Gusto ko kasing lumago ang pera ko para kahit papaano ay may makukuha ako. Kaya natutulungan ko sina itay dahil sa paraan na alam kong makabubuti.

Naubos ko ang isang basong ice cream, sa baso ko lang nilagay dahil yung isang gallon ay linagay ko sa ref. Marami na akong nastock na container ng ice cream, ang balak ko ay ibenta yun sa nangongolekta ng plastic.

Pagpatak ng alas otso ay dumating si Phoebian. Dala niya ang attaché case. Hindi maipinta ang mukha. Madami na namang trabaho 'to. Last week ay pumunta siya sa LA para kumustahin ang main company niya. Mayroon na siyang trinain na magiging CEO sa susunod na buwan. Seryoso siya sa sinabi niya na ayaw niyang maging CEO dahil sakin.

Gabi-gabi ay minamasahe ko ang likod at leeg niya dahil sa pagyuko sa mga papel na gusto niyang matapos trabahoin. Kada gabi kung late na siyang natutulog at may dalang paperworks ay tinutulungan ko siya. Minsan encoder o taga-review.

"Hi." Walang ngiti-ngiting bati niya. Sanay na ako sa ganyang ugali niya. Ganyan lang siya pero mabait siya sakin at spoiled ako sa kanya.

"Paperworks?" Tanong ko.

"Nothing's new. Can you scoot over please?"

Umusog ako sa gilid para magkasua kaming dalawa sa sofa. Napatingin siya sa isang baso na nilagyan ko ng ice cream at yung supot ng burger na kinain ko kanina.

PhoebianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon