Kabanata 29 - Sanga-sanga

202 4 4
                                    

Washington DC, 2020 CE

"The eagle is entering the room..."

Bulong sa earpiece ng isa sa mga Security Personnel ng Whitehouse.

Tanaw mula sa kinatatayuaan ng tagapagbantay ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan ng Estados Unidos na abala sa mga impormasyon na kanilang nakalap sa nakalipas na oras.

Isa sa mga makikita sa silid ay ang mga screen na nagpapakita ng mga balita sa bawat istasyon ng telebisyon sa bansa. Natuon ang pansin ng guwardiya sa isang headline:

"Asian Missile Crisis."

Naputol ang obserbasyon nito sa pagbukas ng pinto ng silid. Pumasok ang Pangulo ng Bansang Amerika kasama ang ilang sekretarya nito. Agad na umupo ang pangulo at tinignang saglit ang lahat.

"What's the situation now?" unang tanong nito. Unang nag-ulat mula sa kanyang kinauupuan ang sekretarya ng pambansang depensa.

"Mr. President, it does not look good..."

Unang bwelta nito.


The Kremlin, Moscow

"...as of the moment, Chinese Vessels are at stationary in Sea of Okhotsk, 50 nautical miles Southwest of Kuril Islands. The North Koreans on the other hand have already positioned themselves in Bering Sea covertly against the Americans. Our forces are in the North Pacific continuing the military exercise as previously initiated."

Ulat ng isang mataas na heneral sa wikang Rusko sa Prime Minister ng kanilang bansa.

"Have you communicated with the Chinese Premier about this plan?"

Tanong ng pinuno sa heneral.

"The Chinese are also following the protocol they've received from the same source that we have. Other parties have also expressed discretion relating to their directives from the source." Agad na sagot ng heneral.

Sandaling nag-isip ang punong ministro at nagwika:

"So why are we still here going over these?" Seryosong tanong ng Prime Minister.

Tumahimik ang lahat ng nasa silid.

"We should have been in Café Pushkin imbibing. It's pass lunchtime for Christ's sake!"

Malakas at pabirong wika ng pinuno.

Saglit na nagtaka ang lahat sa mungkahi ng kanilang lider ngunit napatawa narin matapos ang ilang saglit.

Tumayo sa kanyang pwesto ang Prime Minister at lumapit sa heneral na nag-uulat

"Comrade General, just follow us there after you've double checked the modus operandi from the source. It's their plan after all and we are here just to do their bidding right?"

Habilin nito sa heneral, sabay tapik dito.

"It's an honor being entrusted with such responsibility."

Maikling tugon nito sa pinuno na may kumpyansa.

Matapos ang lahat ay nilisan na ng Punong Ministro ang silid kasama ang karamihan sa mga kawani ng pamahalaan at opisyal ng militar upang sumiping sa grandiyosong hapag sa lungsod.

"General, what are your directives now?"

Agad na tanong naman ng kernel na isa sa tatlong naiwan sa silid.

"Initiate the fullness of the plot with my final nod later on."

Maikling tugon nito habang inaayos ang mga gamit niya.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon