Kabanata 31 - Hantungan

173 7 2
                                    

AFP Headquarters, Quezon City.

Kinagabihan matapos ang pagpaslang sa Speaker of the House ay nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Majority & Minority seats ng kongreso at senado kasama ang matataas na opisyales ng militar at ang bagong puno ng Kagawaran ng Pambansang Depensa.

Sari-saring mga tauhan ng lokal at dayuhang media ang naka-antabay sa gagawing anunsiyo ng pamahalaan.

"Excuse me to everyone, the Senate Majority Leader will be heading the announcement this evening, no questions shall be entertained afterwards." Bungad ng isang miyembro ng AFP.

Nagkaroon ng malakas na paguusap ang mga media sa narinig mula sa nagsalita. Matapos ang ilang saglit ay nagtungo na sa podium ang pinuno ng Senate Majority.

"Isang malungkot na gabi sa lahat..." wika nito.

Agad na tinutok ng mga media ang kanilang mga lente sa senador habang biglang nanahimik ang lahat.

"Kaninang hapon, ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang grupo ang House Speaker. Ang PNP at AFP ay nagsanib pwersa na upang matunton ang salarin sa krimeng ito. Nang makumpirma namin ang ulat, nagkaroon agad ng emergency session ang senado at kongreso upang siguraduhing ligtas ang mga nalalabi sa chain of command ng pamahalaan ng Pilipinas..."

Nagkikislapan ang mga camera sa pagkuha ng mga litrato sa nangyayari. Samantalang ilang tagapagbalita ang nagsimula nang mag-ere ng kanilang balita habang patuloy sa pagsasalita ang senador.

"...Para maiwasan ang ano mang kaguluhan at karahasan na maidudulot nito, nagkaisa ang mga kawani ng kongreso at senado sa isang desisyon..." 

Mas lalo pang umigting ang katahimikan sa loob ng bulwagan.

"Upang ianunsiyo ang maselang desisyong ito, narito ang ating bagong talagang Philippine Defense Secretary na si General Tadeo."

Pakilala ng senador sa heneral na nakaupo sa kanyang gawing kanan. Dahandahan itong tumayo at nagtungo sa pwesto ng senate majority leader.

"Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng kongreso, senado at sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces sa pagtalaga sa akin bilang bagong Defense Secretary, at sa Commission on Appointments sa pagkilala rito..." 

Unang wika ng heneral bago ito bumwelo sa kanyang susunod na sasabihin.

"Gayun pa man, responsibilidad ng posisyon ko na i-anunsyo ang napagkasunduan ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso hinggil sa magiging sitwasyon ng bansa..."

Maoobserbahan sa loob ng bulwagan ang tensyong namumuong sa magiging anunsyo.

Sandaling umantabay ang mga tagapag-ulat sa media sa gagawing ulat.

"...Para masigurado ang kapayapaan at mas mapabilis ang paglutas sa tila pagsabutahe sa ating pamahalaan, idinideklara ng pamahalaan ang Martial Law sa buong bansa. Epektibo sa sandaling ito hanggang sa masaayos lahat ng banta at suliranin ng bansa ngayon..."

Tila makabasag tenga ang katahimikan sa loob ng bulwagan sa binalitang estado ng bansa.

"...Nawa'y gabayan tayo ng poong maykapal sa pagsuon sa matinding pagsubok na ito na kinakaharap ng lipunang Filipino."

Matapos ang maikli at malinaw na anunsyo ay sama-samang lumikas ang mga matataas na opisyales ng gobyerno at military. Tanging ang tagapagsalita nalamang ng AFP at ilang sundalo ang naiwan sa bulwagan.

Pinilit naman magbato ng mga katanungan ang mga taga-media subalit hindi ito pinansin ng mga opisyales.

Paglabas sa bulwagan ay dinagsa parin ng iba pang kawani ng media ang mga opisyales subalit matigas ang mga ito sa hindi pagpapaunlak.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon