Kabanata 13 - Plano

368 11 2
                                    

1:42am, Hulyo 7, 2020

Tanging yabag ang maririnig sa pagpasok ng isang lalaki sa isang silid aklatan. Siniguradong naka kandado ng maayos ang pinto bago nagtungo sa kanyang pwesto.

"Good Morning Minister, they are awaiting for your patch..." tugon ng isang awtomatikong boses sa silid.

"Very well then, start the connection now." utos nito sa boses.

Isang malapad na salamin ang pumaibaba mula sa kisame ng silid. Makikita dito ang siyam na tao naghihintay sa pagdating ng lalaki.

"My god Minister Yao?! What's the matter calling us so urgently and yet you are 15minutes late?!" agad na bungad ng isang babae.

"Calm down Lady Buckwell, I do not want your elegance and beauty to be compromised by your temper..." pabirong sagot ng ministro.

"Spare the pleasantries ladies and gentlemen, let's go directly to the point of this immediate dialogue. I suppose this is something that important." putol ng isang lalaki sa mala-screen na salamin.

"Apologies you're most holy, I summoned the council here for an immediate decision..." biglang seryosong sagot ng ministro.

"As of intel, which you already know by now, one of the ASEAN shuttles launched had gone missing..." dugtong ng ministro habang nakatingin ang siyam na tao sa kanya mula sa salamin.

"Missing?! so our plans did not went accordingly?" tugon ng isang lalaki. 

"In some levels you're most holy..." agad na sagot ng ministro.

"Meaning...?" singit naman ni Lady Buckwell.

"Meaning, the whole world still see's this as a failed mission, a complete disaster. But based on our figures, the shuttle we planned on sabotaging had instead disappeared suddenly out of no where while orbiting the lunar surface..." ulat nito sa lahat.

"So that means I can still pursue on the sanctions that the IMF and World Bank will impose on their collaboration?" Sagot ng isa pang lalaki. 

"Yes, Director Heinz, you can even push for penalties against those ASEAN buffons with their wannabe space project..."  gatong ng ministro sa kausap.

"Great then, so is this why you called us Minister Yao?" muling salita ni Lady Buckwell.

"There's another thing, a rather more important thing..." 

Biglang nagbago ang timpla ng paguusap sa tila mas seryosong tono ng ministro. 

"With regards to the disappearance of the shuttle, it seems that the caused of it was due to Minerva..."

"Bollocks! That's impossible, are you saying that I'm not doing my job well?!" ang tila nainsulto na sambit ni Lady Buckwell. 

"What I'm saying is, there's a possibility that Minerva's technology was leaked by one of the council's lead scientists..."

"Minister Yao, your assumptions are too farfetched, with the current security we have now, what you are saying is indeed a non sense." tugon ng isa pang lalaki.

"General Trotsky, I beieve you are aware of the Milgram Protocol?" tanong ng ministro sa heneral.

"And what about it?" 

"That protocol was formulated by the same team of scientist who formulated the blueprint of Minerva. And who can bypass this high level security protocol other than them?" maigting na paliwanag ng ministro .

"Excuse me to interrupt this lovely discussion of ours, I do not give a damn about these shit youre talking to, you told us that we should prepare a plan and it seems we are not having that with these kind of conversation!" biglang singit ng isa pang lalaki.

"Mr. Chavez is right, so what are your proposal to us now Yao?" malumanay na tanong ng lalaki.

"You're most holy, I suggest we send the team to the coordinates left by the shuttle..." kampanteng sagot ng minsitro.

"I thought the shuttle disappeared, what coordinates are you talking about?!" muling tugon ni Lady Buckwell sa usapan.

"Silence Catherine! this meeting is now adjourned. We will meet first our respective units to adjust the plan based on the information we had now. As for you minister Yao, be here at Vatican within five hours." huling utos ng most holy sa lahat bago ito nawala ng tuluyan sa screen.


Bulwagan ng Piging

Abala ang lahat sa nalalapit na pagdaraos ng Piging ng Pagdating na itinakda ni Lapulapu sa kanyang kaharian. 

"Mahal na Datu, ang ating mga bisita ay nagayakan na po." ulat ng isang katiwala sa nagmamasid nna pinuno.

"Mabuti kung gayon, gabayan sila tungo sa Hardin ng Palasyo, doon ko sila kikitain." utos nito sa isa pang katiwala,

Habang pabalik si lapulapu sa kanyang silid upang magpahinga saglit, sinalubong siya ng isa sa kanyang mga heneral.

"May natanggap kami na isang ulat na buhay pa ang pinuno ng mga dayuhan at ito'y kinukop ng isang mangingisda sa twaid na isla lamang."

"Aba, at totoo nga ang turo sa akin na matagal mamatay ang masamang damo..." sambit nito sa sarili.

Tila hindi nakuha ng heneral ang sinambit ng kanyang mahal na datu.

"Dakpin siya at bukas ihahain natin siya sa harap ng lahat!" ang agad na utos nito.

Pagkapasok ng kanyang silid, sandaling umupo ang pinuno sa kanyang higaan upang magpahinga.

"Tila hindi na sanay ang aking mahal na Datu sa kanyang pangaraw araw na gawain dito sa palasyo?" bungad ng isang nakaka-akit na babae na bigla na lamang sumulpot mula sa isang panig ng malaking silid.

"Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ni lapulapu.

"Bakit mahal? hindi mo na ba ako kinasasabikan? Matagal naring hindi nagdampi ang ating mga labi at katawan..." malumanay at mapangakit na tugon nito sabay kandong sa bisig ng datu.

"Hindi naman sa gayon, buti nalang at nasa kabilang isla ang aking asawa at wala rito. Hindi dapat nila tayong makitang magkasama ng ganito." sagot ng datu sa dilag.

"Wala naman pala siya eh, diba dapat tayong maglarong muli...?" ang patuloy na pangaakit nito habang nilalaro ang tenga ng pinuno.

"Mayroon muna ako kailangang kausaping mga bisita. Mamaya babalikan kita at paliligayahin..." tugon ng nagiinit na datu sabay halik sa malambot na labi ng dilag.

"Bisita? sino naman ang mga ito? Hindi ba pwedeng makapaghintay sila?" mapusok na tanong nito habang patuloy sa paghimas ng bisig ng datu. 

"Hindi maari aking mahal, sila ang mga itinakda..."

"Sige, kung 'yan ang gusto mo..." mahinhing sagot ng babae sabay tiwalag sa kapit ng datu.

"Balikan mo ako dito mahal na datu, ako'y maghihintay lamang sayo..." bulong nito sabay panig sa isang sulok ng silid.

Matapos nito ay tinulungang magpalit ng baluti ng babae ang datu bago ito nagtungo sa hardin upang kausapin ang mga bisita.


SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon