Kabanata 11 - Kisapmata

542 14 2
                                    

UNHDC

Tanging liwanag mula sa dimlight lang ang napansin ni Law nang iminulat niya ang kanyang mga mata. Agad niyang inalala kung bakit siya biglang nawalan ng malay.

Ilang saglit pa ay napansin na niya na siya ay naka-strap sa isang animo'y upuan ng pasyente ng dentista.

Mga wire na naka-patch sa ilang parte sa kanyang ulo at isa tila dextrose na nakasaksak sa kanyang kanang kamay malapit sa pulso. Tinangka niya itong tanggalin ngunit hindi niya ito magawa.

"Sir Lawren..." ungol ng isang lalaki sa bandang kanan niya.

"AJ, Okay ka lang ba?" mahinang tanong nito sa mag-aaral.

"Sir, nasaan po si Kathy?" tanong ng binata. 

Nilingon naman ni Lawren ang kabilang panig, doon, naaninag niya si Kathy na tila wala paring malay. "Nandito siya sa kaliwa ko, okay naman siya..." ulat ng guro kay AJ.

"Law, gising kana pala! Pasensya na kanina ah, kinakailangan eh..." isang napaka-pamilyar na boses ang narinig bigla ni Lawren sa silid. Sa kanyang harapan ay biglang may bumukas at tumambad sa kanya ang isang malaking salamin kung saan doon galing ang kanyang boses na narinig.

"Huwag ka masyadong malikot Law, i-injection kalang ulit namin ha..."  muling tugon ng boses.

"Sir Rodel, tigilan na natin ito!" huling sambit ni Lawren bago siya muling nawalan ng malay.

Nginisihan lamang siya ni Sir Rodel na nasa kabilang panig ng salamin.

Muling nagdilim ang lahat.

Pantalan ng Samar

Masusing inoobserbahan ni Raha Humabon ang pag-aapoy ng mga sinunog nilang mga Galleon ng mga dayuhan. "Mahal na Raha, nandito na po ang mahal na Datu!" ulat ng isa niyang kawal.

"Humabon, kamusta ang naging pangyayari?" Agad na bungad ni Lapulapu.

"Ang lahat ay naayon sa ating napag-usapan Mahal na Datu." paliwanag nito.

"Mabuti kung gayon, ngunit may isa tayong problema..." dugtong ng datu.

"Ano iyon?" ---

"Nakuha ng tusong mga dayuhan ang mapa patungo sa Niladmay." 

"Huwag kang mag-alala mahal na datu, inubos na namin ang lahat ng mga dayuhan. Kung sino man sa mga iyon ang nakakuha nun ay tiyak alin man sa dalawa, nasunog na siya ng buhay o nalunod." paniniguro ni Humabon.

"Mga pinuno, may isa pong galleon ang nakatakas!" biglang ulat ng isang opisyal ng raha.

"Ano?! alin sa mga galleon ang nakatakas?" agad na tanong ni Humabon. 

"Sa tingin po namin ay ang Galleong Victoria na pinamumunuan ng isa sa mga opisyal ni Magallanes mahal na Raha. Ngunit, Pinasundan narin namin sa ating hukbong dagat ang galleon para siguraduhin ang lahat."  sambit ng opisyal.

"Mahusay Dorobo, tiyakin niyo nalang ang kanilang katapusan." puri ni Lapulapu sa opisyal ng Raha. "Kung gayon, kailangan na nating magtungo sa bulwagan ng punong babaylan." dugtong ng Datu.

"Ano ang ating pakay sa punong Babaylan?" tanong ni Humabon.

"May darating tayong mga bisita..." sambit ng Datu sabay tungo sa kanyang karwahe. 

Bulwagan ng Punong Babaylan

Limang tao ang nakahimlay sa mga papag sa gitna ng silid na siya namang mahinang ino-orasyonan ng mga alagad na babaylan. Nababalot ang silid ng usok na tila mga insensyo na amoy halimuyak ng sampaguita.

Ilang minuto pa at pumasok ang isang matandang babae na may tungkod sa silid na nababalot ng mga makukulay na sutla.

"Mga kapwa ko babaylan, sa ilang sandali ay matutunghayan natin ang panunumbalik ng ating mga alay..." banayad na anunsyo nito.

"Punong Babaylan, dumating na ang ating Mahal na Datu kasama ang Raha." bulong ng isang alagad nito sa matanda.

Umupo ang punong babaylan sa kanyang pedestal habang tahimik na hinihintay ang pagpasok ng mga pinuno sa silid.

"Magbigay pugay sa Mahal na Datu Lapulapu kasama ang ating Raha!" malakas na ulat ng isang kawal na naunang pumasok sa silid.

Agad na tinungo ni Lapulapu ang kinauupuan ng Punong Babaylan habang sinisipat ang mga taong nakahiga sa gitna ng silid.

"Punong Babaylang Halina ng Nagkakaisang Gitnang Kaharian, naparito ako upang iulat sa iyo na naganap na ang unang bahagi ng nasusulat ukol sa pagdating ng mga dayuhan..." malakas na bigkas ng Datu.

Nanatili parin sa kanyang upuan ang matandang Babaylan at nagwika. "Datu Lapulapu, batid ko ang iyong pagkakapuksa sa mga tusong mga dayuhan kanina lang. Mahusay ang iyong pagsunod sa nasusulat. Ngayon, hayaan mong ako, kasama ng ibang babaylan ang tumupad sa ikalawang bahagi nito..." 

Dahandahang tumayo ang Punong Babaylan at inutos ang pagtabing ng malaking bintana ng silid. Agad na lumitaw ang bilog na buwan pagkahawi sa bintana. Ang liwanag nito ay direktang tumama sa limang katawan na nakahimlay sa gitna ng silid.

"Tunghayan niyo ang panunumbalik ng kaisipan ng limang alay na ito. Kaisipang iba na ang Diwa. Kaisipang iba na ang Kalooban, Kaisipang nagmula sa ibang panahon. Kaisipan ng ating kinabukasan, ngayon, ating masasaksihan." litanya ng matanda habang patuloy parin sa pagsambit ng mga orasyon ang iba pang babaylan.

Isang malakas na hikbi ang umalingawngaw sa silid mula sa limang nakahiga. Biglang nagkiki-kisay ang mga ito na tila nahulog mula sa mataas na lugar. Animo'y sinasapian ang mga ito. Isang malamig na hangin ang pumasok sa silid at namatay ang mga apoy na nagbibigay liwanag dito.

Tanging ang liwanag mula sa buwan ang nanatili sa loob ng silid.

"Salubungin natin ng buong galak ang ating mga bisita!" deklara ng matanda sabay patugtog ng mga tauhan nito.

Tila namangha naman sa nasaksihan sila Lapulapu at Humabon. Muling nagliwanag ang silid at untiunting gumalaw ang kaninang mga nakahimlay lamang na mga katawan sa papag. 

Dahandahang gumising at tumayo ang limang tao.

Sa isang Pamayanan sa may Pampang

Nagising sa hapdi ang isang lalaki. Agad na kumirot ang kanyang ulo at napasigaw sa sakit na kanyang natamo. Isang matandang lalaki ang lumapit sa lalaki upang ito'y tignan.

"Huwag ka munang kumilos ginoo..." bulong ng matanda habang pinupunasan ang mukha ng lalaki. Agad namang kumalma ang lalaki at pinakiramdaman ang kanyang mga natamo.

"Gracias senyor..." bulong ng lalaki. Napangisi na lang ang matanda sabay tapal ng halamang gamot sa malalim na sugat ng lalaki sa may dibdib.

"Walang ano man Senyor..." wika nito sabay lisan sa lalaki.

Paglisan ng matanda sa lalaki ay tinanaw nito ang buwan na makikita mula sa bintana. Inalala niya ang sinapit niya sa gabing iyon. Unti-unti niyang iginalaw ang kanyang kanang kamay at tumambad sa kanya ang sunog nitong mga balat. Kinapa din niya ang ilang sugat sa kanyang mukha at kaliwang braso. 

Paghihiganti at poot ang namutawi sa kaisipan at damdamin ng lalaki.

"Humanda kayong mga Indiyo! Babalikan ko kayo!"  bulong ng lalaki sa sarili sabay luha nito.


SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon