UNHDC – Ilalim ng Casino Filipino - Hulyo 8, 2020
Nakatanggap ng tawag mula sa kanyang smart phone ang Direktor ng ahensya na si Sir Rodel habang abala ito sa panunuod ng ilang mga video na kanyang nirereview. Hinayaan muna niyang itong tumunog ng matagal dahil paborito niya ang ring tone nito na Opening Song ng isang mecha anime series na Getter Robot.
"Oh Alec, anong sa atin?" bungad nito sa kabilang linya.
"Pagbuksan mo kami Rodel! Walang hiya ka! Pinurge mo na naman yung security system, hindi narecognized yung biometrics ko!." Bulalas ng kausap nito.
"Hahaha, eh protocol yun 'dre, Sige hintayin niyo ako diyan. Sunduin ko kayo." Masayang sagot ng puno ng ahensya.
Ilang minuto muna ang ginugol nila Colonel Alec Tobias at ang kanyang dalawang kasama sa harap ng mga gatilyo at nguso ng mga de kalibreng baril bago sila mapuntahan ng kanilang sinadya.
"Puta pre, kala ko hindi ka na darating eh. Gagamitan ko n asana ng dahas itong mga alagad mo eh." Patukoy ng kernel sa mga tauhang nakapaligid sa kanila.
"Pag pasensyahan mo na, ginagawa lang nila ang trabaho nila." Paumanhin nito sa matagal nang kaibigan sabay utos sa mga tauhan na ibaba ang pagtutok nila ng mga armas sa tatlong bisita.
"Tara na, dito tayo dumaan..." mwestra ni Rodel sa tatlo na nakaturo sa isang bahagi ng silid.
"Oh, bakit 'dyan? Ipapakita ko sana sa dalawa kong kolokoy na kasama yung napaka-cool mong elevator poker table." Biro ni Alec nagkatinginan lang ang dalawang scientist na kasama nito s aka wirduhan ng eksena.
"Hahaha, pang espesyal na bisita lang 'yan, dito tayo sa pang bwisita." Pabalik na biro ni Rodel.
Sinundan ng tatlo si Rodel patungo sa isang pinto sa isang sulok ng silid.
"Seryoso ka? Maghahagdan tayo?!" reklamo ng kaibigan nito matapos Makita ang nasa kabilang panig ng pinto.
"Ano kaba, humigit kumulang isang kilometro yung lalim nun. Syempre hindi tayo maghahagdan. Mag seservice elevator tayo." Makulit na tugon nito.
"So sino naman 'yang kasama mong chick na scientist?" tanong nito sa kaibigan na tila hindi siya naririnig ng babaeng pinapatungkulan niya.
"Hinay hinay ka lang pre, bata pa 'yan. Siya nga pala, ano na ang balita?" tugon ni Col. Tobias.
"Ayun, full swing na yung operation natin..." maikling sagot nito.
"Ha?! Anong full swing pinagsasabi mo 'dyan?! Eh kaya ko nga binitbit itong dalawang 'to para maging operational na yung operasyon natin. Tapos sasabihin mo Full Swing na agad?! Tatlong araw lang ako nawala, kung ano ano na ang pinag gagawa mo. Una, pinalitan mo lahat ng mga nagbabantay. Kaya pala hindi ako nakilala ng mga lintik. Tapos pangalawa pinalitan mo pa---"
"Kalma lang, dre. Ang dami mo nang sinabi eh... Magagawa ko, kailangan eh. Alangang hintayin pa kita eh na track na naming agad yung target eh. At isa pa, may kailangan kang malaman..." putol nito sa kasamahan na umuugong ang paglilitanya sa loob ng elevator.
Nagbago ang timpla ng mukha ni Alec sa binanggit ng kaibigan.
"At ano naman iyon?" mahinang tugon nito.
Napatingin si Rodel sa dalawang kasama ng kaibigan.
"Okay lang 'yan. Asset 'din sila ng UN." Paniniguro nito.
"Bago ka umalis diba, ni wala tayong ideya kung sino ang target natin para sa operasyong ito?" pagpapatuloy nito sa sasabihin.
Tumungo lang si Alec tanda ng pagbaling ng atensyon nito.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...