Solferino, Italy – Hunyo 24, 1859
Kampanteng pumuwesto sa tabing-ilog ang puwersa ni Franz Joseph I ng Austriya para sa kanilang balak na ganting-salakay laban sa pinagsamang hukbo ng Pransya at Sardinya. Sa kabila nito, ilan sa mga opisyal ng hukbo ni Franz Joseph ay hindi sang-ayon sa planong ito ng kanilang emperador. Bukod sa batang edad nito, wala rin itong sapat na karanasan pa sa pakikidigma. Hindi tulad ng mga heneral at tauhan ng kabilang panig na pinamumunuan naman nila Emperador Napoleon III at Haring Victor Emmanuel II.
Nagsimula ang paglusob sa ganap na ika-apat ng umaga sa bayan ng Medole, 30 minuto matapos nito, sumiklab narin ang labanan sa bayan mismo ng Solferino. Bandang ika-pito ng umaga sa bayan naman ng San Martino. Lumusob na ang mga kawal ng Pransya at tulad ng kinakatakot ng mga opisyal ni Franz Joseph, unti-unti silang nagagapi ng mga kalaban at kinahapunan ng araw na iyon ay natapos na ang digmaan sa pagitan ng dalawang panig.
Matapos ang pagkaka-gapi ng Austriya, napadaan sa lugar na iyon ang isang mangangalakal na Suwiso. Tulad ng dilim na bumabalot sa paligid, bakas sa lahat ang masalimuot na epekto ng digmaan. Mga tambak ng labi ng mga sundalo sa magkabilang panig na halos kasing dami ng mga taong sugatan. Mga bayan, tahanan na nawasak, ito ang tumambad sa mangangalakal.
"Ginoo, malapit na tayo sa tutuluyan natin ngayong gabi." Wika ng kasamahan sa mangangalakal na nakatutok sa digmaang nagwakas.
"Dominic, sabihin mo sa akin..." mahinang tugon ng mangangalakal.
"Ano iyon Ginoong Dunant?"
"Ganito na ba talaga ang panahon natin ngayon?" sagot nito habang nakatingin parin sa parang kung saan nagtuos ang pwersa ng Pransya at Austriya.
"Alin ba ang inyong tinutukoy?"
Biglang pinara ng mangangalakal ang karwaheng sinasakyan nila, dalidaling lumabas at nagtungo sa kapatagan upang tulungan ang isang grupo ng mga kalalakihang alalayan ang mga sugatan nilang mga kasamahan.
Castiglione –Bayan sa Hilagang Kanluran ng Solferino
Makikita sa mga naninirahan sa bayan ang lungkot at pighati na dulot ng nangyaring labanan. Kahit na nagwagi sila laban sa pagpapalayas sa mga Austriyo upang makamit ang isang malayang Italya, hindi parin ito matatawaran dahil kasabay ng tagumpay nilang ito ay ang pagsakripisyo ng buhay at dugo ng kanilang mga kababayan. Sa gitna ng mga kariton, karwahe at mga tao, isang dalagang babae, bitbit ang kanyang nakakabatang kapatid na lalaki ang palaboy-laboy sa lansangan ng Castiglione. Tila hindi alintana ang mga sugat at pasa sa katawan, tahimik na tinahak ng dalaga ang kalye hanap ang tulong na kailangan ng kanyang kapatid na tatlong araw nang hindi kumakain.
"Jean, malapit na makahanap ng paborito mong tinapay si ate."
Bulong nito sa karga kargang kapatid.
Tanging isang matamlay na ngiti ang naibigay na sagot ng kapatid nitong ipinipilit nalang sa tulog ang pagod at gutom.
Matapos ang tatlong oras ng paglaboy ay wala parin silang nakuhang pagkain. Ni-isa sa kanilang mga nakakasalubong ay umiiwas ng tingin sa kanila o 'di kaya ay blanking nakatitig sa kanila. Tinangka ding pumuslit ng makakain ang dalaga sa mga kainan sa bayan ngunit hindi niya magang makipagsiksikan sa iba pang mga bata at matatandang nagaabang ng grasya.
Dahil ito, naisipan niyang magtungo nalang sa natanaw niyang kapilya sa bayan. Nagbaka-sakali na magkaroon ng himala roon at mayroong magbigay ng pagkain sa kanila. Dinatnan niya itong sarado, ngunit tinangka niyang katukin ang pintuan ng kapilya subalit wala na siyang sapat na lakas upang ipagpatuloy ito kaya nagtungo nalang siya sa gilid nito at naupo sa isang tabi. Dala ng matinding uhaw, sa halip na helehin niya ang kapatid ay hinimas nalamang niya ito sa mukha, naramdaman niya na nag-aapoy na ito sa lagnat. Niyakap na lamang niya ito at lumuha, matapos ang ilang saglit ay nakaramdam siya ng pagbigat ng katawan, napatingala siya sa kalangitang nababalot ng usok at ulap na siyang tumatakip sa mga bituin at liwanag ng buwan. Dumilim ang kanyang paningin at unti-unti siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...