8:30am - Hulyo 7, 2020
Isang malakas na hampas sa mukha gamit ang nilukot na dyaryo ang gumising sa isang lalaking mahimbing na nakatulog sa kanyang kinauupuan.
"Hoy GL, gumising kana diyan! Nakatulugan mo na naman yang tinatrabaho mo." maagang bati ng babae sa kasamahan.
"Huh?! --- Anong oras naba?" tanong nito sa dilag na tila hindi nasaktan sa ginawa sa kanya.
"8:30 na po na umaga!"
Napalundag mula sa kanyang kinauupuan ang lalaki at agad na nagtungo sa kabilang panig ng kanyang silid upang siyasatin ang mga datos mula sa mga computer nito.
"Ayun! Gumana siya! Gumana siya! Woohooo!!!" biglang pagsisigaw nito na tila nawala na sa katinuan niya.
Samantala, seryoso naman siyang pinagmamasdan ng kasamahan.
"'Yan na ba yung pinagpupuyatan mo nitong nakalipas na mga linggo na?" Tanong ng dilag.
"Oo Jen! Sa wakas! nakuha ko narin ang tamang paraan para mapaganang muli yung na-salvage na aparato nila Sir Tobias noong nakaraang buwan!"
"Ah 'yan ba yun? Yung narinig ko na nakuha nila sa Delhi? Aba... bakit hindi ko ata alam na nandito pala 'yan?" Tanong nito sa sarili.
"Eh kasi, sadya naman talagang wala 'yan dito. Yung Electronic Blueprint lang yung pinadala sa akin..." sagot ng lalaki.
"So nasaan pala 'yan kung wala ---"
Bago pa man matapos ng dilag ang kanyang tanong ay may biglang pumasok sa silid.
"Good Morning Dr. Reforsado & Dr. Alvarez, I believe by this time ay nagawan mo na ng paraan yung pina-special project ko sayo Dr. Reforsado?" Bungad na bati ng lalaking naka-damit militar.
"Ah Sir Tobias, opo, ito kaka-recallibrate ko lang nung gagawing bagong program..." agad na sagot ng scientist na lalaki.
"Sir Tobias ang daya niyo naman, bakit kay GL niyo lang binigay yung project na ito?" Pagmamaktol ng dilag.
"Nakita ko kasi na busy ka doon sa tatlo pang project na binigay ko sa iyo dati...diba?"
"Ay Sir! Regarding that, okay narin yung mga 'yun. Medyo na-challenge nga lang ako...hehehe." pabirong sagot ng dilag na scientist.
"Ganoon ba? Alam ko namang yaka mo 'yun Dr. Alvarez, kaya nga sayo ko binigay yung tatlong project na 'yun. At kaya ko naman din binigay dito kay Dr. Reforsado ito, dahil alam kong field of expertise niya ang project na ito." Maikling paliwanag ni Sir Alec.
"Bakit, expert 'din naman ako sa Quantum Physics ah?" muling reklamo nito.
"Hahahaha, lahat nalang ata ng bagay ay field of expertise mo Dr.Alvarez, noong ni-review ko kasi yung profile niyong dalawa, major ni Dr. Reforsado 'yung field na 'yun, samantalang ikaw eh may research ka lang na gina---"
"Sir Tobias, ito na po pala yung mga gagawing changes sa pinagawa mo sa akin..." putol ni Dr. Reforsado sa paguusap ng dalawa sabay pakita sa isang malaking screen ang nagawa niyang trabaho.
Sandaling sinuri ni Sir Tobias ang mga datos at larawan ng magiging pagbabago.
"This is almost perfect Dr.! Job well done!" puri nito
"Ay Sir, ito nga din po pala yung sa akin..." muling singit ng dilag na siyentipiko sabay abot ng isang portable drive.
"---Colonel Tobias, the chopper is done with its refuelling..." Ulat ng isang boses mula sa radio communicator na dala ng opisyales.
"Copy that, we will be up there in 30 minutes, Scout the vicinity while we rendevouz there..." agad na utos nito sa kabilang linya.
"Roger that sir--"
"So paano, magkita tayo sa taas mamaya, pupuntahan ko lang muna saglit ang deck bago tayo umalis..." banggit ni Sir Tobias sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawang dalubhasa at napangiti.
"Yes! sa wakas! Field Work! Woohoo!" Sigaw ni Jenn.
Agad na nilisan ng lahat ang laboratoryo at naghanda para sa panibagong trabaho.
Pamayanan sa Pampang
"Mga indiyo kayo! ano ang ginawa niyo sa akin?!" sigaw ni Magellan sa wikang Espanyol mula sa kanyang kinahihigaan.
Agad namang nagtungo sa loob ng silid ang binata upang silipin ang dayuhang lalaki.
"Ingrato! Indiyo! Filibustero!" sigaw nito sa binata.
"Ginoo, huwag kang magalit sa aking apo, hindi siya ang may kagagawan niyan..."
Salita ng Matandang lalaki sa nagngangalit na si Magellan.
"Ikaw matanda ka, anong ginawa mo sa katawan ko at bakit hindi ako makagalaw?!"
"Huwag kang magalala senyor, epekto 'yan ng gamot na nilapat ko sa iyo..."
"Pinagloloko mo ba ako?! Anong klase panggagamot ang ginawa mo sa akin at tanging ulo ko lang ang nagagalaw ko?!" patuloy na sigaw nito.
Inilingan lamang siya ng matandang lalaki at nilisan ang silid kasama ang kanyang binatang apo.
"Huwag ka munag umalis! kinakausap pa kita!" muling sigaw nito.
Pinilit na ibinangon ni Magellan ang ulo niya upang makita ang kalagayan ng kanyang katawan.
"Ano ito?!" tanging tugon ng dayuhan sa kanyang sarili ng masipat ang inaging itsura ng kanyang katawan.
Ilang sandali pa ay may dumating na mga bisita sa bahay ng matanda.
Narinig ng dayuhan na may mga kausap ang matandang kumupkop sa kanya. Sa takot na baka ang mga kawal ng datu na ang mga ito, pinilit niyang ginalaw ang kanyang katawan.
Nahulog siya sa kanyang kinahihigaan at padapa itong bumagsak.
Masakit at dahan-dahan siyang gumapang patungo sa bintana ng kanyang silid upang tumakas.
"Oh, saan ka pupunta?" wika ng isang boses sa kanyang likod.
Dahan dahang naglakad ang lalaki habang naglilitanya.
"Tignan mo nga naman, masamang damo ka nga tulad ng sabi ni Datu Lapulapu..." sabay tapak sa likod ng dayuhan.
"Maswerte ka at nabuhay ka mula sa natamo mong sunog. At biruin mo at pinagaling kapa ng isa sa aming mga mamamayan?" patuloy na pagsasalita nito habang pilit parin sa pag gapang si Magellan.
"At aba, nilagyan kapa ng mga pintado ng nagpagaling sayo. Dahil dyan' eh bubuhayin muna kita ng kaunting sandali...
"Walang hiya ka!" galit na pabulong ng dayuhan.
"Ano ulit yung sinabi mo?" tanong ng lalaki sabay diin at sipa ng kanang paang sa likod ni Magellan.
Unti-unting naramdaman ng dayuhan ang sakit ng kanyang sugat dahil sa ginawa ng lalaki. Isang itak ang kanyang nasipat sa kanyang tagiliran. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay at ito'y nagagawa na niya.
"Hahahaha! Tama ba yung narinig ko?! -- 'walang hiya ka?!" patuloy na litanya ng lalaking sundalo.
Isang sipa muli ang tinanggap ni Magellan sa likod.
"Ano dayuhan! sabihin mo ulit iyon at makakati---"
Mabilis ang pangyayari, biglang inabot ni Magellan ang armas na kanyang nakita at winasiwas ito at tinamaan ang binti ng kawal.
Nawalan ng balanse ang kawal at kumalat ang dugo nito sa likod at mukha ng dayuhan.
Nagawa nang tumayo ni Magellan sabay wasiwas muli ng itak tungo sa leeg ng sundalo.
Nagmamadaling tumalon sa binatana ang dayuhan at bumagsak sa labas. Nahulog siya sa loob ng isang maling kahon at isang hampas sa ulo ang kanyang natamo.
Muli siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...