Kabanata 12 - Bagong Buhay

562 14 12
                                    

Pook ng mga Ipugo

"Mr. Koon! Kamusta na ang Kalakaran sa pagitan ng mga pamayanan dito sa Banawe?" tanong ni Sir Allan sa kaibigang kararating lang mula sa kanyang paglalakbay sa labas ng pook. 

"Okay naman, naturuan ko narin ang may mga sampu pang mga pamayanan sa kapatagan ukol sa sistema ng ating pakikipagkalakaran..."  hingal na sagot niyo sa kasamahan.

"Wow! ang galing mo nang mag-salita ng Tagalog Mr. Koon ha! Good Job!" bati naman ng nagdadalang-taong si Officer Santos.

"Of course! for a decade, you were trained by my Anna, sinong hindi gagaling ng ganyan?" Bati naman ni Dr. Enriquez sa kasamahang bagong dating lamang. 

Agad na lumapit si Edward kay Officer Santos upang itoy batiin sa pamamagitan ng paghalik nito sa pisngi. Pagka-halik nito ay biglang lumabas ang isa pang anak nila na lalaki na nasa edad anim na taong gulang. 

"O sya, tamang-tama ang dating mo Mr. Koon, I've prepared your favorite dish!"  muling sambit ni Officer Santos habang tangan ang kanyang batang lalaking anak papasok ng gusali.

Sama-samang tumuloy sa loob ng bulwagan ang mga magkakaibigan upang saluhan ang iba pa nilang mga kasamahan at tauhan.

"So kamusta naman yung naging lakad niyo ni Albert?" tanong naman ni Allan sa kaibigang si Edward. 

"Ayun, may ilan lang kaming mga naka-alitan, pero alam mo naman yung si Albert, palibhasa bihasa sa Mixed Martial Arts eh naipagtanggol niya naman ako ng maayos..." paliwanag nito sa kasamahan.

"Kasama na yan sa mga lakad niyo siyempre, pero iba ang tinutukoy ko..." seryosong dugtong ni Sir Allan.

Sandaling napatahimik si Edward habang sumulyap sa kanyang may-bahay na si Officer Santos. "Ahhh, yung tungkol doon, may natuklasan ako. Mamaya natin pag-usapan pagkatapos nating kumain..." sagot nito sa kaibigan.

"Talaga? mabuti kung gayon, sampung taon narin ang nakakalipas simula ng bumagsak tayo sa lugar na ito. Marami nang nangyari sa atin simula noon. Pero, hindi parin mawala sa isip ko ang bumalik kung saan tayo nagmula Edward..."  biglang sambit ni Sir Allan.

"Naiintindihan kita Sir Allan, di bale, magandang balita naman ang dala ko. Sa ngayon ay pagsaluhan muna natin ang inihanda ni misis..." masayang sagot ni Edward.

"Sigurado ka bang misis mo ang naghanda niyan? Yung huli niyang inihain sa atin pre ay sumama ang sikmura ko eh! hehehe..."  pabirong tugon naman ni Allan matapos nila mapasok ang silid ng hapag-kainan ng gusali.

"Magbigay pugay sa pagdating ng mga Bathalang Dangal!" sigaw ng punong kawal sa silid.

Bulwagan ng Punong Babaylan

"Tunghayan ang muling pagkabuhay ng mga kasamahan natin namanaw na!" malakas na sambit ng Punong Babaylan sa lahat.

Namangha sila Datu Lapulapu at Raha Humabon sa nasaksihan. Ang kaninang limang katawang walang buhay ay ngayon ay dahan-dahang guma-galaw mula sa kanilang pagkakahiga.

Inalalayan sa pagtayo ng mga babaylan at kawal ang limang taong muling nabuhay. Wala ang mga ito sa kanilang mga sarili. Dahan-dahang lumapit ang Punong Babaylan sa mga ito.

"Maligayang pagbabalik!" bungad nito sabay tabing ng hawak na insenso na amoy sampaguita sa mga mukha ng mga muling nabuhay na mga tao. May pinahid din na langis na may halimuyak ang babaylan sa noo ng mga ito.

Muli namang inalalayan ang limang bagong buhay sa kanilang pagkakaupo. Bumalik sa kanyang pwesto si Halina, ang punong babaylan. Pinaupo sa magkabilang panig niya sila Raha Humabon at Datu Lapulapu.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon