Ikalawang Yugto: Kabanata 35 - Ang Pederasyon

160 3 0
                                    

UNHDC

Naghahabol ng kanilang mga hininga ang mga kawani ng himpilan sa puntong nanumbalik ang kanilang mga malay. Nanghihina ang karamihan, ang ilan ay lutang ang pag-iisip mula sa kanilang pagising.

"Coordinates Confirmed."

Senyas ng pulang salitang kanina pa nakapaskil sa malaking screen ng control center.

Huling nagising ang grupo nila Dr. Reforsado & Alavarez, tulad ng iba, tila hapong-hapo ang mga ito at wala pa sa kanilang mga katinuan.

"Anong nangyari?"

Agad na tanong ni Colonel Alec Tobias sa nagka-kapeng puno ng ahensya na si Rodelio Enriquez.

"Nandito parin tayo..."

Maikling tugon nito sa kaibigan habang hinahanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.

"Bakit ganito?"

"--Huwag mong piliting kumilos masyado, kumalma ka lang muna diyan sa puwesto mo at huhupa rin ang epekto ng Cryo-state."

Agad na paalala ni Rodel dito.

Sinunod naman ng colonel ang abiso at inabot nalang niya ng tingin ang dalawa sinamang eksperto.

Kakagising lang din ng mga ito, at tulad niya ay hirap sila sa pag-galaw. Matapos Makita na nasa ligtas na kalagayan ang mga ito, nilipat niya ang kanyang atensyon sa screen sa kanyang harapan.

"Coordinates Confirmed"

Lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.

* * *

Tatlong Oras Matapos

Sa loob ng ilang saglit ay unti unti nang nanumbalik ang lakas ng mga kawani, kabilang na sila Colonel Tobias.

Kahit medyo matamlay ang kilos ng ilan, nagsimula na itong kumilos upang ibalik ang operasyon ng ahensya mula sa orihinal nitong estado.

Ang makikita ngayon sa screen ng control center ay ang mabilis na pagpalabas ng mga bidyo ng pasilidad ng United Nations Historical Development Committee.

Natunghayan ng lahat ang pag-usad ng bidyo mula sa punto nang huli nilang maalala, patungo sa nakakatamad at walang pagbabago na kuha, hanggang sa mga iilang maliit na pagbabago sa dito.

Ang kinamamangha ng lahat ay ang mabilis na pagbabago ng petsa ng bidyo sa screen.

Nagsimula ito sa taong 2020, ngayon ay nasa 2060 na at patuloy parin ito sa pag-usad.

"Rodel, ano nang sitwasyon natin?"

Muling tanong ni Alec sa kasamahan.

"Napasarap ata masyado ang tulog natin..."

Bulong naman nito.

Hindi malaman ni Alec kung ito ang sagot sa kanya ng kaibigan o kinakausap lang nito ang sarili.

Sa halip na muling linawin ni Alec Tobias ang kasalukuyan nilang sitwasyon, ay pinili nalang nito na manahimik muna at panuorin ang bidyo sa screen na kanina pa nagpapalabas ng mga kuha.

Samantala, wala namang halos nagbago sa panloob na anyo ng ahensya, maliban sa mga ilang pagyanig at pagfluctuate ng kuryente. Tahimik na tinuloy ng lahat ang panunuod sa hiling na makita ang pinaka dulo nito.

* * *

Makalipas ang Isang oras at Dalawampu't tatlong Minuto.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon