Hulyo 6, 2020 - Pamantasan ng Intramuros
"Number 1, Taon kung kailan namataan ni Ferdinand Magellan ang isla ng Samar?"...
"Number 2, Tawag sa mga katutubong Pilipino na puno ng burda ang kanilang katawan?"...
"Number 3, Sinong Raha ang unang nabinyagan bilang mga Kristyano nila Magellan?"...
Seryosong sinasagot ng mga mag-aaral ang bawat tanong na binabato sa kanila ni Sir Magadya.
Matapos ang quiz ay maagang pinaawas ni Lawren ang kanyang mga mag-aaral at nagtungo sa Faculty Room upang checkan ang mga papel ng mga bata. Bago pa man siya makapasok sa silid ng mga guro ay may bumati sa kanyang lalaking naka-puting polo barong.
"Good Morning Mr. Magadya, I am --- " Ngunit hindi pa man matapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ay sinaraduhan na siya ng pinto ni Lawren sabay sabi
"See my consultation hours outside."
Walang nagawa ang lalaki kung hindi hayaan na lamang ang supladong propesor.
Matapos ang isang oras ng paglalagi sa loob ng Faculty Room ay sumilip muna si Lawren upang hanapin ang lalaking gustong kumausap sa kanya. Nakita niya itong nakaupo sa mga benches sa hallway.
Dahil ang ayaw sa lahat ni Lawren ang harapin ang mga magulang ng kanyang mga mag-aaral eh sa kabilang panig ng pinto siya dumaan upang iwasan ang lalaking nagaabang sa kanya. Habang binabagtas ang daan patungo sa susunod niyang klase ay napansin niyang nakabuntot ang lalaking naka barong.
Dali-dali siyang naglakad at pumasok sa silid ng kanyang klase. Sinilip niya muli ang lalaki, at ito'y muling naupo sa gilid ng corridor.
Maghapong tinakasan at iniwasan ni Lawren ang sumusunod sa kanya hanggang isang hapon ay hindi na niya ito namataan. Kalmadong nagtungo sa silid ng mga guro upang umidlip saglit dahil sa malamig doon at mala-impyerno ang turing niya sa kanyang apartment. Kaya naisipan niyang mamalagi muna doon hanggang sa mag-gabi.
Marso 16, 1521 : Pagsikat ng Araw - Pantalan ng Samar
Gulat at mangha ang grupo ng Senyor sa kanilang mga nasaksihan mula palang sa unang paghaharap nila ng grupo nila Raha Humabon. Ngayon ay hindi nila lubos maisip na may isang maunlad na sibilisasyon tulad nito na puwedeng makipag sabayan sa Europa.
Pagdaong palang ng kanilang mga Galleon sa pantalan ay tanaw na nila ang isang tore ng palasyo ng Raha sa hindi kalayuan at ang mga makukulay na mga bahay na gawa sa bato at kahoy sa paligid nito.
Nasaksihan din nila habang binabaybay ang pantalan ang palitan ng mga kargamento ng mga mangangalakal na sa palagay nila ay nagmula din sa malalayong panig ng daigdig.
"Paumanhin Senyor at nakalimutan kong tanungin ang inyong pangalan?" Ang muling sambit ng Raha.
"Fernando de Magallanes mula sa malayong Kaharian ng Espanya." sagot naman nito.
"Ah tama nga! Ikaw si Magellan kung tawagin sa aming mga nasusulat!" Naguluhan si Fernando sa kanyang narinig mula sa Raha.
"Tamang-tama lang ang iyong pagdating ginoo, at nandito ngayon sa aming isla ang aming Datu. Ipakilala namin siya anu mang sandali ngayon."
Tanaw din mula sa pantalan ang isang parke na napaliligiran ng mga malalaki at mayayabong na puno. sa gitna nito ay may isang nakatayong poste na may simbolo sa tuktok.
Ang mga tao dito ay payapang nagpapahinga at ang mga bata nama'y masayang naglalaro. Agad na nabighani ang Senyor sampu ng kanyang mga kasamhang dayuhan sa lugar.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Historical Fiction"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...