Hulyo 6, 2020 ika 7:30 ng umaga - 7Eleven
"Mukhang maaga kayo ngayon sir ah!" bati ng staff kay Lawren sa counter.
"Oo eh, mainit kasi dahil brownout. Buti nalang may generator kayo dito."
Tugon nito habang bumubunot ng pambayad sa kanyang biniling siopao at iced tea.
Maya't maya ay biglang nanumbalik na ang kuryente at biglang dumagsa ang mga mamimili sa loob ng tindahan dahil nagsimula nang umambon sa labas.
"Iba na talaga ang panahon ngayon, kanina init init, ngayon naman biglang uulan."
Ang animoy komento ng security guard habang nakatingin kay Lawren.
"Oo nga kuya eh, may payong kaba diyan?" agad na tugon ni Lawren.
"Meron Sir! malakas naman kayo sa akin eh." sabay abot ng isang payong mula sa estante.
"3 araw na yang nandito madaming nakakaiwan minsan dito ng mga ganyan eh."
Dugtong ng guard. Matapos mabusog at makadiskarte sa payong eh agad na nagtungo palabas si Lawren kasalubong ang ilang balak din magalmusal sa loob ng tindahan.
Kampanteng tinatahak ni Lawren ang corridor ng kanyang pinagtatrabahuan kasabay ang ilang mga tao sa paglalakad, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at wari'y may hinihintay siyang mensahe na dapat ay dumating na sa oras na iyon.
"Ayan na si Sir!"
Gulat na ulat ng isang dalaga matapos niyang masulyapan mula sa pinto ang paparating na si Lawren.
"Good morning Sir Magadya!"
Bati ng mga mag-aaral sa kanilang guro.
"Sir! ang aga niyo ngayon ah!"
Kantsaw ng isang binata.
"Anong maaga, himala sir at on-time kayo ngayon sa klase?"
Pabirong banat naman ng isang dalaga sa guro nilang patuloy parin sa pagkutingting sa kanyang cellphone.
"Wala eh, ginanahan akong gumising ng maaga ngayon eh. O sya sige, get 1 whole yellow pad and we will have our quiz today."
Tugon ni Lawren sa kanyang mga magaaral sa kolehiyo.
* * *
Marso 16, 1521 : ika 5:46 ng umaga
Masusing pinuwesto ng Senyor ang kanyang mga kawal at tauhan upang salubungin ang paparating na grupo ng mga sasakyang pangdagat.
"Senyor, nasa kanilang mga posisyon na ang lahat."
Matikas na ulat ng isa sa kanyang mga opisyales.
"Mahusay kung gayon." Sabay sipat muli sa kanyang lente. "Ihanda ang layag." Utos nito sa kanyang opisyal.
Sa hindi kalayuan ay huminto sa pagusad ang grupo at namataan ng taga-matyag ng galleon na may mga bangka na inihanda ang mga bisita ng kanilang Senyor. Lulan ng paparating na grupo ng mga bangka ang animo'y isang opisyales din ng kabilang panig. Pansin sa kanyang kasuotang tadtad ng mga ginto't pilak na palamuti. Dumaong sa gilid ng barko ng Senyor ang mga bangka at tahimik na lumulan ito paakyat sa barko.
"Tawagin mo si Enrique, ngayon din."
Utos ng senyor sa kanyang tauhan bago pa lumulan ang mga banyaga sa kanilang galleon. Ilang saglitlang ay dumating sa tabi ang pinatawag niyang tauhan.
"Enrique, pamilyar ka ba sa mga ito?"
Tanong ng senyor sa wikang espanyol sa tauhan.
"Si, senyor..."
"Mabuti kung gayon, sabihin mo sa kanila mamaya na tayo ay nandito bilang kinatawan ni Haring Carlos ng Espanya at naglakbay tayo ng mahabang panahon upang makapunta rito..."
Paliwanag nito sa kanyang tauhang tagasalin ng wika.
Mayamaya ay lumulan na ang mga dayuhan sa kanilang Galleon.
"Mabuhay! Ako si Raha Humabon ang pinuno ng pulo ng Samar binabati ko kayo sa inyong maayos na paglalakbay patungo dito sa aming Emperyo!"
Nagulat ang lahat sa narinig nilang sinambit ng ginoo.
"Marahil kayo ay nagtataka kung paano ko nalaman ang inyong wika. Ngunit hindi iyon ang mahalaga. Ang mas mahalaga eh tinatanggap namin kayo ng mapayapa at hahayaan namin ang inyong pagdaong sa aming pantalan."
Dugtong nito sabay alok ng kanyang mga kamay sa Senyor na gulat parin sa kanyang narinig na malinaw na pagsasalita ng Espanyol.
Agad namang nakipagkamay ang Senyor at nagmwestra sa kanyang mga tauhan ng tanda sa pagdaong.
"Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon ginoo ngunit salamat sa iyong maayos na pagtanggap sa amin."
Ang tugon ng Senyor kay Raha Humabon.
* * *
Hulyo 1, 2020 : ika 11:01 ng gabi
Habang nagaayos ang grupo nila Officer Santos sa kanilang paglalakbay ay tumunog ang isang radyo at may nag-ulat.
"Captain Santos, the Hope Crew had just arrived in the their launch pad. Simultaneous launch will commence in 23:25 hours."
Matapos ayusin ang mga mga gamit ay Umupo na sa kanyang pilot seat si Officer Santos at muling nag-anunsyo sa grupo.
"Gentlemen, we shall depart in 20 minutes. Please secure yourselves before the launch."
Ang kaninang masiglang binatang Dr. Enriquez ay animo'y seryoso na at nakadungaw nalang sa bilog na bintana ng kanilang Space Shuttle.
"Ano pare, matamlay kana ata ngayon?"
Ang muling bati ni Allan sa kanyang nakakabatang kasamahan.
"Hoy, ano bigla ka naging senti diyan?" muling tanong nito sa kaibigan. "Maybe he has some flight issues." Komento ng isa nilang kasamahan na Singaporean.
"Flight Issues? We had enough space flight training hours. It could be that she misses the girls he's with last night at the bar?"
Biro naman ng isa nilang kasamahan na may burda ng bandila ng Malaysia sa kanyang uniporme.
"I am just thinking that after this flight, what will happen to us next?" - "I mean, yes, we will be famous and all of that, but I feel something different regarding this mission of ours."
Litanya ni Dr. Enriquez sa sarili.
"Feeling of something different? It's called Excitement my friend." muling tugon ng Malaysian sa kasamahan sabay tawa.
"Baka naman na si-CR ka lang ha Edward, meron pa naman tayong 10 minutes bago tayo pumunta sa kalawakan. hehehehe."
Pabirong bulong naman ni Allan sabay suntok sa braso ni Dr. Edward Enriquez.
"Loko ka talaga Lolo Allan."
Pabirong tugon ni Edward sa kaibigan
"Yun oh! kala ko mag sesenti ka na diyan magdamag eh!"
Idinaan nalang sa biruan at kantahan ng grupo ang kanilang galak sa nalalapit nilang paglipad.
Naputol ang masayang harutan ng 4 na lalaki ng tumunog ang intercom device sa kanilang pwesto at lumabas sa screen ang mukha ng isang matipunong lalaki.
"Okay boys, Simulatneous launch of Space Shuttles Dream & Hope shall commence in T-minus 30 seconds..." Anunsyo naman ng Co-Pilot nila.
"Check your seatbelts and make sure to remember the trainings that we had. This is it & Goodluck to us!." Anunsyo naman ni Officer Santos sa lahat.
"10...9...8...7...6...5...4...3...2...1..."
BINABASA MO ANG
Sulyap
Historical Fiction"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...