Kabanata 6 - Mga Pinto

702 14 0
                                    

Galleon ng Trinidad - Pantalan ng Samar (1521)

Tanghaling tapat, at abala ang mga tauhan ni Magellan sa paglilinis at pagkukumpuni ng kanilang sasakyang pangdagat.

Laking tuwa ng mga opisyales ni Magellan sa kabutihang loob ng mga nakasalamuha nila. Bukod sa pina-baunan sila ng mga pagkain at alak, ay binigyan din sila ng mga gamit sa pagkukumpuni ng kanilang mga galleon. 

"Senyor, mukhang mababait ang mga naninirahan dito sa lugar na ito."  wika ng isang opisyal nito.

"Tama ka diyan Gaspar, at iyong kabaitan nilang iyan ang gagamitin natin laban sa kanila."  wika din ng isa sa mga opisyal.

"May punto ka diyan Cartagena, ngunit may pakiramdam akong kakaiba sa kinikilos nila..."  tumbok naman ni Magellan habang hawak ang isang mapa.

"Ano itong pakiramdam mo na ito Senyor?" tanong ni Cartagena.

"Hindi ko pa mawari sa ngayon, ngunit akin paring iniisip kung ano ang ibig sabihin ng Datu kanina na alam na nila ang pakay natin sa lugar na ito..."  sagot nito sa opisyal sabay tayo patungo sa isang panig ng silid.

"Ano pa ba kung 'di ang makipag-kalakalan! Yun ang akala siguro nila..."  muling sagot ni Cartagena.

"Paano mo naman nasabi iyan?" tanong naman ni Gaspar.

"Na-obserbahan ko kanina na lahat ng dumadaong sa lugar na ito ay nagtungo upang makipag-kalakalan. Nakakatuwa nga ang kanilang pamamaraan. Animo'y nagpapalitan lamang sila ng mga kargamento. Hindi sila gumagamit ng anu-mang salapi." paliwanag nito sa kapwa opisyal.

"Ngunit napansin mo ba ang dami ng kanilang mga ginto sa katawan? Tiyak kong tumataginting ang lupain nila sa mga ito. Hindi nila alam kung gaano ito kahalaga at basta-basta nalang nila ito kung suotin." tugon ni Gaspar kay Cartagena habang nakamatyag si Magellan sa pantalan mula sa bintana ng kanyang silid.

"Mga senyor, ihanda ang isang grupo ng ating magagaling na kawal, may plano ako." wika ni Magellan mula sa kanyang kinakatayuan.

"Ano iyon senyor?" tanong ng isa sa lima pa niyang opisyal.

"Ano pa ba, edi gawin ang ating pakay sa lugar na ito." tugon ni Magellan sa limang opisyal.

Space Shuttle Dream (Hulyo 3, 2020)

Halos 24 na oras narin ang lumipas simula nang matagumpay na pag-deploy ng drones at sattelite ang dalawang space shuttle.

"In a few moments, we will orbit the Lunar Surface, Proceed to your designated areas immediately." deklara ng Co-Pilot sa lahat.

Matiwasay naman at tila aliw sa paglutang-lutang sa loob ng sasakyan ang mga lulan nito habang patungo sa kanilang mga nasabing pwesto.

"Iba parin pala yung totoo mong nararamdaman ang paglutang dito sa kalawakan." pabulong na sabi ni Edward sa kaibigan.

"Aba, late reaction ka talaga eh no? Kanina pa tayo palutang-lutang dito tapos ngayon mo lang sasabihin sa akin yan!" agad na wika naman ng kaibigan nito habang sinusuot ang security belt sa katawan.

"Ngayon lang kasi nag-sink in sa akin lahat ng pangyayari. Nung una masyado akong namangha sa kagandahan ng ating daigdig mula sa perspektibo natin dito..."  paliwanag ni Edward.

"Senti-boy ka talaga no? Ano bang nakain mo at nagkakaganyan ka ulit?" Bago pa man muling makapag-paliwanag si Edward ay muling nag-anunsyo ang Co-Pilot.

"Prepare for Orbit guys. Last Call for your positions & security..."  

"Woooo! This is it!" biglang sigaw ng isa nilang kasamahan sa likod.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon