Space Shuttle Hope - Hulyo 8, 2020
Ilang oras matapos mapanuod ng buong crew ang live coverage ng ASA, patuloy parin sila sa kanilang pagsasaliksik at pagtatala ng kanilang mga obserbasyon sa kalawakan at daigdig. Hindi alintana ang masadlak na nangyari sa kanilang mga kasamahang sakay ng Shuttle Dream, bagkos ay ginamit nila ito bilang inspirasyon para ipagpatuloy ang trabaho at tiwalang naka-atas sa kanila.
"Dr. Lee, come over here." Tawag ng pinuno na si Colonel Maurer sa kasamahang abala sa pagsasaayos ng mga kagamitan.
Agad namang nagtungo ang dilag na Astro Physicist at Space Engineering Expert sa Pilot Deck ng Shuttle.
"Headquarters have instructed us to still pursue the phase two of the plan..." agad na sabi nito matapos isara ang hatch ng deck.
"I do not understand, we no longer have the target." Mahinang sagot nito.
"They've given us a new one." Sabay pakita ng hawak niyang touch screen na gadget.
"This doesn't make any sense." Sagot ng dilag habang binabasa ang mga datos dito.
"None of this will make sense to us. Only the most holy can comprehend such divine plans." Masugid na tugon nito.
"We do not carelessly speak of His name here Colonel!"
"It's okay; I've disabled the recording system of the deck as a precaution. Anyway, you must re-caliber Minerva at once." Paalala ng puno sa doktora.
"Very well then, give me 27 hours for that." Sagot nito, sabay bukas ng hatch at lumabas pabalik sa kanyang pwesto. Nakasalubong naman nito ang Co-pilot ng shuttle na siya naming pabalik sa kanilang deck.
"Colonel Maurer, ASA Command issued a new order for our mission." Ulat nito sa puno.
Agad na binasa nito ang ulat na nagsasaad na kailangan pa nilang manatili ng dagdag na 144 hours sa kalawakan para sa gagawing joint operation ng ASEAN at G10.
"Inform the whole crew Lieutenant Colonel." Utos nito sabay baling sa isang screen sa kanilang deck.
"Affirmative Sir." Agad na lumisan ang co-pilot upang tipunin ang kanilang mga kasamahan.
Binuksan ni Col. Maurer ang isang nakatagong communication device at nagiwan ng isang mensahe dito.
"We will commence phase two in 48 hours."
Matapos nito ay sinamahan na niya ang kanyang co-pilot sa pag-anunsyo ng kanilang dagdag na misyon.
Sa isang Isla sa Karagatang Pasipiko. - Marso 23, 1521.
Muling nagkaroon ng malay ang isang lalaki. Agad niyang naramdaman na siya ay maayos na nakaratay sa isang malambot na kama. Dahandahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napansin niya na siya ay tila nasa kabina ng isang Galleon.
"Buenas Noches Senior!" agad na bati ng isang lalaking nangangalaga sa kanya.
"Nasaan ako?" Agad na tanong nito matapos maramdaman na mas maayos na ang kanyang pangangatawan.
"Nandito po kayo sa Victoria...Kumain po muna kayo Senyor, dalawang araw po kayong tulog, marahil ay dala ng matinding pagod at trauma." Maayos na sagot ng lalaki habang hinahanda ang kakainin ng lalaki.
Ilang saglit pa ay may kumatok at nagbukas ng pinto ng silid.
"Ahhh! Magallanes, mabuti at gising kana. May mabuting balita akong sasabihin sa iyo."
BINABASA MO ANG
Sulyap
Historická literatura"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...