Ikalawang Yugto: Kabanata 38 - Ugnayan Tres

152 1 0
                                    

527 CE - Constantinople 

Isang buwan matapos ang pagtungtong ni Justinian I bilang emperador ng Imperyong Byzantine, ramdam na ng mga mamamayan ang ambisosyong plano nito para sa Imperyo. Ang lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain, ang mga mangangalakal sa kanilang negosyo, ang mga pilosopo at pantas naman ay ganado sa kanilang pagtuturo at pakikipagtalakayan. Ang mga kawal na mahigpit na nagpapatrolya sa lungsod, at ang mga kargador sa pantalan na buhat-buhat ang mga inangkat na kagamitan at pagkain mula sa ibang panig ng mundo.

Ngunit ang higit na abala sa lahat ay ang mga mapag-arugang tauhan ng Prima Erraticae, isa sa mga sikat na bahay-aliwan sa lungsod. Hindi lingid sa kaalaman ng mga napapadayo sa Imperyo na ang Prostitusyon ay isa sa mga matatag na Institusyon dito. Magpalit man ng Emperador, magka-digmaan man o sakuna, nandiyan parin ang mga bata at nagagandahang mga aktres at kortesana.

Kahit na maituturing na mga relihiyoso ang mga mamamayan ng Imperyo, sila ay bukas sa pagkuha ng mga serbisyo mula sa mga sangay tulad ng Prima Erraticae. Ito ay dahil sa hindi ito maituturing na pangangalunya, ayon sa batas. Ito rin ang dahilan kung bakit nagtayo ng kanilang mga sariling bahay-pahingahan ang mga taong-simbahan, para maiwas ang kanilang mga saserdote sa mga tuso at mapangakit na mga harlota.

Ang lahat ng itoý alam na ng klerikong si Berekitli. Bago pa man siya magtungo sa lungsod ay ilang payo at paalala na ang kanyang natanggap mula sa kanyang Obispo at kasamahan sa pananampalataya na umiwas sa mga mapanuksong lugar sa lungsod sa oras na dumayo siya rito para sa kanyang pagsusulit.

"Ginoo, babae, bata, bago!"

Ang agad na bungad sa kanya ng mga bugaw sa lansangan matapos makapasok sa loob ng dakilang lungsod ng Constantinople.

Nakahinga ng malalim ang binatang kleriko sa unang salbo sa kanya ng pagsusulit. Namangha naman sa kanyang nasaksihan sa plaza ng siyudad. Iba't-ibang uri ng pamilihan ang makikita dito, sari-saring mga tao na mula sa iba't-ibang panig ng daigdig ang makakasalamuha sa pook na iyon. Kinuha niya ang isang piraso ng papel mula sa kanyang tampipi. Dito nakasaad ang lugar na kanyang tutuluyan.

Masuwerte siya at may agad siyang nakitang mga kawal upang mapagtanungan.

"Mawalang galang ho, saan rito ang bahay na ito?"

Sangguni niya sa mga ito habang turoturo ang nakasulat sa pirasong papyrus.

"Ah! Doon ýan banda malapit sa mang-bubuwis na si Hector."

Sambit nito sa kleriko habang akay-akay nito ang kanyang kalasag.

"Hindi ako taga-rito, hindi ko alam yung tinutukoy niyong bahay..."

Magalang na sagot naman ng binata.

"Oo nga pala! O siya, hayaan mo't ihahatid nalang kita patungo roon."

Napawi ang pagod ni Berekitli sa pagtulong ng kawal sa kanya. Hindi nag-atubiling sumunod ito patungo sa sinasabing tirahan.

Sa kanilang paglalakad ay nahumaling ang dayong binata sa mga gusali at dami ng tao sa lungsod. Ilang saglit pa at nasa tapat na sila ng isang gusali.

"Clericis in curia de lumine"

Wika ng kawal sa binatang kleriko.

Nagpasalamat naman ito at bago siya iwanan ng kawal ay may inabot siya rito at agad na pumasok sa gusaling pinag-hatiran sa kanya.

*   *   *

2050 CE – Poveglia Island

Masayang nagsasalo-salo sila Altan at mga kasamahan dahil sa muli nilang pagkakatipon matapos ang ilang dekada.

"You're Most Holy, thank you for hosting this lavish feast. The moment I delved in to this ribs, I almost lost myself!"

Pasasalamat ni Trotsky sa kanilang pinuno.

"I'm glad you're no longer famished Leon."

Agad na tugon naman nito.

"And I would appreciate if you can all call me as Altan. Remember decades ago, before the reboot? I asked you that."

Dugtong ng pinuno sa lahat habang naglalagay ng wine sa kanyang kupita.

Lumapit ang punong mayordomo kay Altan at dagliang may binulong dito.

"Ah! Good News! Our favorite dessert will now be served!"

Masayang anunsiyo ni Altan sa lahat, kasabay ng pagpasok ng ilang serbidor sa bulwagan.

"Is that Ice Cream?!"

Sigaw ni Chavez nang makita ang dala-dala ng mga tauhan.

"Vanilla Oreo, my dear lord!"

Laking sigla naman ni Buckwell.

"Uhmmmm... I thought I'm already full but damn it!"

Komento naman ni Heinz. Habang humahalakhak si Yao sa tabi niya.

"Though we have a lot of differences, this divine-made delicacy sure unite us one!"

Wika ni Altan, habang hawak ang kanyang Taro Almond flavored na ice cream.

"Here's a one of a kind toast to our victory and to the new world order!"

Sigaw ni Trotsky.

"Est hominem!"

  Sagot naman ni Yao, kasabay ng pagtaas ng kaniyang kupita ng sorbetes.

  "Est hominem! Est hominem! Est hominem!"

Napuno ang bulwagan ng paghiyaw sa tagumpay habang ang mundo ay umuukit na naman ng bagong landas.

*      *      *  

Pantalan, Pulo ng Bantayan

Ilang sandali nalang at maglalayag na ang pinakamabilis na Karakoa ni Datu Zula. Sa pantalan mismo, naroon at pinagmamasdang mabuti ng Paduka ang pag-aangkat ng kanyang mga tauhan.

"Mahal na kataasan, may ulat ulit kaming natanggap mula sa Sugbu. Ayon dito, inaatasan tayo ng Mahal na Lapulapu na maglayag patungo sa Kaharian ng mga Moro."

Kinuha ni Zula ang ulat at binasa ang mga kasunod pa nitong ulat.

"Gaano pa katagal bago matapos ang paghahanda?" 

Tanong ng Paduka sa isa pang tauhan.

"Sa loob lang po ng ilang saglit ay makakapag-layag na tayo."

Agad na tugon nito sa kataasan.

Iniabot ni Zula ang ulat pabalik sa tauhan at lumulan paakyat sa Karakoa. Kinuha ang largabista at sinipat ang karagatan.

"Maghanda na sa paglalayag! Itaas ang pabigat at Luwagan ang layag!"

Utos nito sa lahat.

"Kataasan, saan tayo tutungo?"

Tanong ng kanyang punong manglalayag.

"Bibisita muna tayo kay Sultan Shariff."

Tugon nito habang sinisipat ang dalampasigan ng kanyang balwarte. 
Sa kanyang paglalayag, muling tinanaw ni Zula ang maputing tabing dagat ng pulo. Inalala saglit ang pagkakataong nilisan din niya ang kanyang tahanan para sa isang mahalagang atas.


SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon