Kabanata 23 - Ang Kabanalbanalan

273 12 5
                                    

Cebu City. – Hulyo 9, 2020

Naalimpungatan mula sa kanyang pagkakatulog si Bonbong Varcos. Namalayan niyang dahandahan siyang ibininababa sa isang van na nakaparada sa isang kulob na bahagi ng isang gusali. Naramdaman din niya ang dalawang lalaking naguusap habang naglalakad sa kanyang unahan at ang babaeng nagtutulak ng kanyang wheelchair na tila’y binibiro ng mga ito.

Ipinasok sa isang silid si Varcos, tinanggal ang nakataklob sa kanyang ulo at ang posas niya sa kamay at paa. Matapos ito ay personal na niyang tinanggal ang piring sa kanyang mata.

“Magandang Tanghali Senador Varcos.”

Bati sa kanya ng isang lalaking nakaupo sa kanyang harapan.

Nagulat si Varcos sa kanyang nakita.

“Secretary Gamban?”

“Maligayang pagdating dito sa sa Fort San Pedro. Paumanhin at kinailangan naming gawin iyon sa sa iyo kanina.” Bati nito kay Varcos.

Muling naalala ni Bongbong ang ginawang pagdakip sa kanya.

“Kayo ba ang may kagagawan nang pagpapasabog sa senado?” agad na tanong nito.

“Hindi kami ang may pakana noon, naroon kami upang iligtas ka dahil nais nilang magulo ang pamunuan ng bansang ito…” tugon ng sekretarya.

“Nila? Sino itong tinutukoy mo? Bakit hindi kayo makipagtulungan sa pamahalaan at sama-sama nating solusyunan ito?” dugtong ni Varcos.

“Nitong huli lang ‘din naming nakumpirma ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kinailangan din naming umaksyon agad matapos naming malaman ang susunod nilang balak. At isa pa, may mga tauhan na ang organisasyong nila sa ating pamahalaan kaya mahirap na…” agad na paliwanag ng kalihim sa naguguluhang kausap.

“Ibig mo bang sabihin na may mga teroristang sumasabotahe sa ating bansa?! Kung gayon, kailangan nga nating kumilos agad. Ibalik niyo ako sa Maynila at ako ang bahala.” Kumpyansang tugon ni Varcos.

“Hindi iyon ganun kadali ginoong senador, baka nakakalimutan mo, muntik ka na nilang madali kanina kung hindi dahil sa tulong namin…”

“Sandali lamang, paano kita mapagkakatiwalaan, eh ikaw ang kumitil sa buhay ni Pangulong Villafuerte! Anong balak niyo sa akin ngayon? Baka sinasabi mo lang 'yan dahil may mas maitim kayong balak sa akin at sa bansa! Pinapalabas mo lamang na iniligtas niyo ako kanina sa pagsabog pero ang totoo ay kayo ‘din ang may kagagawan noon!?” sigaw na pagkukwestyon nito sa kalihim.

“Pagpasensyahan mo na si Kalihim Mardon, sadyang magulo lang talaga ang lahat ngayon Ginoong Varcos.”

Isang boses ng babae ang narinig ni Bongbong at pamilyar ito sa kanya.

Bumukas ang isang malaking LED Monitor na nakasabit sa pader ng silid at dito nakita ni Varcos ang pinanggagalingan ng boses.

“President Miriam?” gulat na bulong nito.

“Yes Senate President Varcos, ako nga ito. Bakit tila nakakita ka ng multo diyan?” bati nito sa nagulantang na senador.

“Akala ko ho’y nagpapagaling kayo sa New Zealand ngayon Madam President?”

Isang malakas na tawa lamang ang agad na hinagikgik ng babaeng Pangulo.

“Mamaya na iyang mga tanong mo Senator Varcos. What is important is you are in our custody. Secretary Gamban, kindly proceed here once you’d taken your lunch.I'm sure Mr. Varcos is dead hungry by what you have done to him now.” Sambit nito bago tuluyang mawala sa screen.

Doon ay nalaman ni Varcos na may mga surveillance camera sa silid na malamang ay kanina pa sila inoobserbahang magusap ng kalihim.

“So Senator, shall we?” yaya ni Mardon dito palabas ng silid.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon