Pook ng mga Ipugo – Tanggapan ng mga Mamamayan
Sa loob ng isang malawak na bulwagan maayos na naghihintay ang mga mamamayan ng pook at karatig pamayanan nito sa pagdating ng mga tinuturing nilang mga sagradong mga indibidwal. Makikita sa bulwagan ang anim na trono naka hilera ng pakurba at ilang hakbang pababa mula rito ay isang podium kung saan doon pupwesto ang mamamayang may isasangguni sa mga pinuno nila.
Samantala, sa magkabilang panig naman ng silid ay mga luklukan ng mga miyembro ng konseho na binubuo ng mga matatandang mieymbro ng pook kabilang dito ang para sa mumbaki, babaylan, punong kawal, at iba pang may mataas na katungkulan sa lugar.
"Magbigay pugay sa pagdating ng mga Bathalang Dangal!" sigaw ng isang kawal sa mga taong nagtipon.
Agad na tumahimik ang bulwagan na animoy walang tao dito.
Tahimik din na lumabas mula sa isang silid sa likod ang mga sinasabing bathala ng pook, kanya kanya silang naupo sa kanilang mga pwesto at sandaling pinagmasdan ang dami gn mga tao na nasa loob.
"Para sa mga narito upang humingi ng sangguni o ano pa man sa ating mga dakilang pinuno, mayroon silang mahalagang sasabihin ukol dito..." Paliwanag ng isa sa mga namamahala ng bulwagan at matapos nito ay humarap siya sa anim na pinuno upang ipabatid ang kanilang pagkakataon.
Tumayo sa kanyang kinauupuan si Edward at nagwika,
"Mga mahal naming mga mamamayan, Batid naming ang oras at paghihirap na ginawa niyo makarating lamang sa pook na ito upang humingi ng sangguni sa amin. Napansin din naming sa pagdaan ng mga taon ay padami ng padami ang mga bumibisita dito. Dahil diyan, napagkasunduan naming lahat na salnsanin ang inyong mga kanya kanyang suliranin ayon sa anyo at uri ng pangangailanagan niyo."
Ang malakas na bungad nito sa lahat habang inililigid ang kanyang panigngin sa lahat ng naroon sa bulwagan.
"Para sa mga pagsangguni ukol sa Pananalapi at Kalakaran, Kay Punong Koon kayo lalapit, Para naman sa Pagsasaayos ng Katahimikan at Pagsali sa Katihan ng pook, maari kayong lumapit kay Punong Sumajit, Kung ang kailangan niyo naman ay may kaugnayan sa Hanapbuhay at Kababaihan, maari kayong magtungo kay Punong Santos, Sa mga pangangailangan sa Kalusugan at Palakasan, kay Punong Richards, pagdating naman sa Agrikultura at Sining kay Punong Magadya. At kapag ukol naman sa Ugnayan sa ibang pook at Kaalaman, sa akin kayo magtungo."
Mahabang paliwanag nito sa lahat.
"Ang bawat Pinuno ay mga kanya-kanyang silid at doon kayo magtutungo simula ngayon." Dugtong ni Edward.
"Gagabayan kayo ng mga ministro ng bulwagang ito ukol dito. Muli, maraming salamat sa inyong pagdating at magkitakita tayo mamaya." Tapos nito sabay punta sa likod na silid. Agad din naman siyang sinundan ng lima pa niyang kasamahan.
Hardin ng mga Binukot
Tahimik na naghihintay ang lima sa pagdating ni Datu Lapu-lapu. Mapayapa nilang pinagmamasdan ang mga magagandang halaman at bulalklak sa hardin at mula dito ay makikita din ang magandang tanawin ng lungsod at ng pantalan.
"Maayos at matiwasay ba ang inyong naging pagtulog?" bungad na bati ng Datu sa mga bisita.
Hindi mawari ng lima kung naging maayos nga ba talaga ang naging gabi nila. Hanggang sa ngayon ay hindi nila lubos maisip kung nasaan sila.
"Isa po ba itong reality show?" tanong ni AJ na nasa katauhan ng isang binatang kawal.
"Reality show?" pagtataka ni Lapulapu.
"Ipagpaumanhin niyo po ang kasamahan namin, ngunit maari niyo ho bang bigyang linaw kung nasaan kami at kung sino ho kayo?" wika naman ng dilag na si Kathy na nasa katauhan na ng isang mas matanda pero nakakabighani paring babae.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...